Chapter 21

61.4K 1.2K 69
                                    

21

Parang ang tagal ng byahe namin and all throughout the travel walang nagsasalita sa mga abductors ko. I’ve tried to talk to them but no one spoke kaya tumahimik na lang din ako. Naramdaman ko na lang na tumigil na ang sasakyan at pinalabas na ako sa kotse ng mga kumuha sa akin.

Sinunod ko ang mga sinabi nila kahit monosyllable ang mga sinasabi nila like, lakad, akyat and so on. I never tried na tumakas kasi alam kong wala din akong mapupuntahan. Then naramdaman kong pinasok ako sa isang bahay at isang kwarto. I heard murmurings pero masyadong mahina na wala akong naririnig. Then one of my abductors, removed my blindfold.

Nung una nanibago pa ako sa liwanag dahil sa ilaw but eventually my eyes adjusted. I looked around me at nasa isang empty room ako. Empty as in empty. Just white blank walls and white tiles and white ceiling. Just a wooden bed at doon ako pinaupo. Then I saw the guy who have removed my blindfold. Naka all black siya. Black pants, black shirt and black jacket. Hindi ko na nakita ang mukha niya kasi nakatalikod na siya at palabas na ng room.

Nung binuksan niya ang kwarto, Nakita ko sa labas ang dalawang tayo na may hawak na malalaking baril na nakabantay sa labas ng room. Lalong lumakas ang kaba ko.

Bakit nila ako kinidnap? Ano ang kailangan nila sa akin. Impossible naman na manghihingi sil ang ransom kasi in the first place, hindi naman kami mayaman, secondly, wala ditto sa Pilipinas ang pamilya ko.

It could only mean one thing, dahil ba ito sa sinabi ni Johann sa akin kanina? Mas nakadagdag sa kaba ko nung maalala ko si Johann. Baka nag aalala nay un pag nalaman niya na wala ako sa bahay.

I immediately stood up at pumunta sa bintana, looking for a way to escape. But I saw nothing. Nakagrills ang bintana and nakikita ko na pader na ang nakatakip and there’s also no use in shouting kasi ang taas ng pader. Where am I exactly?

Bumalik na lang ako sa kama trying to think kung ano ang rason kung bakit ako kinidnap at kung paano makakatakas sa mga kumuha sa akin.

Kahit sobrang kaba na ang nararamdaman ko, I forced myself to remain calm kasi alam kong hindi makakatulong sa akin kung magpapanic ako, magsisigaw at mag iiyak. Ngayon ko mas kailangan na maging kalmado para makapag isip ako ng maayos.

Nasa ganun akong posisyon when the door opened. Then came a foreign guy holding a cellphone.

Tiningnan niya ako at ang sama ng tingin niya sa akin. Nangilabot ako sa tingin niya. It’s like he’s ready to kill me anytime. Umiwas ako ng tingin sa kanya kasi hindi ko nakayanan ang titig niya.

Ano ba tong napasukan ko?

“Zamora.” Lumipad ang tingin ko sa kanya. Nakikipag usap siya sa cellphone. Sinong Zamora and kinakausap niya.

“Or would you prefer Summers?’ Bumilis bigla ang kaba ko. He is talking to Johann. Why is he talking to Johann? Involved ba si Johann sa nangyari sa akin.

“I have your girl.” Tumingin siya sa akin nung sinabi niya yun. Now I’m truly scared.

“Hahaha! You very well know that bluffing is not my style.” Tumalim bigla ang mga mata niya. He is really scary.

“Talk to him!” He shoved to me the cellphone. Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha ko ang cellphone at inilagay sa tenga ko.

“Hello…Damn you…” Narinig ko ang boses ni Johann and somewhat I felt relieved.

“Johann!” Ngayon gusto ko nang maiyak.

“Angela!” Nagulat siya nung marinig niya ang boses ko.

“Ano ang nangyayari? Bakit nila ako kinuha? Who are they?” Hindi ko napigilan ang sarili kong magtanung. My voice is shaking.

“Angela, I’m sorry. Did they hurt you?” naririnig ko na ang panic sa boses niya at lalo lang yun nagpakaba sa akin.

“I’m okay. Ano ba kasi ang nangyayari? Bakit…..Awwww!” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi sinampal ako nung lalaki.

“Angela!!” Narinig ko pa ang sigaw ni Johann bago inagaw sa akin ang cellphone. Umiyak na ako dahil sa pinaghalong sakit ng sampal at kaba sa maaring mangyari sa akin.

“Zamora, if you don’t want your girl to end up like the way you should have ended up before, you better come and get her.” Tapos inioff na niya ang cellphone.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

“Don’t worry, you boyfriend is going to play hero and will rescue you. He doesn’t want to lose something he’d worked so hard to protect for a long time. Too bad his heroic days will end soon.”

 And with that he left the room.    

Tears of Angel (The Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon