Chapter 14

84 2 0
                                    

Chapter 14 - Getting Started

Alas onse na ng gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Andy. Pilit niyang isinisiksik sa utak ang napagusapan nila ni Hector. Hindi siya makapaniwala sa sarili sa napapayag siya ng binata sa gusto nitong mangyari. Parang natunaw lahat ng pride niya habang nagpapaliwanag ito ng mga saloobin nito.

"Gusto kong gumanti sa kanya," pagbabalik niya sa sinabi ni Hector kanina. Punong-puno ng hinanakit ang tono ng pagsasalita nito.

Ewan ba niya, pero bigla na lang sumagi sa utak niya na tutulungan niya ito. Dala marahil iyon ng awa niya para rito. Teka, teka, awa lang ba talaga ang dahilan? Hindi ba't parang may konting kilig siyang naramdaman kanina nang sabihin nitong magpapanggap din siyang girlfriend nito after a week?

May gumuhit na matamis na ngiti sa mga labi niya. Pero bigla ding nawala iyon. Mas iniisip niyang mabuti kung paano nga ba niya magagawa ang mga bagay na hindi pa niya nagawa dati.

Una sa lahat magpapanggap siyang patay na patay sa binata at aarteng parang manliligaw kapag nasa 'di kalayuan ang dati nitong kasintahan na si Bianca. Sa ngayon hindi pa niya lubos maisip kung paano niya gagawin iyon. Pangalawa, pagkatapos ng ilang araw na parang aakto siyang manliligaw, magpapanggap naman siya na sila na ni Hector. Wala sa sariling napangiti na naman siya sa magiging set-up nilang iyon. Doon siya mas excited. Ang saya na sana ang kaso lang magiging kunwari lang ang lahat ng iyon.

Alam niyang hindi magiging madali ang mga gagawin niya sa susunod na mga araw lalo na at magsisimula na siyang maglihim sa bestfriend niyang si Lara. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman ang gagawin niyang kagagahan? Kagagahan? Kagagahan na bang maituturing ang pagtulong na gagawin niya? Ah, basta ayaw niya munang isipin kung paano siya pagtatawanan ng matalik na kaibigan!

Huminga siya ng mamalim at saka ipinasyang ipikit ang mga mata. At bago siya tuluyang makatulog may bigla sumagi sa isip niya. Hindi siya artista pero kailangan yata niyang idevelop ang natatago niyang acting skills. Ang tanong, meron naman kaya?

xoxoxoxoxoxoxoxo

Kinabukasan naiiritang naalimpungatan si Andy dahil sa lakas ng tunog ng cellphone niya. Halos sampung minuto na rin itong nagriring at alam niyang nakakasampung tawag na yata ang kung sinumang tumatawag sa kanya.

Kinusot niya muna ng kaliwang kamay ang mga mata niya bago inabot ang cellphone na nasa ibabaw ng drawer na nasa tabi ng kama. Pinindot niya ang answer button at saka itinapat iyon sa tenga.

"Where are you?!"

Halos mabingi siya sa lakas ng boses na bumungad sa kanya sa nasa kabilang linya. Bahagya niyang inilayo ang cellphone sa tenga bago nagsalita. Si Hector iyon. May kung anong sigla ang bumalot sa kanya. Pero bakit kaya ito galit?

"Sa bahay," simpleng sagot niya na sinundan ng hikab.

"Huwag mong sabihin sa 'kin na kagigising mo lang?" Malakas pa rin ang boses nito. Halatang galit.

"Bakit ba? Anong meron?" tanong niya habang hinahagilap ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto. Ewan ba niya, kung ibang tao lang siguro ang kausap niya malamang ay nasigawan na din niya iyon. Pero iba ang aura ng binata para sa kanya. Hindi niya makuhang magalit agad.

Nagpalatak ito sa kabilang linya. "I've been waiting for you here for almost an hour!"

Napatigil siya saglit sa sinabi nito. Hinihintay siya nito? Bakit? Saglit siyang nag-isip at pilit na inalala kung may napag-usapan ba sila na magkikita ngayong araw. Pero sumakit lang ang ulo sa ilang segundong pag-iisp. Wala talaga siyang maalala.

"May usapan ba tayong magkikita ngayon?" Sa wakas natanong din niya.

"Why? Do I need to have an appointment to see you?" awtomatikong balik tanong nito.

The SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon