🌹 Chapter 59 : Acting like you love me but you hate me 🌹

3.6K 79 3
                                    

Chapter 59 : Acting like you love me but you hate me

"Scarlet... Siguro dapat ko na talagang sabihin sayo..."

"Ang alin...?" Na curious lang ko bigla..

"Sorry kung hindi ko kaagad nasabi sayo..." Naiiyak na sabi nya..

"Hala... Yunna wag ka umiyak.. Bakit ka umiiyak?" Pag-aalala ko naman sakanya...

Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak...

"Sorry hindi ko kaagad nasabi sayo kasi...."

"Kasi ano?"

"Kasi si Sir. Lucas... Sabi nya na kapag sinabi ko daw sayo hihiwalayan ka nya..." At dun na nga umiyak na si yunna

"Ang alin? Ano ang hihiwalayan...? Sabihin mo nga sakin yunna... Pls."

>>>Flashback<<<

°°°Yunna's pov.°°°

Nakita ko sila Sir. Lucas at Ma'am Jena na mag kasama sa isang restaurant... Hindi na ako nagulat dahil ilang beses ko na silang nakikita na mag kasama...

"Ah.. Ma.. CR lang po ako saglit..."

Nag paalam ako kay mama na mag C-CR pero ang totoo ay kukuhanan ko lang ng picture sila Sir. Sa dulo para hindi nila ako mapansin...

Bonding time with family sana kami ngayon kaso nagulo ni Sir. Ang araw ko ngayon kaya pumangit na...

Nang makuhanan ko na ng Picture sila Sir. Ay bumalik na ako sa pwesto ko..

"Ah... Ma.. Pwede ba na mauna na po akong umuwi may project pa po pala ako na kailangang gawin.."

"sige... Ingat ka..." Payag naman si mama

"Ingat ka sa pagsakay." Sabi naman ni papa...

"Opo sige po... Bukas na kasi i-papasa kay Sir."

Tumango lang sila na naka ngiti. Umalis na ako at sinundan sila Sir. Nag lalakad lang sila .... Agad kong tinawagan sila Stephen at serenity na pumunta dito...

"Saan kaya pupunta ang dalawang manloloko na'to?"

Sinundan ko lang sila ng sinundan hanggang sa makarating na sila ng Garden dito padin sa Restaurant malaki kasi ang restaurant na'to...

Umupo silang dalawa sa isang bench... Aba't ang mga manloloko nakuha pang mag lambingan at magtawanan... Hindi manlang nila naisip na may na sasagasaan na pala sila! Nako kumukulo nanaman ang dugo ko dito eh...

Nag text saakin si Stephen kung nasaan na daw ako... Sagot ko naman na sa Garden...

After 5 min. Nakarating na sila ...

"Nasan sila Sir.?" Tanong ni Serenity

Umupo ako sa isang bench... Pero natatakpan naman kami ng Fence na may Rose kaya hindi naman kami agad na makikita...

"Basta kapag may nakita ka dyang nag lalandian sila na'yon.. Mga bwiset! Gusto kong sabunutan nalang si Ma'am jena! Argggghhhh" galit na sabi ko

"Oh... Puso..! Hayaan muna natin sila... Pag naka hanap tayo ng Time sabihin na natin kay Sir. Na may evidence tayo.. Para ipakita sa family ni Scarlet and sakanya..." Sabi naman ni Mark

"Pero hindi na ako makapag timpi!" Naiinis na talaga ako niloloko nya kaibigan ko eh!

"Ay! Grabe! Ang kakapal ng peslak! Nakuha pa na mag halikan ah!" Inis na sabin ni Jaid...

"Haisst! Paano na..?" Sabi naman ni Zane

"Eh kung kausapin na kaya natin si Sir. Lucas ngayon palang..? Habang kasama nya si Ma'am Jena..." Sabi naman ni lala

My Teacher is  My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon