chapter 16

61.3K 1.3K 107
                                    

a/n: ako naman ay sadyang nababagabag sa mga nakapost sa wattpad confessions.parang lahat na yata ng nagpopost ng story dito sa wattpad ay tinuligsa.ay ewan nalang nga nyan.nakakatamad na tuloy magpatuloy sa pagsulat.ayoooonnn.nilabas ko lang ang aking saloobin.pasensya nman po sa hindi pormal na istilo ng aking pagsulat..at eto na nga ang update.hnd ko nalalagyan ng bs dhl nabasa ko sa wc na malaswa dw.pro ang totoo wla tlga aq galing sa paggawa ng bs.wahaha.kahit konti wla.merry christmas and happy new year sa lahat!!!!!dedicated kay dannica ang chappy dahil love ko sya!dannica-jake loveteam poreber!

chapter 16

alexia

wala ako sa sarili.naramdaman ko nalang na tumutulo ung luha ko habang nakasakay sa taxi.wala akong dalang kotse kagabi.sinundo lang kasi ako ni mar.Kagabi?ang bilis ng pangyayari kagabi.ang natatandaan ko lang ay nasa bar kami ni mar,nakita ko si gwen at si archie..tapos..tapos...napatingin ako sa mga braso ko..puro kalmot..

nakita kasi ako ni gwen..kami..sa kwarto ni archie..sa kama ni...archie..napatawa ako ng malakas.bakit ba ang gulo ng buhay ko?bakit ba nagkakaganito.napatingin ako sa rearview mirror.napapailing nlang si manong driver habang nakatingin saakin.ano bang hitsura ko?siguro mukha akong basahan..oo mukha nga.

naalala ko yung mukha ni gwen nung pumasok sya sa kwarto.kakagising ko lang noon.nakatingin sa sakin si archie habang nakangiti.hinalikan pa nya ko sa noo.maguusap sana kami pero bumukas yung pinto.pumasok si gwen at kita ko yung galit sa mukha nya..sinunggaban nya ako bigla.pinagkakalmot at sinabunutan.hindi sya agad bumitiw kahit kinaladkad na sya ni archie palayo.ang sasakit ng mga sinabi nya.siguro nga..bagay sakin yun..ano na ba ko ngayon?anong dapat itawag saakin?nakipagsiping ako sa lalaking hindi ko naman karelasyon.napahagulgol ako..bakit kahit mali ang nangyari samin...bakit masaya ako?bakit kahit alam kong wala namang mangyayaring mganda saming dalawa e natutuwa pa rin ung puso ko?baliw na ba talaga ako?

"maam andito na po tayo".

nagulat pa ko nung nagsalita si manong driver.dali dali kong pinunasan ung mukha ko.nagbayad ako at bumaba habang inaayos ko yung buhok ko.hndi ko na nagawang tgnan kubg okay na ba tlga ung itsura ko.

dali dali akong pumasok sa loob.kahit binati ako ng guard namin nagdiretso lng ako ng lakad.nakayuko ako para hndi nya makita yung itsura ko.yung mata ko.makakahinga na sana ako ng maluwag pero nagulat ako nung tawagin ako ni papa.hindi ko alam ang gagawin ko.kung haharap ba ko sakanya o ano.natataranta ako.

"good morning hija,hindi ka ata dito natulog kagabi?"

hindi ko pa rin inaangat yung ulo ko sa pagkakayuko.nakita ko nlang yung sapatos nya sa harap ko.yung boses naman nya parang nag aalala lang pero ayaw ko pa rin iangat yung ulo ko.

"anong nangyari sa braso mo?"i flinch nung hawakan nya yung kakiwang braso ko.aaminin ko ba kung paano ko nakuha yung mga kalmot ko?pero hindi ko alam kung san ako magsisimula.

dahan dahan kong inangat yung ulo ko at tinignan yung mukha ni papa.puno ng pagaalala yung itsura nya.nakakaguilty.kasi naman kung malalaman lang nya yung pinag gagagawa ko kagabi baka itakwil na nya ko.Naghahantay pa rin sya ng sagot.wala akong lakas para bawiin yung brasong hawak nya kaya napabuntong hininga na lang ako.wala naman akong magagawa kaya sabihin ko nalang na napaaway ako.hindi ko nalang ieelaborate ang pangyayari.

ibubuka ko palang ang bibig ko para nagsalita nang magulat ako sa nagsalita sa may likuran ko.

"good morning!"

si mar.inakbayan nya ko at kinuha yung brasong hawak ni papa.giniya nya ko palayo kay papa at papunta sa kwarto ko habang sinasabi kay papa na nagkaroon lng ng catfight sa bar kagabi.sinabi din nyang sakanila ako galing.hndi nya direktang sinabi na sakanila ako natulog.gumaan ang pakiramdam ko dahil hindi ko na kailangan magpaliwanag kay papa.mas okay pa makipagusap kay mar.pero may kasalanan sya sakin.hinayaan nya ko kagabi!

What A Nerd Wants ✔️ (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon