Chapter 6

1.2K 39 19
                                    

A/N: Finally!!! Tapos na rin ang exam. Hahaha! Arabon kamusta kayo? Namiss niyo ba si author? Hehehe. Oh siya, hwag niyo nang sagutin. Ito na ang Chapter 6...

ENJOY.... ^____~

Picture ng Tito Ren ni Jade!!! Ang HO-HOT LANG!!! MY GAS!!! ------------------------------------------------->

_____________________________________________________________________________

"Hyung! Over here!" Sigaw ni Dylan nang makitang papalabas na sina Saich at Drake.

"Hwag kang sumigaw! Baka pagkaguluhan tayo dito!" Saway ni Brent dito. Kasalukuyang naghihintay ang mga ito kina Saich at Drake na ngayon ang dating galing sa kanilang two week vacation.

"Hyung naman eh..." Reklamo nito at nagpout pa ito.

"Okay lang namang magsisisigaw ka dyan eh basta di lang tayo makilala ng mga tao. Eh kaso mukhang imposibleng mangyari yun kaya tumahimik ka na lang." Paalala ni Brent.

"Anong meron?"

"HYUNG!" Bulalas ni Dylan sabay yakap kay Drake.

"Oh-oh, anong kadramahan ang nangyayari dito?" Tanong ni Drake pero gumanti na rin ng yakap sa bunso nila.

"Eh kasi si Brent hyung eh..."

"Ahhhhh...Brent na lang ang tawag mo sa kin ngayon?" Singit ni Brent sa usapan ng dalawa na pinanliitan pa ng mata si Dylan.

"Shhhh....sha-sha tama na. Mukha tayong ewan dito na magkayakap. Kumalas ka na nga. Tama na. Namiss rin kita." Alo ni Drake kay Dylan at binitawan na ito.

"Tsk. Masyadong sumbongero." Bulong ni Brent na mukhang narinig ni Saich pero hindi na lang ito nagkomento.

"How's the vacation Saich?" Bati ni Brent kay Saich pagkaraan.

"Just fine."

"Magkwento ka naman."

"I'm tired." Yun lang at naglakad na ito paalis. Nagkatinginan naman ang mga naiwang sina Drake, Dylan at Brent.

"Tingnan mo yun. Ang tipid talaga magsalita noh? May bayad ba ang mga salitang lumalabas sa bibig niya? Tingin mo?" Tanong ni Brent kay Drake.

"Bad mood lang yun. Mukhang di nakatulong ang pagbabakasyon sa kanya eh."

"Aysus kung ang babaeng yun lang ang mpggShghf--" Hindi natuloy ni Brent ang sasabihin nang takpan ni Drake ang bibig nito.

"Oo na. Tama na. Wag mo nang ituloy. Alam ko na ang karugtong."

Agad namang tinanggal ni Brent ang kamay ni Drake.

"Hmp! Ano ba yan Drake! Magpasabi ka nga kung kailan mo yun gagawin! At tsaka..."

"Tsaka ano?"

"Ano--ah--nag-naghugas ka ba ng kamay ha?"

Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Drake sa sinabi ng kaibigan. May sinusupil itong pilyong mga ngiti nang magsalita ulit.

"Naku! Naalala ko. Nagbanyo nga pala ako kanina bago kami bumaba ng airplane. Naku sorry bro ha." Sabi nito sabay akbay kay Brent. Halata naman ang pagkainis sa mukha ng kausap ng marinig ang sinabi nito.

"ANO?!? ANO BA YAN KADIRI KA DRAKE! ALISIN MO NGA YANG KAMAY MO SA KIN! ANO BA YAN BRO, KADIRI MO!"

"Hahahaa-hahaha..OA naman nito masyado. Hahaha-hhahaha!"

"Ikaw kaya try mo? Ako magbabanyo tapos ilalagay kong kamay ko sa bibig mo, ngingiti ka lang?"

"Oo." May kumpyansang saad ni Drake kay Brent. Halata namang hindi ito naniniwala sa sinagot ng kaibigan.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon