Chapter 7

204 11 5
                                    

Chapter 7 – S’ya ‘yon?

Gabi. Katatapos lang ng hapunan. Kasalukuyan nang nakahiga si Andy sa kama habang pinapanuod ang kaibigang si Lara na nakaupo sa sofa na malapit sa bintana. Nagta-transfer ito ng mga videos sa laptop nito mula sa video camera. Inaantok na siya pero ayaw pa rin niyang matulog. Parang may gusto pa siyang gawin. Ayaw niyang sayangin ang pag-stay niya sa Tagaytay sa pagtulog lang.

Kanina napansin niyang hindi sumabay si Hector sa dinner nila. Sabi ng Daddy nitong si Jay na nasa Manila daw ito at may pinuntahang kaibigan. Medyo disappointed siya. Parang ‘di tuloy siya mapalagay hanggat hindi pa ito dumarating.

“Sis,” pukaw sa kanya ni Lara.

Bumangon siya at nilapitan ito. “Bakit?” tanong niyang umupo sa tabi nito.

“Ikaw na mag-edit nito ah.” Nakangiti ito sa kanya.

“Bakit ako?”

“Naalala mo ba ‘yong usapan natin?”

Kumunot ang noo niya. Ang tinutukoy nito ay ‘yong pagtulong nito sa kanya sa pagpapa-cute niya kay Hector kapag sila ang nakakuha ng pinakamataas na grade. “Oo naman,” mabilis niyang sagot.

Tumawa ito ng mahina. “So, need talaga na ikaw na mag-edit.”

“Para kapag hindi tayo nakakuha ng pinakamataas na grade, ako ang may gawa at hindi ikaw,” konklusiyon niya.

“Exactly!” sang-ayon nito.

Tumango-tango lang siya. Wala namang masama kung siya na ang gagawa. Ang kailangan niya lang gawin ngayon at pagbutihin ang pag-e-edit. Dati kasi sa mga ganoong project ay nagbi-brainstorming sila ni Lara para sa mga sequence, design at transition na gagawin sa video, pero ngayon siya na lang mag-isa. Ayos din mag-isip itong bestfriend niya ah.

“So, okay na tayo don?” paniniguro nito.

“Yup,” ngiti niya.

Akmang babalik na siya sa kama nang pigilan siya nito. Napa-upo ulit siya sa tabi nito at makahulugan siya nitong tiningnan. Nakangiti ito. At base sa ngiti nito ay may niluluto itong kapilyuhan sa utak.

“Naiisip mo ba ang naiisip ko, sis?” tanong nito.

Ngumisi siya. Kung ano man ang tinutukoy nito at tiyak na magugustuhan niya iyon. “Sa palagay ko hindi, sis.”

“Halika sa kuwarto sa Hector.”

Nanlaki ang mga mata niya. “What? Ayoko!”

“Che! May paayaw-ayaw ka pang nalalaman. If I know, interesado ka din.” Kinurot siya nito sa tigiliran.

The SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon