Chapter 3 (Revised)

435 15 0
                                    

Joyce's PoV

Gabi na nung nagising ako. Ano bang nangyari? Ang naalala ko nalang, nandito si Venice tapos nanonood ako ng Anime.

"Good Evening po Ms. Joyce. Kakain na po ng dinner." Sabi ni Yaya Isay.

"Sige." Sabi ko at naghilamos muna bago bumaba.

"Bunso, kain na tayo." Sabi ni Kuya Gab. Anong meron? Anong bunso? Wtf.

"Uy! Andaming pagkain ah!" Sabi ni Kuya Harry na kakadating lang at naka-jersey.

"Magbihis ka nga muna Harold." Utos ni Kuya Gab at tinulak si Kuya Harry.

"KJ!" Bulong ni Kuya Harry habang umaakyat. Gusto kong ngumiti. Pero di pwede. Haays.

"Ano meron?" Tanong ko at umupo na. Gutom na ako.

"Wala lang. Ayan pala favorite mo bunso oh. Beef broccoli." Sabi niya sabay turo dun sa isang putahe. Waaah.

Teka. Bakit ba kanina pa to, bunso ng bunso?

"Gutom na ako!" Sabi ni Kuya Harry habang nagmamadaling bumaba ng hagdan.

"Ops! Magpray muna." Sabi ni Kuya Gab nung kukuha na ako ng kanin. Tsk.

"Lord, salamat po sa lahat ng nakahain ngayon. Amen." Pray nila at kumuha na agad ng kanin si Kuya Harry.

"Dapat pinauna mo si bunso, bro." Sabi ni Kuya Gab habang naiiiling. Napatigil naman si Kuya Harry.

"Bro, may lagnat ka ba?" Tanong ni Kuya Harry sabay hipo sa noo ni Kuya Gab.

"Wag mo nga akong hawakan bro. Ladies first diba?" Sabi niya at tumango saakin.

"Weird." Bulong ni Kuya Harry. Agree.

"Salamat sa pagkain." Sabi ko at kumain na.

"Masarap ba bunso?" Tanong ni Kuya Gab.

"Mm mm." Sagot ko kasi may laman pa ung bunganga ko. Napangiti naman siya ng malaki.

"Luto ko yan!" Sabi niya kaya nabuga naman ni Kuya Harry ung tubig na iniinom niya.

"Sht ka bro! Weh? Ikaw nagluto nito?!" Sabi ni Kuya Harry.

"Lul! Bat ayaw mo maniwala?!" Sabi naman ni Kuya Gab.

"Nasa harap ng pagkain." Sabi ko.

"Manahimik ka nga!" Sigaw nila parehas sakin. Tsk. Bahala nga sila.

"Hoy! Bakit kayo nagmumurahan eh nasa harap nga ng pagkain!" Sabi ni madam sabay batok sa kanilang dalawa.

"Tama si bunso. Di niyo na nirespeto ung grasya." Sabi ni Don at umupo na.

"Pasensya/ Sorry." Sabi nila at yumuko.

"Tapos na po ako." Sabi ko at umakyat na.

--

Gab's PoV

"Tapos na po ako." Sabi ni Joyce at umakyat na.

"Kain na tayo!" Sabi ni Harold at kumain na.

"Naalala na naman niya kanina." Sabi ko at napahinto naman sila.

"Paano? Tinago na natin lahat ng makakapagpaalala sakanya." Sabi ni Mama.

"Photo Album. Si Venice ang nagpakita nung picture." Sabi ko.

"At muntik na siyang maglaslas." Dagdag ko pa at nagulat naman silang lahat.

"Kung ipadala na kaya natin siya sa U.S. Hon? Bad influence si Venice sakanya." Sabi ni Mama. Tinignan naman siya ni Papa ng matagal. Weird.

"Hindi. May usapan tayo." Sabi niya kay mama. Huh? Usapan?

"Kumain na tayo." Sabi ni Papa at kumain na kami. Ano kaya usapan nila?

"Good Night Mom and Dad." Paalam ni Harold.

"Night Ma at Pa." Sabi ko at umakyat na. Iisa lang kwarto namin ni Harold.

"Bro, ano kaya yung usapan ni Mommy and Daddy?" Tanong ni Harold.

"Oo nga eh. Nacucurious din ako." Sagot ko at umupo sa kama ko.

"Geh bro. Tulog na ako." Sabi niya at humiga na. Tumango nalang ako. Ano kaya pwedeng gawin?

Makababa nga muna. Nauuhaw ako.

"Hon. Why don't we send her abroad?" Rinig kong sabi ni Mama mula sa kwarto nila. Huh?

"I told you. Pag di siya tumino. Pagkagraduate niya ng HS natin siya ipapapunta sa U.S. Bakit ba hindi ka makapaghintay, Bianca?" Tanong ni Papa. 4th year na si Joyce.

"Because she's not part of the family naman talaga!" Sigaw ni Mama. What?

"She is!" Sabi naman ni Papa. Ano ba talaga?

"She's not! Anak mo lang siya sa labas. Panira siya sa pamilyang to!" Sabi ni Mama. What?

"Anong pinapakinggan mo?" Tanong ni Joyce na kakalabas lang ng kwarto niya.

"W-wala! Hehehe. Saan ka pupunta? Tara." Sabi ko sabay hila sa kanya. Ayokong marinig niya.

"Narinig ko na. Dati pa. Wag mo nang itago." Sabi niya at nauna na saking bumaba. Alam na niya?

"B-bunso..." Tawag ko. Huminto naman siya.

"Wag mo kong tawaging bunso. Ang weird." Sabi niya at pumunta na sa kusina.

"Gusto mong tubig?" Tanong niya kaya nagnod nalang ako. Linagyan naman niya ako dun sa isang baso.

"Salamat." Sabi ko at nagnod lang siya.

"Uhm.."

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

"Kuya..." Tawag niya. Napahinto naman ako. Namiss kong tawagin niya akong kuya.

"Ulitin mo nga." Sabi ko.

"Kuya.." Ulit niya kaya napangiti ako.

"Bakit bunso?" Tanong ko. At bigla niya akong yinakap.

"I missed you kuya. Please. Wag mo kong sukuan." Sabi niya at umiyak. J-joyce. I'm sorry. I'm sorry kung sinukuan kita dati.

"Oo. Pangako. Di na kita susukuan bunso. Love ka ni kuya." Sabi ko at yinakap siya ng mahigpit.

"Thanks kuya. Good Night." Sabi niya at umakyat na.

"Mabuti naman at bati na kayo ng kapatid mo." Sabi ni Nay Aida.

"Oo nga po." Sagot ko.

"Matagal niyang inintay na mapatawad niyo siya. Na lumaban muli kayo para sakanya." Sabi niya at ngumiti.

"P-po?" Tanong ko.

"Lagi siyang umiiyak kapag wala kayo. Kaya kahit gaano siya kasungit, di namin pinapansin. Dahil pantakip niya lang yun. Ayaw niya kasing may naaawa sakanya." Dagdag pa ni Nay Aida.

"Sige. Una na ako iho." Sabi niya at pumasok na sa Maid's Quarter.

"Mukhang kailangan natin bumawi kay bunso?" Rinig kong sabi ni Harold na nasa likod ko.

"Mukha nga.." Sabi ko at humarap sakanya.

"Paano?" Tanong niya at nagkibit balikat ako.

"Bahala na." Sabi ko at umakyat na. Marami akong kasalanan at kailangan ko talagang bumawi kay Joyce.

The Mean GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon