Chapter 17

69 1 0
                                    

Chapter 17 – The Truth About Last Sunday Night

 

“Andy…” masuyong sambit ni Lara sa pangalan niya. “Halika, pag-usapan natin problema mo,” hila nito sa kanya patungo sa kotse.

“Ayoko,” iling niya sa kaibigan sabay pahid ng luha sa pisngi niya. Kung alam lang nito na gustong-gusto na niyang humagulhol at sabihin rito lahat ng saloobin niya pero hindi pa pwede. Bukod kasi sa nariyan lang si Hector na nakamasid sa kanila, hindi niya pa kayang marinig ang sasabihin ng kaibigan patungkol sa katangahang ginawa niya.

“Bakit?” tanong nito na pilit hinuhuli ang mga mata niya.

Todo iwas naman siya. “Basta, hindi mo pa kailangan malaman sa ngayon.”

“Bakit hindi ngayon?” Hinawakan nito ang mga balikat niya. “Best friend mo ako ‘di ba?”

“Sorry Lara. E, k-kasi…masyadong komplikado lahat,” pagtatakip niya. Hindi niya alam kung paano iiwasan ang tanong ng kaibigan. Iniisip niyang tumakbo muna at iwanan ito para pansamantalang umiwas pero pansamantalang solusyon lang iyon. Hindi niya talaga alam ang gagawin.

“We had a little misunderstanding last Sunday night.”

Sabay silang lumingon para sundan ang boses ng nagsalita. Si Hector.  Cool na cool ang dating nito habang nakapamulsa na naglakad palapit sa kanila.

“I can explain everything,” sabi pa ulit nito nang makarating sa misong kinatatayuan nilang magkaibigan. Tiningnan siya nito sa mata.

Hindi niya alam kung anong meron sa mga titig nito pero para nitong sinasabi na ito na ang bahala sa lahat. Hindi siya umimik at binalingan si Lara na nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanya at kay Hector. Nakita ng gilid ng mga mata niya na inilipat ni Hector ang tingin sa pinsan.

“Is there something between you guys that I don’t know?” takang tanong ng kaibigan niya. Halatang naguguluhan ito sa mga nangyayari.

“I’ll explain everything in the car. For now, iwan muna natin siya mag-isa kung ‘yan ang gusto niya,” direktang sabi nito. “Let’s go.”

“What? Hindi ko iiwanan ang kaibigan ko!” maktol ni Lara.

Ewan ba niya pero parang naramdaman niyang maganda ang ideyang iyon ng binata pwera lang sa pagkakasabi nito. Tunog walang pakialam sa nararamdaman niya. Wala siyang naramdamang simpatya sa boses nito. Pero ang titig nito kani-kanina lang ay nakatatak pa rin sa utak niya. “I’m fine,” sabi niya sa kaibigan. “Kailangan ko muna yatang mag-isa,” dugtong niya.

Bumuntong hininga ang kaibigan niya at saka bumaling kay Hector. “Ayusin mo ang pagpapaliwanag sa akin kung hindi babangasan ko ‘yang pagmumukha mo,” duro nito sa pinsan. Walang himig ng pagbibiro ang boses nito. Tumingin muna ito sa kanya at tipid na ngumiti bago nagpatiuna sa pagsakay sa kotseng nakaparada ‘di kalayuan.

xoxoxoxooxoxoxoxoxo

 

The SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon