Story # 4

5.3K 58 9
                                    

[Elina's Pov]

Pumasok ako sa loob ng bahay, kakauwi ko lang nga eh. Nakakainis! Binadtrip ako ni John kanina! Pagselosin ba naman ako?? Tss...

Bzzzzzzzt.

From: John

Ui, lalabs ... Sorry na kc, mahl naman kta ee .. Plano lnq un .. Joke lnq un ... ikw lnq tlqa promise ko<3

Tch! Tuluyan na akong pumasok sa bahay. Parang walang tao! Ang tahimik nila ... Lang hiya!

"Oh, iha.. Nakauwi ka na pala?" sinalubong ako ni Manag Adora, kasambahay namin si Manang Ador for how many years na din.

"Ah, opo.. Bakit nga po pala parang wala sina Mama dito? Si Jack asan po??" sunod-sunod kong tanung kay Manang.

"A-ah... Iha kasi..."

Bigla naman tumunog yung cellphone ko kaya naman hindi na naituloy ni Manang yung sasabihin niya.

"Ah, manang.. Saglit lang po ha?" pagexcuse ko kay Manang Adora tapos umakyat ako sa kwarto ko.

John calling.....

Ako: Hello? Bakit nanaman? Late na! Nambubulabog ka pa!

Singhal ko sakanya.

John: Lalabs, sorry na kasi.. Joke lang talaga yun! Eh sa totoo naman na pinagseselos kita. Nagseselos din kasi ako kay Dave kanina...

Ako: Para yun lang? Lalabs naman eh!

John: Sorry na lalabs. Promise di na mauulit! Iloveyou!

Ako: Promise, lalabs ah? Iloveyou too! Sige, mamaya na ha? Kakain lang ako...

John: Okay lalabs. Muaaah!

Call ended ........

Bumaba na ako ng kwarto ko at dumeretso sa kusina. Tatawagin ko sana si Manang Adora kaso, may nakita akong stick note sa ref.

Iha, sorry. Pinauwi ako ng mga anak ko ng maaga.. May inihanda na akong pagkain ha?

-- Manang Adora

Kumain naman na ako at iswinay ang mga paa ko at may naramdaman ako sa ilalim...







"Aaaaaaaah!" sabay kaming napasigaw.

"Ate naman eh! Ginugulat mo ako!" nasa ilalim ng lamesa ang nakababatang kapatid ko na si Jack.

"Sorry naman daw! Eh parang kabote ka na sumusulpot doyan eh!" sabi ko tapos lumabas na siya, putik-putik siya. "Ano ka ba, Jack. Maligo ka na ah! Putik-putik ka! Ang baho mo!"

Walang reklamo ay pumasok na siya ng banyo.

****

Ilang araw na din ay wala sina Mama. Nakakagulat lang talaga. Simula noong Saturday na nakita ko si Jack na putik-putik eh, pagpatuloy na ganun. Tapos parang lagi pa siyang walang tulog. Namumutla. Tinatanong ko kung may sakit ba siya eh wala naman daw... Tss...

"Anak..." pumasok sina Mama. Nakauwi na sila.

"Ma!!" yakap ko sakanila. "Ma, parang may sakit si Jack..."

"Elina, a-ano b-ba yang sinasabi mo?! Hindi ba sinabi sayo ni Manang Adora??" hysteric na sabi ni Mama.

"Ha?? WLang sinasabi si Manang Adora, ma." nagtataka kong sabi. "Jack! Bumaba ka na! Andito na sina Mama!"

"Elina!! Ano ba!!"

"Bakit ba, ma?! Tinatawag ko lang si Jack..."











"Patay na si jack! Namatay siya.noong sabado! Balak sabihin sayo ni Manang Adora kaso may kausap ka sa cp mo! Anak naman! Kaya nawala kami eh, inaasikaso nMin yung mga papeles niya..."








Hindi maari .... Sino yung nakausap ko noong Sabado?? Hanggang sa wala pa sina Mama??



*****

Sorry kung may errors ha? CP lang po gamit ko eh:)) Naisipan ko ma mag UD kahit eto lang kasi, kahit masama pakiramdam ko:'( Nabobore na din ako dito sa bahay eeeh;((

Enjoy! :))

Kwentong KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon