🌹 Chapter 73 : Sir. Lucas or Mavy 🌹

4.3K 92 1
                                    

Chapter 73 : Sir. Lucas or Mavy

°°°Lucas's pov.°°°

Nasaan na kaya si Jena? Kanina pa ako paikot-ikot dito sa quadrangle-Ground hindi ko padin sya makita... Wala naman sa taas dahil naka lock na bawal na umakyat.

"Hi! Sir. Lucas!" Sabi sakin ng isa sa mga studyante ko..

"Hello.. Nakita nyo ba si Ma'am Jena?" Tanong ko nadin

"Hmm.. Parang papunta po yata ng Garden.. May kasamang babae.. Parang si Scarlet po yata.."

"Ganon ba? Sige salamat.."

Baka nag-away nanaman yung dalawang 'yon.. Agad akong pumunta sa likod ng Garden at nakita ko sila na nag-uusap na nakanupo sa isang Bench... Pinanood ko lang sila , hindi sila nag-aaway.. Ok na din dahil bawas sa problema..

Nagulat nalang ako nang yakapin ni Scarlet si Jena at si Jena naman ay nag pupunas ng luha sa mga mata nya.. Ano naman ang nangyayari? Nag kaayos na kaya sila?

°°°Mavy's pov.°°°

Tumingin ako sa Wrist watch ko 30 min. Ng wala si Scarlet kala ko ba saglit lang sya? Wala padin.. Kanina pa nga nag Start ang program.

Tumayo ako at hinanap si Scarlet ... Naka salubong ko naman si Sir. Lucas na nag lalakad din..

"Sir." Bati ko

"Ikaw pala.. "

"Nakita nyo po ba si Scarlet?"

"Ha.. Ah.. Hindi eh.."

"Sige po salamat.."

"Saglit lang.. Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong nya..

"Ah.. Sure.. Saan po ba? Wag dito maingay.." Pumayag naman ako

"Sa Labas nalang.."

Lumabas kami ni Sir. Lucas pero palinga linga padin ako baka sakaking makita ko si Scarler pero hindi..

"Ano po ba ang pag-uusapan natin?" Tanong ko

"Kayo ba ni Scarlet?" Seryosong tanong nya..

Di kaya mahal padin nya si Scarlet? Bakit pa nga ba ako nag tataka.. Halata namang 'oo'

"Ang totoo ay... Hindi.." Sinabi ko lang ang totoo

"Mabuti naman.." At napa yuko lang si Sir. Lucas

"Acting lang naman namin ang lahat... Hindi totoo na may relation kaming dalawa pero nililigawan ko sya.."

"Ganon ba? ... Alagaan mo sya ha.."

"Oo naman... Pero alam ko naman na hindi padin sya sakin mapupunta.."

"Bakit naman?"

"Mahal ka nya.. At mahal mo sya..  Bakit ba kayo nag hiwalay kung alam nyo naman mahal nyo ang isa't isa..?"

"Dahil sa maling desisyon.." Sagot naman ni Sir.

"Alam ko na mahal mo padin sya Sir. Ang tanga ko lang dahil bakit ko pa sya nililigawan kung alam kong hindi naman nya ako mahal dahil ikaw ang mahal nya.."

"Oo mahal ko sya.. Kaso nag ka mali ako ng desisyon dahil sa akala kong mahal ko padin si Jena pero hindi pala.."

"Bakit hindi mo sya kausapin? Ginagalang ko si Scarlet na kung kung maging kayo ni Scarlet , tatanggapin ko 'yon.. Dahil sa gusto ko syang maging masaya sayo pero sinaktan mo lang sya.."

"Ang totoo ay gusto ko syang balikan."

"Tutulungan kita.." Bahala na..

"Hindi pa sa ngayon.." Sabi naman ni Sir.

My Teacher is  My HusbandWhere stories live. Discover now