I WON'T GIVE UP 2 - CHANGES...

2K 44 15
                                    

[a/n: Bago ang pasukan namin bukas. Ito ang handog ko sa inyo! ^___^ Sana magustuhan niyo po! :p]

JAYDEN’S POV

Pagkatapos kong ihatid si Eav, agad na din akong umalis at pumunta na sa aking trabaho…

I already graduated last two years ago, hindi ako naka graduate noong graduating na sana ako… Aside from naipanganak na si Eav noon, nahirapan din ako mag adjust nang magka edad na si Eav, ang hirap… Nahirapan ako kasi nga, wala siya

 Sobrang nahirapan ako mag adjust noon, madaming tao ang tumulong sakin, pamilya niya, sina Ate Jax, si Jansen at higit sa lahat si Lola… Si Lola halos tumutulong sakin at nagtuturo para sa pag hands-on ko ang pag alaga kay Eav…

There are so many changes in my life now… Being a Mother and Father to Eav is not that easy, sa tuwing nagtatanong siya nang mga bagay bagay tungkol sa Mommy niya, hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako pero tina-try ko nang sobra na ikwento sa kanya ang mga bagay tungkol sa Mommy niya…

Ang sakit padin pala… But I’m trying to be there ALWAYS for Eav, pinapasaya ko siya parati, and one thing na pinaka gusto ko sakanya ay yung namana niya sa Mommy na napaka sobrang simple… I never heard Eav complained anything to me… She’s very smart…

I’m working on my own office… Ako ang namamahala sa Park Mall namin… This is my share na ipinamana ni Mama sakin, si Ate Jax namamahala nito noong nag-aaral pa ako, hindi ko siguro nga nakwento sa inyo noon kasi gusto ko mamuhay nang simple….Ako ang nagpapatakbo nang Mall na ito, kaya parati ko dinadala dito si Eav kasi nage-enjoy siya…

“Good Morning po Sir, there’s an investment proposal in your desk, please read it nalang po at sabi noong gustong mag invests na si Mr. Chang just give him a call if you agree with his proposal…” sabi nang secretary ko

“Mr….Chang? Do you know his background?” Pagtataka ko… I heard that surname before… Hindi ko lang matandaan…

“Yes Po Sir… Mr. Brandon Chan, a 55 years old successful entrepreneur from Chan Mall and Company, sa kanya yung Company na nanguna last month sa pinaka-taas na sales…”

“Ok thank you…” and I proceed to my office…

Ah naalala ko na! Si Mr. Brandon Chang, I call him Tito kasi family friend namin sila noon pa, business partners sila ni Mama at Papa before… Kaya siguro mag-i-invest siya… Kababata ko rin yung ka isa-isang anak niya na lalaki…  Pero matagal na kaming hindi nagkakita nun, sa ibang bansa kasi yun nag-aaral…

Lunch na… Meetings, Conference, Interviews, pirma dito pirma doon ang ginawa ko ngayong umaga, sobrang busy ngayon sa opisina kasi nagpapatayo ako nang isang branch nang Park Mall… Mamayang hapon may mga meeting din ako with the foreign investors… I never expected my life would be like this… Before I was just a simple student and a gangster, walang ibang inatupag kundi gang fight, laban dito, laban doon… Pero ngayon, Oo gangster pa din ako pero least priority ko nayun, si Heaven na ang top priority ko ngayon… Speaking of Heaven… Napatingin ako sa orasan…

“12:15 pm na? Aishhh.!!”

Nakalimutan ko si Eav sa sobrang busy, hindi ko man lang natingnan ang cellphone ko sa sobrang busy, nagtext na pala yung Yaya niya na tapos na class nila Heaven… AIIIISH!!!!… dali-dali kong kinuha ang susi na kotse ko at nagmamadaling umalis na…

“Sir, where are you going? You have a meeting this 1 pm…” sabi nang secretarya ko na si Abby paglabas ko

“I’ll be back… I just need to fetch my daughter, Abby…”

HIAG BOOK TWO: I WON'T GIVE UP [FINISHED]Where stories live. Discover now