CHAPTER 4 Contemplating the Past

68 4 3
                                    

     "SIGURADO ka na ba sa gagawin mong 'yan, Aviel?" Tanong sa kanya ng kaibigan niyang si Jag.

     "Pare, ito lang ang alam ko na paraan upang malaman kung ano talaga ang nangyari sa kapatid ko." Sagot niya habang tuloy-tuloy sa pag-iimpake.

     "Alam ba 'to nila Tita May? Kasi kung hindi, I will not let myself be seen by your parents. What would I tell them when they ask me about you?" Tuloy-tuloy na litanya nito.

     "Pare, talagang hindi ka magpapakita sa kanila dahil ipapabugbog ako ni Daddy kapag nalaman niyang 'bakla' ako." Naiinis na sagot niya rito.

     Aviel De Chavez is a straight guy. Mayroon lamang siyang mission na gagawin kung kaya't kakailaganin niyang magpanggap bilang isang binabae.

     He is a ruthless gambler businessman. Wala siyang inuurungang negosyo basta alam niyang mapapakinabangan ng kanyang kompanya.

     He was born with a silver spoon in his mouth and his family's businesses are enough to supply everything he needs. Pero dahil hindi sila pinalaking spoiled ng kanilang mga magulang, they've learn how to stand on their own. At ngayon nga ay siya na ang nagmamay-ari ng sikat na chain of hotels sa bansa.

     Taliwas ito sa line of business ng kanilang pamilya na real estate and chain of supermarkets. Ayaw niya kasi na kalabanin ang negosyo ng pamilya nila bilang pagrespeto sa kanyang mga ninuno na dugo't pawis ang ipinuhunan para lamang mapalago ang nasabing family business.

     Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid. Ang Ate Chast niya ang kasalukuyang namamahala sa chain of supermarket ng family nila. Samantalang ang kanyang mga magulang ang namamahala ng Real Estate dahil inhenyero at arkitekto ang mga ito.

     Ang Kuya Tom niya naman ay karumaldumal na pinaslang pitong buwan na ang nakararaan. Isa itong binabae at dahil hindi ito natanggap ng kanilang ama nang ito ay magtapat, lumayas ito sa kanilang ancestral house at namuhay ng malayo sa kanila.

     Gayun pa man, dahil sa pinalaki sila ng kanilang mga magulang ng may malasakit at pagmamahal sa isa't isa ay hindi nawala ang ugnayan nilang magkakapatid. Sa tuwing magigipit ito ay andun sila ng kanyang Ate Chast upang bigyan ito ng tulong.

     Ang huling balita niya rito ay nang meron itong maging ka-live in na lalaki. Ayaw pa sana nitong ipaalam ang tungkol doon ngunit dahil mapilit sila ng kanyang Ate Chast ay isiniwalat na rin nito sa kanila na totoo ang nabalitaan nila.

     Galit na galit siya sa kanyang nalaman ngunit mas nanaig ang pagmamahal niya sa kanyang kapatid kung kaya't sinuportahan niya ang desisyon nito labag man sa kanyang kalooban.

     Hindi niya nakita ang karelasyon ng kapatid ngunit natutuwa sila ng kanyang Ate Chast sa tuwing dadalawin nila ito dahil bakas sa mukha nito ang kaligayahan nito sa buhay na pinili nito.

     Hindi sila tumigil sa pagbibigay ng suportang pinansyal dito. Bagamat magaling ito, walang nagtangkang tanggapin ang kanyang Kuya Tom sa trabaho sa takot sa kanilang ama.

     Isa sa itinuturing na hari ng business world ang kanyang ama. Ibig sabihin maimpluwensya ito. Kaya nitong pabagsakin ang isang malagong kompanya sa isang salita lamang nito. Ngunit sabi nga nila, walang sikretong hindi nabubuko. Isang araw, nalaman ng kanilang ama ang gingawa nilang mag-Ate. Muntikan na sila nitong itakwil kung hindi lamang nagmakaawa ang Kuya Tom niya para sa kanila.

     Simula noon, madalang na lamang nila itong makita. Napuna niya ang pananamlay ng kanyang Kuya sa tuwing palihim itong dadalaw sa kanila. Noong huli silang magkita ay napuna niya ang mga pasa nito sa katawan. Ang sabi nito sa kanila ay dahil iyon sa trabahong pinasok nito sa club. Isinatinig niya ang kanyang pag-aalala sa nakatatandang kapatid. His brother assured him that he is fine and that he must not worry about him.

     Subalit makaraan lamang ang isang lingo ay napabalita ang karumaldumal na pagkakapaslang sa kanyang kapatid. Walang ginagawang hakbang ang kanyang ama upang malutas ang kaso ng kanyang Kuya.

     Isinantabi ang imbestigasyon sa kaso ng kanyang Kuya Tom sa utos na rin ng kanilang ama. Anito, masisira raw ang tingin ng mga tao sa kanilang pamilya kung ipagpapatuloy pa ang kaso. Tututol pa sana silang mag-iina ngunit naunahan na sila ng kanyang ama sa pagsasabing hindi na magbabago ang pasya nito.

     Kaya naman ngayon. Ayaw man niyang iwan ang kanyang Ate Chast at ang naninibugho pa ring ina, ay napagpasyahan niyang isagawa ang nasabing misyon. Wala siyang alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa gagawing hakbang na ito ngunit determinado talaga siyang mabigyan ng hustisya ang kamatayan ng kanyang Kuya.

     "Kuya, I promise, I will give you the justice that you deserve. I'm not a gay but I will act like one if it's that what it takes for me to know who brutally killed you."

     NAKATUNGO lamang si Shane habang pinapakinggan ang pagkakagulo ng kaniyang mga kaibigan na dati niyang kasamahan as Student Assistant noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo.

     Napapailing na lamang siya habang naririnig ang matinis na boses ni Ginnie. Wala pa rin itong ipinagbago maingay pa rin ito. Wala pa rin itong tigil sa pagdaldal habang ngumunguya.

     "Hindi pa rin nagbabago 'yang si Ginnie, noh?!" Ani ni Gisselle na umupo sa kanyang tabi.

    "Hindi na ata magbabago 'yang babaeng 'yan." Sagot niya rito na hindi pa rin iniaalis ang tingin sa kaibigang parang ipinaglihi sa kiti kiti.

     Pumunta siya sa reunion na iyon upang kahit papaano ay makapaglibang. Limang buwan na ang nakakalipas nang maghiwalay sila ni Al. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa pangyayaring iyon sa kanyang buhay.

     Minsan naiisip niya na may mali sa kanya kaya siya niliko ni Al. Lumalabas tuloy ang insecurities niya dahil sa nangyari. Nagmamadali siyang tumakbo sa malapit na comfort room upang itago sa mga kasama ang nagbabadyang pagpatak ng kanyang mga luha.

     Hahagulhol na sana siya ng may maulinigan siyang tinig na nagmumula sa pasilyo malapit sa kanyang kinaroroonan.

     "Alam mo. Okay lang ang umiyak, masaktan, magalit, mainis, mainsecure matapos lokohin ng ex mo. Libre naman 'yan. Kaya lang wag mo namang araw arawin. That good for nothing guy is not worth your tears." Anang tinig na iyon. "Try to move on. Kung ngayon umiiyak ka ng limang oras gabi-gabi, bukas gawin mong apat na oras na lang hanggang sa hindi mo na siya iyakan....."

     Marami pang sinabi ang babaeng iyon sa kausap nito sa telepono ngunit pakiramdam niya ay siya ang pinapapayuhan nito.

     May magandang naidudulot din naman pala ang eavesdropping. Wika ng isang bahagi ng kanyang abnormal na isip. Oh, bakit kokontra ka pa?! Totoo naman yung sinabi niya, take one step at a time moving on. Hirit pa nito.

     Hay naku, bahala ka nga diyan. Ang epal mo sa buhay ko. Tsk! Kinakausap ang sariling bumalik siya sa kinaroroonan niya kanina.

     Pagdating niya doon ay biglang bumungad sa kanya ang awiting Tuloy Pa Rin.

🎶Sa wari ko'y
Lumilipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na
Muntik na nasanay ako sa 'king pag-iisa
At kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin🎶

     Hmmm nananadya ata ito. Pero okay lang isang araw marerealize din ng tearducts ko na hindi worth iyakan ang Albertong yun!

     Sa totoo lang, natatakot na siyang magmahal ulit at hindi niya alam kung kaya niya pang ibigay ng buo ang puso niya. Natatakot siyang makipagrelasyon kasi baka makatagpo ulit siya ng paminta. Yung mga gays na hindi pa naglaladlad tapos nanlalandi pa ng mga babae na pang-front para hindi malantad ang itinatagong lihim, gaya ng ginawa ni Al sa kanya.

     Lord, kung magmamahal po ulit ako, sana 'yung totoong lalaki na at totoong mahal na mahal ako. Naiusal niyang panalangin.

This Gay is MY GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon