chapter 18

56.3K 1.5K 148
                                    

A/n:walang kamatayang a/n!may nagbabasa pa rin pala ng story na ito kaya naman nag update na ko agad!syempre thank you sa inyong lahat dahil hndi kayo nagsasawang maghintay kahit ilang buwan.o sige ang drama ko na!

Chapter 18

Alexia

Kahit naman hindi pa rin ako makaget over sa katangahan ko,kailangan ko pa ring mabuhay ng normal.Sa katunayan nga,aattend ako ng party.Dumating na kasi yung ate ni Paola.Si Kim.May welcome party silang iniorganize.Sabi pa ni Pao,ikakasal na rin daw yung ate nya.Puro ikinasal at ikakasal ata yung parating nakakasalamuha ko.Yan lex,bitter.ka nanaman!


Hindi na nagparamdam si Jensen sakin.Siguro naman malinaw na yun na we are over.Una palang naman hindi dapat naging kami.sadyang mapaglaro ang tadhana.Sayang kasi hindi ko siya mahal.Siguro kung naging sya si..Okay stop.hindi ko na dapat iniisip ang isang yon.Isang pagkakamali ang nangyari samin.Hindi ko pwedeng sabihing niloko nya ko.Una dahil wala kaming relasyon.Pangalawa,tama si jensen.easy ako,at pangatlo dahil tanga ako.period.


Kapag hindi ko siguro sila inisip,baka naman makalimutan ko lahat ng nangyari between me and the boys.Puro sakit ng ulo at puso lang binibigay nila sakin.Tanggap ko na na malas ako sa lalaki.Sana lang tama na.Sapat na siguro ung pinagdaanan ko para makabayad sa kung ano mang kasalanan ko sa mundo kaya minamalas ako at sinasaktan ng mga lalaki emotionally.


Syempre dahil hindi ko pa sinasabi kay Margaux ang nangyari, im on my own muna. Pumili ako ng isang blue dress para sa party.flat sandals at ang aking ever reliable geek glasses.Actually medyo lumalabo na nga ung mata ko kaya may grade na to ngayon unlike before.dahil sa pagbabasa ng romance novels i guess.Hindi na ako sanay na walang glasses,parang may kulang pag wala nito.no make up.as always.Sa totoo lang mukha akong pinagkaitan ng fashion sense.Halatang hindi ko man lang pinagisipan kung anu ano ang isusuot ko.mas komportable ako ng ganito.


Sa bahay ng ate nya gaganapin ung party. Konti lang daw kasi yung invited at puro girls pa. Parang hindi naman healthy yung pagkaseloso ng boyfriend ng ate nya.Bawal maginvite ng boys sa party kahit pa bf ng girl na invited.Weird no?Ayon kay Pao okay lang naman daw sa ate kim nya dahil hindi naman daw tlga friendly ito.Kaya kokonti lang tlga ang dadalo sa party.Saka gwapo naman daw ung soon-to-be kuya nya.


Buti nalang hindi ko ako masyadong nalate.Mukha namang nice yung mga girls.maiingay nga sila.syempre ako hindi.Hindi ko naman sila kilala talaga.hindi pa ako komportable makipag kwentuhan tungkol sa buhay ko.Nung lumabas na si Kim, pinakilala agad ako ni Pao.nakangiti sya sakin pero alam ko una pa lang di na kami magkakasundo.Dark yung aura nya. She seems nice naman.Pero basta,hindi kami magkakasundo.Tama nga si Pao,kahit nakangiti sya,hindi sya friendly.

"So lex, may boyfriend na ba itong sister ko?"Kim

Umiling ako at ngumiti sakanya.Nag roll eyes lang si Pao.

"Sabi ko nga kay Paola, kung maghahanap ng boyfriend yung stable na.Mahirap mag invest ng emotion sa kung sino sino lang"kim

Tumango ako.Totoo naman.Tama sya. "Behave naman si Paola."matipid na sagot ko.

"Ate, dito nalang ako matutulog ha?i planned to get drunk tonight!girls party naman to" Singit ni pao.siguro ayaw nya lang pag usapan ang love life nya.

"Sorry dear sister, jevon will come over later. Bawal asungot!alam mo naman miss namin ang isat-isa."makahulugang sabi nito

I felt myself blush.Ang straight forward naman ng ate nya.Kahit hindi kami close,hindi sya naghesitate magsabi ng ganun kahit naririnig ko.Napansin yata nya ung hitsura ko kaya tianong nya ko kung may boyfriend na daw ako.Sabi ko wala na.Naisip ko bigla si jensen.May panghihinayang man ako,konti lang.kasi kung naging friends lang siguro kami,mas okay ang lahat.

What A Nerd Wants ✔️ (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon