"YOU'LL never get rid of me until you tell me what your plan is." Hindi sumusukong sabi nito kanya.
"Fine!" Sumusukong sabi niya rito.
"So?" Naghihintay na tanong nito.
"I'm planning to go where Kuya stayed before he was murdered. And I'll be acting as gay. That way I can easily blend in." Nakayukong turan niya rito.
Ilang segundong natahimik ang kanyang Ate Chast na animo ibang lengwahe ang kanyang sinabi na hindi nito na intindihan.
"You what?!" Dumadagundong ang boses na sigaw nito sa kanya pagkalipas ng ilang segundong pagkabigla.
"You heard me Ate Chast. Don't let me repeat what I just said." Aniya rito.
"You're going to act as gay? Wait, are you gay?!" Nanlalaki ang mga matang tanong nito sa kanya.
"What? No!" Madiing turan niya rito.
"If you're not gay, how are you going to be one? I mean, act like one?" Tanong ulit nito sa kanya na hindi man lang nabawasan ang galit sa anyo nito.
"Well, I--" Bwisit wala siyang maisip na isagot sa ate niya .
"If that's your plan," putol nito sa anumang sasabihin niya. "I'm gonna call my friend Whitney to train you on how to act like gay." Sabi nito sa kanya.
"Wha--. Ate, nobody has to know. It's just between you,me and Jag." Pagtututol niya rito. "And who the hell is Whitney?!" Takang tanong niya rito.
"I told you not to curse infront of me!" Anito sabay batok ng malakas sa kanya. "And Whitney is my gay friend. He could teach you how to walk and talk like gays do." Anito sa kanya.
"Fudge! Since when did you have a gay friend?" Takang tanong niya rito.
"Since college." Maikling sagot nito habang nagdadial sa telepono. "Don't worry he won't bite. And besides--- yep!" Naputol ang sasabihin nito ng marahil ay sagutin na ng nasa kabilang bahagi ang telepono. "Hello Whitney. I need your help come over here...."
"Oh boy, what have I gotten myself into?!" Napu-frustrate na wika niya sa kanyang sarili habang papalabas ng silid na iyon.
"SENYORITO, pinabababa po kayo ni Senyorita Chastity. May bisita daw po kayo." Anang katulong na napagbuksan niya ng pintuan.
Tatlong araw na mula nang magtalo sila ng kanyang kapatid ukol sa kanyang pinaplanong pagpapanggap bilang isang bading at ang pag-insist nito na pag-aralan niya ang kilos at galaw ng mga bakla.
Kahit anong pilit niya sa kanyang Ate na hindi niya na kailangan pag-aralan ang body language at gay lingo, lengwahe ng mga bading ayon sa kanyang kapatid, ay nagmatigas pa rin ito.
Until now, he could not believe that his amazon sister has a gay friend. His not being a racist or what. But the thing is, wala sa itsura ng kanyang Ate Chast, na masyadong bossy, ang magkaroon ng bading na kaibigan. Lalo pa't ang tingin ng lahat rito ay isang tigre.
Pagbaba niya buhat sa kanyang kwarto ay hinanap niya ang kayang kapatid at ang sinasabi ng kanilang kasambahay na bisita nito. May naulinigan siyang mga tinig sa may garden nila kaya doon siya dumeretso.
Hindi nga siya nagkamali at nakita niya ang kanyang kapatid kausap ang sinasabing bisita nila.
"Sunshine Dizon, canolei! Tom Jones ka na ba? 'Lika lafang tayo!" Anang baklang kausap ng kanyang kapatid. Nakaupo ito paharap sa kanya at patalikod naman ang kanyng Ate Chast kung kaya't ito ang unang nakakita sa kanyang pagdating.
BINABASA MO ANG
This Gay is MY GUY
RandomShane is a hopeless romantic girl until her boyfriend broke her heart nang ipagpalit siya nito sa isang mayamang bakla. Simula noon isinumpa niya na ang lahat ng bakla sa mundo. And then came the hunky papabol na si Aviel who happened to be a recen...