Chapter 5 (Revised)

435 11 0
                                    

Joyce's PoV

"Ano tong narinig ko sa isang maid na binibrain wash mo ang mga kapatid mo?" Sabi ni madam habang nagbrebreakfast kami. Tss.

Tumingin ako kay Yaya Isay at umiling siya. Kay Nay Aida naman at umiling rin siya. Si Ate Ella naman yumuko agad. Baaah. Alam ko na kung sino.

"Hinugasan ko ba mga utak nila? Eww." Sagot ko.

"Seryoso ako, Joyce." Sagot ni madam. Tss.

"Psh. Hindi ko PO sila brinebrainwash. Ang sabi ko lang, sundin nila ang gusto nila." Sabi ko at tinuloy ang pagkain ng pancake.

"Ganun na din yun. Atlis sila sumusunod agad." Sabi niya. Pinaparinggan niya ba ako? Psh.

"Ahh. Ma, gusto kong mag-culinary sana." Sabi ni Kuya Gab.

"Hindi pwede." Sagot agad ni madam.

"P-pero.." Angal ni Kuya Gab.

"Hindi pwede." Sabi ni madam at tumingin sakanya.

Bahala na nga sila.

"Papasok na ako." Paalam ko at lumabas na.

.....

"Venice, may naghahanap sayo." Sabi ng isa kong kaklase na nerd.

"Sino daw?" Tanong niya. Hindi parin kami nagpapansinan. OA niya kasi.

"Ewan." Sagot naman ni nerd.

"Aww. Pinagpalit ka na ng bestfriend mo. Wala ka ng friend." Sabi ni Clown.

"Di ko siya bestfriend at pwede ba. Ayos lang ang walang friend kesa naman sayo, marami nga, made in china naman." Sagot ko at lumabas na. Maglalakad lakad muna ako.

"Musta na Sapphire?" Rinig ko ang boses ni Venice. Psh.

"Tabi nga. Harang eh." Sabi ko sakanila at tumabi na. Harang sa daanan. Tss.

"Si Ate Kathleen un diba?" Sabi nung babae.

"Di kita kapatid." Sigaw ko dun sa babae at naglakad na papunta sa playground. Sa pre-school building.

"Bakit ka andito?" Tanong ko kay Luke na nakaupo dun sa may swing.

"Wala lang." Sabi niya pero nakatulala. Nagdrugs ba to?

"Umamin ka nga, drug pusher ka no?" Tanong ko sakanya at tumingin siya sakin ng diretso.

"Gago." Sabi niya. Aba't! Namura pa ako!

"Gago ka rin." Sagot ko at umirap. Umupo nalang ako sa kabilang swing.

"K-kathleen." Sabi niya at umiyak na. Woaaah! Umiiyak rin pala siya?

"Wala na. Wala na si mama. Iniwan na niya kami." Sabi niya habang umiiyak. Mama's boy pala siya?

"Babalik rin yun." Sabi ko at lumapit sakanya.

"Kung pwede lang eh. Sana nga, nag-asawa nalang siya ng iba. Pero hindi eh. Kinuha na siya ni God." Sabi niya at umiyak pa lalo. Paano ba magpatahan ng lalaki! Sht. Pero teka..

"C-condolence." Sabi ko at hinagod ung likod niya.

"Ang sakit. Karma ko na ba to?" Tanong niya.

"Oo. Kaya magpakabait ka na." Sabi ko at tinignan ako ng masama. Bakit?

"Masama ba talaga ako?" Tanong niya. Bah! Naniwala! Hahaha. Sabagay. Evil King nga pala bansag sakanya dito. Mean Goddess naman sakin. Kay Clown naman, Famous Clown. Joke. Princess yun. Prinsesa ng mga payaso. Bwahaha.

"Hoy. Baliw." Sabi ni Luke kaya nabalik ako sa ulirat. Lalim ng tagalog sht. Hahaha.

"Tanga! Mas masama kaya ako sayo. Ikaw King ako Goddess." Sabi ko at umirap.

The Mean GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon