Chapter 4

164 10 6
                                    


Chapter 4 - A Favor

Hindi pa rin makuhang magsalita ni Andy kahit pa todo kurot na ang ginagawa sa kanya ng kaibigang si Lara. Dumaan sa harapan niya si Hector na hindi niya inaalis ang tingin dito. Lalo na nang maamoy niya ang pabango nito. Parang iyon na yata ang pinakamabangong pabango na naamoy niya sa buong buhay niya. Para siyang nasa cloud nine habang pinagmamasdan ang bawat paggalaw nito. Hanggang sa umakyat na ito sa hagdanan at mawala na sa paningin niya.

"Ang gwapo niya, sis." Para siyang nananaginip nang sabihin niya iyon. Ang mga mata niya ay nakapako pa rin sa kung saan pumasok si Hector.

"Gaga ka talaga!" batok sa kanya ni Lara.

"Bakit?" Umasim ang mukha niya sa ginawa nito. "Aray ah!" Parang doon lang siya nagising sa isang malalim na panaginip

"Para kang nakita ng Greek god sa itsura mo."

"Bakit? Hindi ba?"

Saglit itong nag-isip. "Well, ang ganda ng transformation niya."

Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"The truth is, nagulat din ako sa itsura niya."

"Dati ba siyang pangit?"

Tumawa ito ng malakas tapos makahulugan siyang tiningnan. "Daig pa niya ang ermitanyo dati. Ewan ko nga at anong nakain ng Hector na 'yan iniwan na niya ang malabundok niyang image."

"Wow ah," nasabi na lang niya kahit medyo nalilito sa ibig nitong puntuhin.

Ilang sandli lang ay bumaba si Lola Maring galing sa itaas. "Nagugutom na ba kayo?" nakangiti nitong tanong nang makalapit sa kinatatayuan nila.

"Hindi pa naman po." Si Lara ang sumagot.

"Oh, siya, doon muna kayo sa garden habang naghahanda ako ng meryenda. Para mamaya kapag nagutom na kayo may nakahanda ng pagkain," turan nito.

"Sige po, Lola Maring. Doon nalang po namin hihintayin si Uncle Jay. Hihiramin po kasi namin 'yong isa niyang sasakyan para sa gagawin naming project."

Tumango lang ito at tumalikod na.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

Tuwang-tuwa si Andy nang makita ang swing naroon sa garden. Agad siyang umupo doon kasunod si Lara.

"Ikaw, Andy, ngayon lang kita nakitang lumandi," simula ng kaibigan niya.

"Hala," sumimangot siya sa sinabi nito. "Grabe ka naman. Hindi ko talaga napigilan, sis."

"Ngayon lang kita nakitang nagka-ganoon sa lalaki."

The SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon