Chapter 4 (Revised)

497 15 0
                                    

Joyce's PoV

"Hi Ms. Taray." Bati ni Luke(Hambog). Binatukan ko nalang siya.

"Aray!" Sigaw niya sabay tingin sakin ng masama.

"Hi." Bati ni Venice kaya tumango nalang ako sakanya.

"Hello Ms. Pasikat. Nareceive na ba ng parents mo ang letter?" Tanong ni Emerald at ngumisi.

"Yup. And masaya sila sa nangyari sayo." Sabi ko sakanya at tinapik ang balikat niya.

"Arghhh! Kainis!" Sigaw niya.

"Di nga best? Anong nangyari?" Tanong ni Venice.

"Edi napagalitan." Sagot ko at nagbasa nalang ng libro.

"Oh." Sabi niya at tumahimik na.

.....
Mabilis lang yung oras. Uwian na.

"Bye Ms. Taray. Ingat. Emotera ka pa naman." Sabi ni Luke kaya inambahan ko siya ng batok pero tumakbo na siya agad. Baliw.

"Ahmm. Best, pwedeng makisabay." Tanong ni Venice. Tinignan ko lang siya at naglakad na. Pero di pa siya sumusunod.

"Ayaw mo?" Tanong ko at tumakbo naman agad siya palapit.

"Aray!" Sigaw ng isang babae. Taga- ibang section ata.

"Miss, okay ka lang?" Tanong ni Venice. Tsk.

"Nagkasprain ata ako." Sabi nung babae.

"Asan ang driver mo?" Tanong ni Venice.

"Day off niya kasi eh." Sabi nung babae. Psh.

"Gusto mo sumabay?" Tanong ni Venice. What?!

"Ayos lang ba?" Tanong nung babae.

"Syrempe hindi." Sagot ko at tinignan naman ako ng masama ni Venice. What?! Kotse niya?!

"Oo naman!" Sabi ni Venice at inakay yung babae.

"Wala kang sundo bobo." Sabi ko sakanya at tumingin naman sakin si Venice.

"Sayo nga kami sasakay eh." Sabi naman niya.

"Ayoko kapag kasama siya." Sabi ko sabay turo dun sa babae.

"Kathleen! Wag ka ngang childish!" Sigaw ni Venice.

"Kotse mo?" Tanong ko at naiinis na siya.

"May sprain siya!" Katwiran niya.

"So? Pake ko? Kilala ko ba siya?" Sagot ko at umirap.

"Ang selfish mo." Sabi niya.

"Dapat na ba akong mahurt? Tsk. I know right." Sabi ko.

"Magtataxi nalang kami." Sabi niya.

"K." Sagot ko at nauna na. Anong akala niya maguiguilty ako?

"Aish! Tara na nga." Sabi niya dun sa babae at pumunta sa gate 1.

"Tara na Kuya Ren." Utos ko driver namin ng umulan ng malakas. Psh.

"Grabe. May bagyo ata." Sabi ni Kuya Ren habang nagdadrive.

"Teka... si Ms.Venice ba yun?" Turo ni Kuya Ren kaya napatingin ako sa labas. Oo nga. Si Venice at yung babae nasa waiting shed.

"Isabay na po kaya natin siya?" Tanong niya.

"Hindi. May kasama siya." Sabi ko at nagearphones nalang.

"Andito na po tayo." Sabi niya kaya bumaba na ako ng kotse.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Tristan. Nagulat naman siya.

"Si Venice?" Tanong niya.

"Kasabay ko dapat siya kaya lang mas pinili niyang ihatid ung babae." Sabi ko at nagkibitbalikat.

"Nako! Pahirapan pa naman magcommute. Ang lakas ng ulan." Sabi niya na parang naiiling.

"Sunduin mo. Baka nasa waiting shed pa ng school sila." Sabi ko sabay bato ng susi sakanya. Susi ng kotse ko. Di ko pa nagagamit.

"Salamat." Sabi niya at lumabas na agad.

"Hi." Bati ni Kuya Harry kaya tumango nalang ako.

"Bunso, baba ka agad. May meryenda." Sabi naman ni Kuya Gab mula sa kusina.

"Kkay." Sagot ko at umakyat na sa kwarto ko at nagbihis.

"Achoo!"

"Kaw kasi eh! Mas pinili mo pang ihatid ung babae!" Rinig kong sermon ni Tristan.

"Eh kasi may achoo! sprain siya eh." Sabi ni Venice at tumingin sakin. Tinaasan ko nalang siya ng kilay at pumunta na sa kusina.

"Kathleen, pwedeng pahiram si Venice ng damit mo?" Tanong ni Tristan.

"Sa kwarto ko. Bukas yun." Sabi ko habang kumakain ng cheesecake.

"Masarap?" Tanong ni Kuya Gab kaya nagnod ako.

"Ako gumawa niyan." Sabi niya at ngumiti ng malapad.

"Mag-culinary ka nalang." Sabi ko. Napayuko naman siya.

"Hindi pwede." Sabi niya.

"Kaya niyo namang ihandle ang business kahit mag-chef ka eh. Edi ikaw maghandle ng restaurants." Sabi ko at sumubo ulit ng cake. Sarap!

"Ahh. Ewan." Sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Harry! Drawing ka ng drawing dyan." Sita naman niya kay Kuya Harry na nagdradrawing nga.

"Pake mo?" Sagot niya at nagdrawing ulit.

"Baliw." Bulong ni Kuya Gab.

"Oy Tristan. Kain ka dito." Alok ni Kuya Gab kaya pumunta naman si Tristan dito.

"Mukhang masarap ah!" Sabi niya.

"Masarap talaga yan." Pagyayabang naman ni Kuya Gab. Tsk.

"Ikaw rin Venice." Alok ni Kuya sa kakababa lang na si Venice.

"Ah. Okay lang po." Sabi niya at umupo dun sa sofa.

"Bahala ka." Sagot ni Kuya Gab.

"Ano yan Kuya Harry?" Tanong ni Venice.

"Sketch." Sagot naman ni Kuya kaya lumapit ako at hinablot ung drawing niya. Woah.

"Putspa. Anggaling mo magdrawing ng mga bahay ah. Mag-architecture ka nalang." Sabi ko habang tinititigan ang mga drawing niya.

"H-hah. Ano. Okay lang ako sa course ko." Sabi niya at inagaw sakin ang sketch pad niya.

"Psh. Mga uto-uto kasi kayo Don at Madam. Sundin niyo ang gusto niyo." Sabi ko at umakyat na.

Mga sunud-sunuran kasi. Psh.

The Mean GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon