Chapter 9 Part 3: Stage Names and the CALL???

881 30 21
                                    

Red's:

Hello hello...start na ng malaaso't pusang bangayan nina Haera at Saich kaya be ready!!!

Note lang po. Medyo tinamad na po ang Author kaya hindi ko na binago kung ano ang mga dapat i-Italicize. Hindi po nagsalita si Jade sa mga first half ng story kaya ang mga conversations po nila, though Korean ay hindi ko na lang in-Italicize coz nagsasalita naman ng Korean sina Meliza at Buen. Si Jade lang ang hindi.

Now, DO I MAKE MYSELF CLEAR??? Hehehe...Parang line lang ni Saich.

Don't forget MY COMMENTS HA? THANKS A LOT FOR CONTINUOUSLY READING THIS.

LOVE YOU MWAAAAHHH!!! <3

_____________________________________________________________________________

continuation...

"At para malaman na rin namin kung may ibubuga ba talaga kayo." Pahaging na sabi ni Saich na diretso sa kanya ang tingin. Pinaningkitan naman niya ito ng mga mata.

Minamaliit na naman sila nito. Nagtagis ang mga bagang niya at agad tinanggap ang hamon nito. Let's see kung sino ang mapapahiya...

Mga ilang sandali pa, ay kumanta na sila. Si Meliza ang unang kumanta as usual. 'First Love' by Utada Hikaro ang kinanta nito. She knew that her friend has a very sweet voice na pwede niyang ikumpara sa boses ni Sandara Park pero hindi kaparehong-kapareho. Medyo may pagkakaiba rin kasi ang boses ng mga ito. Sumunod na kumanta ay si Buen. 'Bring Me to Life' by Evanescence ang kinanta ng kaibigan niya. Unlike Meliza, Buen's voice isn't sweet at all but it's not bad also. Actually, napawow ni Buen sina Elisse at Manager Blair. At ang huling sumalang ay siya. Bago siya kumanta ay tumingin muna siya sa direksyon ni Saich at binigyan ito ng makahulugang tingin at tsaka ngumiti ng nakakaloko. Then she sing the song 'Nag-iisang Bituin' by Christian Bautista.

Sa lamig ng gabi

May pupuno ng puwang sa yong tabi

Pagmamahal ang tanging hatid

Patitingkarin ang yong kislap sa dilim

Malayo man maihahatid din ng hangin

Ang mga hangarin ng puno ng pag-ibig

Habang kumakanta ay nakatingin lang siya sa direksyon ni Saich. Pansin niyang may pagtataka sa mukha nito kung bakit siya nakatingin dito. Humanda ka loko ka...

Ang pangarap ko'y para sa 'yo

Nag-iisang bituin

Laman ng puso at damdamin ko

Nag-iisang bituin

Kahit san ka man dalhin ng tadhana'y

Dama pa rin

Dahil tayo'y nakatitig sa iisang bituin

Habang kinakanta niya ang chorus ay biglang nanlaki ang mga mata ni Saich na wari'y may naalala. Nang makita niya ito ay napangiti siya ng wala sa oras kahit na kumakanta pa rin siya. Alam niyang si Saich lang ang may alam kung tungkol saan ang kantang kinakanta niya. Actually para kay Saich yun. Para inisin niya si Saich ng sobra-sobra.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon