Story # 9

2K 23 3
                                    

Phoebe's POV

**

"O sya, iha. Dito ka magkwakwarto ha? Ipagpaumanhin mo kung madumi-dumi pa. Lilinisan ko nalang kinabukasan, ha?" sabi saakin ni Aling Amanda na karaniwang kumukupkop saakin. Wala kasi sina Mama at Papa, nasa abroad. At ako naman? Wala ng pake. Basta makapagaral nalang ako. Inirekomenda saakin nina Mama na dito muna ako makitira sa dating tagapagalaga niya.

"Maraming salamat po, Aling Amanda." nginitian ko siya. "Uhm. Maraming-maraming salamat ho."

"Walang anuman, Phoebe." nginitian niya din ako ng panandalian pero bigla siya tumahimik tapos napansin kong parang nakatingin siya sa likod ko. Napatingin din ako sa likod ko at nakita kong nakabukas ang bintana at humahangin-hangin pa. "Aling Amanda?"

"Ah. Ah. Wala yun, Pheobe." lumapit siya sa bintana at parang may binulong tapos biglang isinara ang bintana at tinakluban naman ng kurtina. "Iha, isang bilin lang. Kung may marinig ka mang kaluskos diyan sa bintana, wag mong bubuksan ha? O sya, alis na muna ako." tapos umalis na siya, napatingin uli ako sa bintana at bigla akong kinilabutan..

Weird..

***

Matutulog na sana ako noong biglang may narinig akong kumaluskossa bintana at napatingin nalang ako doon. Tumayo ako at lumapit sa bintana pero di ko inalis yung nakatakip na kurtina, naalala ko kasi yung sinabi ni Aling Amanda..

"Iha, isang bilin lang. Kung may marinig ka mang kaluskos diyan sa bintana, wag mong bubuksan ha?"

"Iha, isang bilin lang. Kung may marinig ka mang kaluskos diyan sa bintana, wag mong bubuksan ha?"

"Iha, isang bilin lang. Kung may marinig ka mang kaluskos diyan sa bintana, wag mong bubuksan ha?"

"Iha, isang bilin lang. Kung may marinig ka mang kaluskos diyan sa bintana, wag mong bubuksan ha?"

Pero di ko na pinakinggan yun at inalis ang nakatakip na kurtina. Pero ang nakita ko lang ay ang mga ilaw mula sa mga kalye at ang mga bituin sa itaas. Ang peaceful nga eh-- bakit...

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon