Story # 11

1.6K 18 0
                                    

O sya. Di muna ako magUUPdate sa Angeline ha? Editing pa lang kasi. Marami pa akong isinisingit na mga scenes na kailangan talagang mabasa. Tapos may pagbabago din :) So sa mga Kwentong Kababalaghan muna tayo ha?

***

Naaalala ko pa yung kwinento saakin ni Mama.

Noong namatay daw ang kanilang lola, mga ilang weeks pagkatapos non.


Nagpaparamdam siya.


Meron yung time na umakyat si Mama papunta sa second floor para iilaw ang ilaw doon para lumiwanag na kasi gumagabi na tapos noong ioon daw sana na niya, nakita niya daw ang lola niya na lumulutang. Medyo maliwanag naman. Medyo kasi nakabukas yung bintana kaso nga lang natakot talaga siya. Ikaw ba naman nasa paa niya, nakakita ng multo. Lola mo na patay na lumulutang papalapit sayo.

At dahil sa takot pinikit nalang daw ni Mama ang mga mata niya at kinapa ang switch ng ilaw at buti naman daw nai-on niya. Buti na nga lang daw at naion niya kundi namatay na daw siya sa takot.

****

Ibang-iba talaga kapag kwinekwento saakin ni Mama lahat ng mga nangyareng horror sa kanya :)

Mas maganda talaga pag naririnig mo, talagang kikilabutan ka. Isipin niyo nalang na nandiyan ako sa tabi at ako ang nagkwekwento sa inyo.


Pwede? xD

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon