🌹 Chapter 68 : Double Date 🌹

3.9K 74 2
                                    

Chapter 68 : Double Date

Sa Monday na ang Christmas Party... Ano kaya ang susuutin ko? As usual naka Red nanaman ako hehehe... Nasa Park ako ngayon at mag-isa lang wala kaming pasok . Gusto ko muna mapag-isa , hanggang ngayon ginugulo padin ako nung nangyari kahapon.. Hayyyy!

"Scarlet!"

Napalingon ako sa kanan ko si Mavy? Nag 'Wave' sya sakin kaya nag 'Wave' din ako sakanya pabalik.Saan naman kaya sya pupunta?

Lumapit sya saakin at tumabi...

"Bakit mag-isa kalang dito?" Tanong nya..

"Hmmm.. Wala lang , gusto ko lang na mapag-isa"

"So.. Alis na ako.." Aakmang tatayo na sya pero pinigilan ko..

"Ha? Bakit naman?" Tanong ko

"Diba sabi mo gusto mong mapag-isa.?"naka ngiting sabi nya... Matutunaw yata ako sa mga ngiti nya eh! Kainis!!!

"Ha.! Ah hindi naman sa ganon.."

"Ok.. " at umupo sya ulit sa tabi ko." Gusto mo bang kumain?"

"Hindi ako gutom.." Agad namang sagot ko

"Sa Monday na ang Christmas Party... May susuutin kana ba?" Tanong nya

"Wala pa nga eh.. Ikaw?"

"Wala padin.." Sagot naman nya

"Ah.." Ayun ang awkward ng Moment.. Parang hindi ko yata kaya na kaming dalawa lang eh! Sanay kasi ako na kasama ang mga kaibigan ko ...

"Hmm anong gusto mong matanggap sa Christmas?"

Napa-isip naman ako... Sa totoo lang , ang gusto lang naman na matanggap sa Christmas yun ay yung mag-kaayos na kami ni Sir. Lucas  , hindi ko alam pero Miss na miss ko na sya.. Oo lagi ko syang nakikita sa School halos araw-araw,pero iba padin yung dati na mag kasama kami...

"Ayos ka lang ba?"

"Ah oo hehehe.."

"Sa tuwing kausap kita , hindi nawawala ang tanong ko sayo na 'Ayos kalang ba?' Hehehe.. Kung ayaw mong sagutin ok lang.."

"Ah .. Hindi..ano. Ang gusto lang matanggap sa Christmas ay.. Sana umuwi sila mom and dad dito.. Para mag kakasama kaming lahat ngayong pasko."nalungkot nalang bigla yung tono ng boses ko , isa din yun sa gusto kong matanggap this christmas..

"Parang ang hirap naman pwede bang ----"  hindi ko narinig yung huling sinabi ni Mavy

"Ha? May sinasabi ka ba?" Tanong ko ulit

"Ah.. Wala.. "

"Ah.."

Nag sway sway lang ang paa ko habang naka upo ako.. Habang iniikot ko ang mata ko sa Park...

"Ang daming tao ngayon dito no?" Tanong ni Mavy

Hindi agad ako nakapag salita dahil nakita ko sila Sir. Lucas at Ma'am Jena na mag kasama.. Bigla nalang kumirot ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko ..

"Alis na tayo dito" sabi ko kaagad kay Mavy..

"Ha..ah sige" pumayag naman kaagad si Mavy " saan naman tayo pupunta?" Tanong pa nya..

"Kahit saan.." Masayang sabi ko

Tumalikod ako para tignan pabalik si Sir. At nakita ko na nakatingin sya saamin ni Mavy na naka kunot ang noo,nag seselos ba sya.? Eh may Jena na sya.. Kumapit ako sa braso ni Mavy na ikinagulat naman ni Mavy

"Ah hehehe.. Sa Mall nalang tayo.. Nagugutom na kasi ako.." Palusot ko nalang

"Sige.. Treat ko nalang" masayang sabi ni Mavy

My Teacher is  My HusbandWhere stories live. Discover now