CHAPTER 2 The Shocking Event

87 7 7
                                    

     HALOS liparin ni Shane ang hagdan makarating lamang sa restaurant kung saan imi-meet niya ang kanyang mga kaibigan. Halos isang buwan din siyang hindi inimik ng mga ito dahil sa nangyari sa bahay ni Kristle. Kahit nakahingi siya ng tawad sa mga ito nung araw ding iyon, alam niya nagtampo pa din ang mga ito sa kanya.

     Grabe talaga! Sobrang sensitive ng mga babaeng broken hearted, pati na ang pagbibiro niya at pang-aasar niya sa mga ito ay dinibdib talaga ng dalawa. Buti na lang magaling siyang mang-uto, este, maglambing at agad naman siyang pinatawad ng dalawa.

     Malapit na siya sa restaurant na pagtatagpuaan nilang magkakaibigan nang may mahagip na pamilyar na mukha ang kanyang paningin. Balik-tinging dumako sa mga ito ang kanyang mga mata.

     Nabigla siya sa nakita. Ang boyfriend niyang si Alberto ay huling huli niya na nakikipagharutan sa isang bakla! At hindi lamang iyon, nag-french kiss pa ang mga ito na ipinanlaki ng kanyang mga mata!

     She couldn't believe what she's seeing right now. How could he stand kissing that gay passionately as if he's so smitten by that gay's charm.

     Wait! What did she say? Charm?! Saan banda? Eh kahit pagbalibaliktarin ang mukha ng bading na ito eh wala naman ni isang anggulo ng salitang charm ang makikita dito! Bigla ang pagguhit ng alala sa kanyang isipan

     Tandaan mo to Sharmaine, dadating ang araw na iiwan ka din ng Alberto mo at ipagpapalit ka niya sa isang mayamang chakang bakla!

     Ito ang eksaktong sinabi ng kanyang mga kaibigan noong araw na mapikon ang mga ito sa kanya. Pati pala sa pangki-curse effective din ang mga babaeng sawi.

     "Babe, saan mo gustong magbakasyon this weekend?" Ito ang nagpahinto sa kanya sa paglapit sa mga ito.

     "Ikaw ang bahala, basta kasama kita, kahit saan tayo makarating, okay lang." Sagot ni Al sa kalaguyo nitong alien.

     "Hmph!" Sabi ng bading na halatang kinikilig sa sinabi ng lalaki. "Ikaw talaga, babe! Ang sweet mo." Sa pagtataka niya bigla na lamang nalukot ang lukot ng mukha ng huli.

     "Oh bakit bigla kang nalungkot? Ayaw mo ba na naglalambing ako sayo?" Tanong ni Al dito.

     "Eh kasi, may nakapagsabi sa'kin na may ibang babae ka raw." May himig pagtatampong sabi nito kay Al

     "Sino namang makating dila ang nagsabi sayo niyan, Babe?!" Tila gulat na gulat si Al sa narinig.

     "Wala naman, nakuha ko iyon sa isang reliable source." Tila napikon ang lalaki dahil inalis nito ang nakalingkis na braso ng bading.

     "So mas pinaniniwalaan mo iyon kesa sa akin!" May pag-aalala sa mukha ng bading nang lumingkis ulit ito sa mga braso ng kanyang nobyo, ay soon to be ex-boyfriend pala.

     "Hindi naman Babe. You know me very well right? Ayoko sa lahat ay iyong inaahas ako." May pagbabanta sa tinig nito.

     "Yeah I know that. That's why I'm not trying your temper." Malambing na sabi ni Al.

     "Buti naman kung ganon. Dahil alam mo na ang mangyayari sa buong pamilya mo pagniloko mo 'ko. Kaya kung ako sayo, kung may babae ka mang kinakalantari, layuan mo na hangga't hindi ko pa nalalaman ang identity niya, dahil kung hindi, pati siya ay madadamay sa galit ko!" Banta nito kay Al

"Hindi mo na kailangang sabihin sa'kin 'yan, kasi wala naman talaga akong itinatagong babae. Ikaw lang ang babae ko, Babe." Balik paglalandian na naman ang mga ito.

This Gay is MY GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon