CHAPTER 7 - It's Show Time

4 0 0
                                    

     DAHIL ililihim nila ang planong gagawin niya sa kanilang mga magulang, nagpasya siya na kumuha ng bachelor's pad kung saan siya iti-train ni Whitney.

     Ayon sa babae, (yes, gusto ni Whitney na babae ang tukoy niya rito dahil girlalu naman daw talaga ito at nabigyan lang daw kasi ito ng lawit imbes na hiwa) basic gay expressions lang ang ituturo nito sa kanya dahil papalabasin nila na recently lang siya nag out at kaunti pa lang ang kilala niyang bekemons (Whitney's term, not him) kung kaya't hindi pa siya ganun ka-expose at ka-familiar sa mga normal na gawi at lenggwahe ng mga bakla.

     Mas magpo-focus daw silang dalawa sa physical transformation niya tulad ng pag-aaply ng kaunting make. Gusto sana ni Whitney na full force ang make up tutorial nila pero sinabi niya na maaring turuan siya nitong magmake up ng pambongga pero gusto niyang matutunan rin yung simpleng make up lang para hindi siya magmukhang clown.

     Pagdating naman sa pananamit, sinabi niya rito na hindi siya magko-cross dress dahil sa panahon ngayon hindi na kailangang magcross dress ng mga gay para lang masabing gay sila. Kung saan siya komportable yun ang susuotin niya. Sumang-ayon naman si Whitney pero iginiit nito na dapat meron siyang mga pambabaeng dress for special occasion just in case kailanganin niya.

     Tumagal nang dalawang linggo ang training nila ni Whitney. Ngayong araw, pupunta ang kanyang Ate Chast upang i-test siya nito kung papasa na sa panlasa nito ang transformation niya.

Kinakabahan siya sa magiging resulta nang pagkikita nilang magkapatid dahil nakasalalay doon ang pasya ng kanyang Ate kung papayagan siya nito sa pag-iimbestiga.

     "Mamu, ready ka nang ma-test ang iyong kabaklaan?" Maarteng tanong sa kanya ni Whitney.

     Tumikhim muna siya. "Ready na akez, mamang!" Patiling sagot niya rito.

     "Bongga! Andito na ang Ate Chast mo." Sabi ni Whitney sa kanya.

     Pagkakita niya sa kanyang Ate Chast malanding nakipagbeso-beso siya dito habang nakapilantik ang mga daliri niya lalo na ang hinliliit niya.

     "Sister, dear! I miss yah!" Nakatirik pa ang mga matang bati niya sa Ate niya.

     Pinakatitigan siya ng Ate Chast niya. 'Yung titig na mapanuri. Mula sa pixie hair niya, sa simple make up niya, sa suot niya at nagtagal iyon sa mga nakapilantik na daliri niya.

     "Sister, bet mo ba ang outfit ko? Pak na pak di vah?" Malanding tanong niya rito.

     Napa-slow clap ang Ate Chast niya na halatang hindi makapaniwala sa nasaksihan nito.

     "Wow, Whitney! You're a miracle worker! Just wow!" Wika ng Ate niya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya

Umayos siya ng tayo at inayos niya rin ang pagsasalita niya. "So, ano Ate Chast, pwede na ba akong sumabak sa giyera?" Tanong niya rito.

"Pwede na. Pero gusto ko sanang sumama sa'yo si Whitney. Just to post as your bestfriend para rin mas mapanatag ang loob ko. Hindi ako mapapakali kapag ikaw lang mag-isa dun." Sagot ng Ate Chast niya sa kanya.

Napamaang siya sa kapatid. Nagulat siya sa request nito at talagang hindi niya inaasahan iyon.

"Look, baby brother, if naasiwa kang kasama si Whitney sa bahay, let me assure you na hindi ka niya gagapangin. Malandi lang 'yan magsalita pero matino 'yan." Paliwanag ng Ate Chastity niya.

"Well, thanks for letting me know. But Ate Chast, hindi ko kailangan ng babysitter. Isa pa, masyado na ata tayong nakakaistorbo sa kanya." Sabi niya sa kapatid.

This Gay is MY GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon