Story # 12: Abandoned Restroom

1.6K 20 0
                                    

Sorry for the errors :)

Cellphone lang kasi gamit ko :) And for those who are waiting for the Update of Angeline's story, maybe matatagalan pa. I need to revise it eh. And baka ihihiwalay ko na siya from here pag may time. So...

Etong story na ito, kwinento sakin ng auntie ko. I must say na noong kwinekwento niya ito para to give me some ideas, kinilabutan ako :)

***

Pumunta sina Nana, Victoria, si Rosas at ang kanilang mga magulang sa Baguio sapagkat may kailangang asikasuhin ang panganay na si Rosas sa Baguio.

Mga ilang oras din iyon at pauwi na sila pero kailangang pumunta ni Nana sa CR.

"Mama, magsi-CR muna ako" sabi ni Nana sa kanyang ina.

"Sige, ako din. Kailangan ko din mag-Cr." sabi ng ama.

Pero hindi sumama sina Victoria, Rosas at ang kanilang nanay kay Nana, may kailangan pd kasi silang bilhin at sumangayon na lamang si Nana.

Umakyat sa Second floor si Nana para pumunta sa Restroom. Namangha siya sa linis pero tahimik ang paligid. Nagtaka siya akala niya kasi na nagfa-function palang sa second floor. Pero ang nakakapag-taka pa talaga ay walang katao-tao. Nakita na niya ang banyo sa wakas. Nakabukas naman ang main door at kaya'y pumasok na sya.

Sa tatlong cubicle, pumasok siya sa gitna. Nung ibaba na sana niya ang salawal nya ay may narinig sya.

*BLAG!!!!!!*

Magulat sya at isunuot muli ang salawal niya. Hindi natuloy ang kanyang pag-ihi dahil tinignan nya kung may tao nga na nagsara ng main door ng Restroom. Kaya nung binuksan niya uli ang main door ay muli siyang bumalik sa gitnang cubicle para muling ituloy ang kanyang pag-ihi pero nahinto nanaman ito nung mula niyang marinig ang pagsara ng pintuan.

Tumakbo na siya na tila bang hindi nya kayang mabuksan ang maindoor ng pintuan, pero buti nalang at nakalabas sya'

Mga ilang minuto din ay dumating na sina Victoria. Nung may kasama na siya ay bumalik na sila sa CR pdra muling hintayin ang pagsara ng pinto.

Pero di na ito muling naulit pa.

Bakit pa kailangang magsara ng pinto kung wala namang tao don na pumasok at may..

STOPPER PA?

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon