Chapter 21

51.6K 1.4K 54
                                    

a/n:yehey!i'm so happy to let everyone know na napublish na po ang revenge!175 taglish ang available na sa bookstores under pop fiction po!so if ever meron na kayong kopya, take a selfie with it at tag nyo ko sa twitter jihyechoi_vip sa Instagram glamriri, revenge ni miss p. page or group pati sa fb acc ko.rica manrique.Thank you!!!!

And nga pala, may mga nababasa akong comments sa revenge about alexia andrade na nakuha ko daw ba sa perfect haters na alexa andrade ang name.ilang beses ko na pong sinasagot at lilinawin ko lang.you can check the date ng pagpost ko sa storyang ito w/c was 2011 pa.i checked the story and 2013 sya ginawa so def. nauna ko pong ginawa ang story at hindi ko po kinopya ang pangalan ng bida.i just want to clarify.Nagkataon lang po yon, i don't think namab na nagkopyahan kame ng author.i find some comments accussing lang.

and if you have time, paread po  ng story ni medyomaartengconyo nagpapaplug sya. ❤❤❤❤

Chapter 21

Alexia

Kakadating ko pa lang sa resto ni jensen, nandito pa ako sa loob ng kotse at sa totoo lang, i'm contemplating about this.Ilang beses ko na din dapat tatawagan si Margaux for motivation.I really dont know what will happen.

Ilang minuto pa ang lumipas at sobrang late dinner na ang mangyayari sakin.I'm not hungry though.I sighed and went out.Nakakailang hakbang palang ako when i heared someone crying.Anong meron at kanina pa ako nakakakita ng umiiyak.Nasa medyo madilim syang part ng parking lot.naaaninag ko sya kasi bukas yung ilaw ng kotse sa tabi nya.Nakasalampak sya sa lapag at nakasandal sa isang kotse habang nakatakip yung dalawang kamay sa mukha nya. Wala naman akong business sakanya pero parang kanina pa sya umiiyak kaya nilapitan ko sya.Not before i went back to my car and got the tissue box.Ang lucky ko lang, when i offered my sympathy e sinigawan nya ko na para bang sakin nya binuhos ang galit nya saying hindi nya daw kailangan ng awa at umalis daw ako sa harap nya.Namumula at magang maga na yung mata nya.Ang sama nang ugali ha! ako na ngang tumutulong e.Aalis na sana ako nung napahawak sya sa tiyan nya na at nagawi ang tingin ko sa parteng yon.Malaki ito at palagay ko nasa 6 to 7 mos. na.Medyo naalis ang inis ko sakanya.Baka kasi kung mapaano sya sa kalagayan nya. Ibinaba ko ang tissue box sa harap nya.Kung ayaw nyang gamitin e di wag.Siguro naman sapat na yung ginawa ko.Dumiretso na ko sa loob nung nakita kong nakatakip ulit ng kamay yung mukha nya habang umiiyak.Kawawa naman siya.

I smiled nung nakaupo na ko after kong sabihin ang reservation ko. i ordered A light meal since bigla akong nagutom nung makita ko yung menu. After a while, nakita kong papalapit sakin si Kimmy, Nakahalukipkip sya at malayo pa lang ay halatang nakataas ang kilay nya. Hindi ko inaasahang makikita ko sya dito sa totoo lang kaya hindi ko pa rin alam ang mangyayari. Siguro naman may breeding pa rin sya at nasa public place kami, pero naalala ko yung ginawa nya sakin nung party nya kaya biglang naging alert ako.siguro ready na rin akong makipag away pag nauna sya.

Akala ko kung anong gagawin nya pero umupo sya sa table na inookupa ko.Sa harapan ko.Ilang segundo, minuto? hindi ko alam pero walang nagsasalita samin. Nagpapaligsahan ata kami kung sino unang mag aalis ng tingin. Nasan na ba yung pag kain ko? Parang ang tagal! Nauna pa rin sya sa pagbaba ng tingin.Binuksan nya yung bag nya at inihagis sa harap ko yung isang envelop.Wala pa ring nagsasalita.Invitation.Wedding invitation.I sighed.Anong tingin nya? na pupunta ko sa kasal nila?

She smirked while looking at my reaction. Ewan ko kung anong najita nya sa mukha ko pero nagustuhan nya. "Hindi ko talaga inaasahang makita ka dito pero since may nagsabi na nandito ka, pinuntahan kita.Baka kasi sabihin mo ang sama ng ugali namin kaya ayan invited ka sa wedding.I'll see you there."

I shrugged.Nagpatuloy lang sya sa pagsalita. "Sinabi nga pala sakin ng kapatid ko ang ginawa mo, akala mo siguro makukuha mo si Jevon pag nagpaganda ka no? ang trying hard mo naman. Nakakaawa kayo.Well marami nga kayong nagmamakaawa para sa atensyon nya pero ito lang ang masasabi ko sainyo. Akin lang sya. Huwag na kayong mag ambisyon." yun lang at tumayo na sya. Hindi ko sya hinayaang makaalis.Nagsalita ako nang hindi tumatayo. "Alam mo ba na mas nakakaawa ka?" nilingon nya ko at halatang nagalit sya sa sinabi ko. I faked nonchalance "Kailangan mo pang mang away para lang masigurado ang posisyon mo sa buhay ni je-von. Trying hard ako gumanda? well sa totoo lang mas okay pa ang ganun kesa trying hard na linisin ang kalat ng so called husband to be nya.Sayo nga ba talaga sya? ikaw na nga ang may sabi, madami kami. Paano pala kung iwan ka nya kasi marami namang syang maipapalit sayo? kung ngayon ngang hindi pa kayo kasal e niloloko ka na nya..." hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko at nginitian ko sya ng ubod tamis. Namula ang mukha nya. Akala ko nga magwawala sya at sasaktan ako pero dalidali syang umalis. Alexia-1 Kimmy-0

What A Nerd Wants ✔️ (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon