Chapter 22

66K 1.4K 140
                                    

22

'Sacrificing your happiness for the happiness of the one you love, is by far, the truest type of love.'

Naalimpungatan ako nung biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Tapos nagulat ako nung may pinasok silang isang lalaking nakapiring at nakagapos ang mga kamay.

“Johann!!” Tumakbo ang papunta sa kanya. Yung dalawang lalaking naghatid sa kanya,  agad din lumabas at inilock ang pinto.

“Angela!” Niyakap ko siya ng mahigpit. Sari saring emosyon ang nararamdaman ko. Matutuwa ba ako na andito siya ngayon o matatakot ako sa parehong dahilan?

Inalis ko ang nakatakip sa mata niya at inalis ko ang pagkakatali ng kamay niya. Pagkatapos kong maalis ang tali sa kamay niya siya naman angh yumakap sa akin.

“Are you alright?” Tumango lang ako. Nagbabara ang lalamunan ko. Naiiyak na naman kasi ako. Nilayo niya ako sa kanya and he took my face withboth of his hands.

“That son of a bitch!” Bigla niyang sinabi tapos hinaplos ang pisngi ko na sinampal. Hinalikan niya ang pisnging yun at tapos niyakap ako ulit.

“Tatakas tayo dito okay? Wag kang mag alala. Itatakas kita dito. Kahit anong mangyari Angel, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo.” He said with conviction tapos giniya ako paupo sa kama.

“Paano tayo tatakas dito kung ang daming nagbabantay?”

“I’ll find a way.” Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Ewan ko ba peor kahit sa ganito kamign sitwasyon nakaramdam ako ng relief. Ngayong andito na siya, unti unting nawala ang kaba sa dibdib ko. Kahit hidni ko alam ang kahihinatnan namin, hindi na ako masyadong nag aalala kasi andito na si Johann sa tabi ko.

“Johann, sabihin mo sa akin. Ano ang nangyayari? Bakit nila ako kinidnap? Sino sila? Sila ba yung sinabi mo sa akin the other night na nagligtas sayo?” Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko at alam kong si Johann lang ang makakasagot sa mga katanungan ko.

“No Angel, hindi sila ang tumulong sa akin.” Ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya habang sinasabi niya yun. Galit! Galit siya. Dati nagalit na siya sa akin pero hindi ganito katinding galit na nakikita ko ngayon sa mga mata niya.

Tears of Angel (The Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon