Chapter 7 Part 1

1.1K 32 21
                                    

Kamusta naman yun? Hello arabon! NAMISS NIYO BA KO? HEHEHE Asa naman ang author...

Anyways ito na ang Chapter 7.. part 1

Hope you enjoy it...sa lahat ng nagtyagang maghintay sa update ko....

ITO NA TALAGA! HAHAHA

COMMENT KO HA? DONT FORGET..

INGATS! ^___~

Picture ng walang modong si DYLAN ANJAN NA!!! ---------------------------------------------------------------->

_____________________________________________________________________________

"Hyung! Sandali lang!" Agad siyang natigilan nang marinig ang sigaw ni Dylan. Nilingon niya ito pero agad rin siyang naging alerto nang makitang nakakaagaw na sila ng atensyon sa mga tao sa paligid. Mas lalo siyang naging alerto nang unti-unti nang may nakakakilala sa kanila. At nang may sumigaw sa pangalan ng grupo nila, agad siyang kumaripas ng takbo papasok sa hotel. Hindi na niya inalala ang mga kasama niya dahil kanya-kanya na sila ng takbo. Total naman, lahat sila agents kaya bahala na ang mga ito sa mga buhay ng mga ito. Malutong siyang nagmura nang makitang sandamakmak na mga babae ang humahabol sa kanya kaya agad siyang naghanap ng malulusutan. Nang makitang bumukas ang elevator ay agad siyang sumigaw sa taong nasa loob nito.

"Chahm-si-mahn-yo!" Dali-dali siyang pumasok sa loob. Nabangga pa nga niya ang babaeng nasa loob ng elevator dahil sa pagmamadali. Pinindot niya agad ang close button nang makitang malapit na siyang abutan ng mga fans nila. Humingi rin siya ng tawad sa nakabangga niya kanina. Nakahinga lang siya ng maluwang nang magsara na ng tuluyan ang pinto.

Phew! That was close! Napagod ako dun ah. Ano ba namang klaseng mga fans nato. Bakit ayaw nila akong tantanan? Hindi na ba ako pwedeng maging commoner paminsan-minsan? Haist!

Nang tumunog ang cellphone niya ay agad niya itong sinagot. Nang malamang si Drake lang pala ito ay hindi na niya pinagtuonan ng pansin ang mga sinabi nito. Sumagot na lang siya sa mga tanong nito. Nang matapos ang tawag ay hinintay na lang niyang huminto ang elevator sa mas mataas na floor para doon siya bumaba. Habang naghihintay ay bumukas ang elevator sa 3'rd floor at pumasok ang dalawang babae. Hindi na niya sana ito papansinin kung hindi lang niya narinig ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Did you hear the news sis?" Tanong ng babae na nasa harapan niya.

"What news?"

"The Ei8ht! They're here!"

Jesus! Pati dito? Ang bilis naman kumalat ng balita...Mukhang di pa ko safe dito ah..Kelangan kong takpan ang mukha ko. Mahirap na. Baka makilala pa ko ng mga to...

Agad niyang hinila ang hood niya para matakpan ang mukha niya. Di na rin siya nag-aksayang lingunin ang mga nag-uusap sa elevator pero nakikinig pa rin siya.

"Oh my gosh! The ever handsome, gorgeous, charismatic and oh so hunk Ei8ht?!"

"Yes!!! The oh so yummy Ei8ht! They're here in the hotel!"

"Really?!" The other girl just nod and the two both giggled.

Muntik na siyang magreact nang marinig niya ang mga terms sa pinag-uusapan ng mga kasabay niya.

Ano raw? What did they just call us? Yummy? Matatanggap ko ang iba nilang sinabi pero ang yummy? Ano akala nila sa amin? Pagkain?

Nakahinga siya ng maluwag nang umalis ang mga kasama niya. Tsaka lang siya nagsalita.

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon