Chapter 17. (The Sisters)

527 5 0
                                    

Labis na ikinagulat ng lahat ang nangyaring hindi nila inaasahan kay Bettina. Hindi naman nila iniisip na mangyayari yun dahil simula palang noong 6 years old siya ay nakakasali na siya sa mga Amatuer Competitions sa larangan ng Figure Ice Skating.

Kailangan pang I-cancel ang Ice Skating Competition dahil sa mga nagkalat na dugo ni Bettina at Buto ng Baba ni bettina na nabasag sa Ice Skating Rink.

Marami ring tao ang hindi nakayanan ang nakita kaya napilitang umuwi lalo na ng mga batang Na-trauma pa. Natatakot din ang mga ito na ipagpatuloy pa ang Paglalaro ng Ice Skating dahil sa nasabing atleta.

Nakikita ni Wendy ang bangkay ni Bettina habang dinadala sa Ambulansya ng basagin ni Julie ang Katahimikan. 

"Sino nang Susunod?" Tanong ni Julie kay Wendy. Nung narinig yun ni Wendy ay Nagbalik sa kanya ang nagpakitang Premonisyon sa barko:

Ang pagkakatusok ng Mata ni Kate sa Bakal.

Ang pagkakahulog ng nagaapoy na Chandelier kay Mike.

Ang pagkasabog ng mga bato kung saan naharangan si Bettina na nagsanhi ng pagkakalasog lasog ng katawan nito.

Ang pagkakatagos ng mga basag basag na salamin sa buong katawan at Mukha ni Julie.

Ang pagkakasaksak ng Tumalsik na Kutsilyo sa Leeg ni Clear.

Ang pagkakasubsob ng Mukha ni Simon sa Pwet ng Baso.

At

Ang pagkakalasog lasog ng Katawan ni Wendy habang tumatalon sa Barko.

Nawala sa isipan niya ang pangitaing yun ng Sagutin ni Clear ang Tanong ni Julie sa kanya.

"Ikaw na yata ang Susunod, Julie."

Mababakas sa Mukha ni Julie ang pagaalala sa mga susunod pang mangyayari. Laging siyang tinulungan ng Ate niya para matakasan ang kamatayan pero paano naman kaya kung mag isa nalang siya?

Hinawakan niya ang Kamay ni Wendy at Sinabing:

"Kahit ano pang mangyari nasa tabi mo lang ako."

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon