Chapter 8. (Ang paguumpisa ng pagbawi ng Kamatayan)

701 6 2
                                    

*Wendy's POV*

Nagkatotoo na naman yung nangyari, Bakit ba hindi ko matakasan ang kamatayan? Bakit sakin pa? Bakit sa akin pa nangyayari ito?

Yung mga pulis at Rescuers dito hindi alam kung ano ang gagawin, Si Bettina hindi matahan, Kung sabagay, Mahirap mawalan ng Ina.  Habang ako, Nalilito sa mga susunod ko pang gagawin, Pano ko kaya matatakasan ang kamatayan ko,  Sa Ika-limang pagkakataon.

"Teka, Saan niyo kami dadalhin?!' Tanong ni Julie sa mga pulis, Na umaarte na parang meron kaming nagawang masama.

"Hihingin lang po namin ang statement nito Ma'am."

"Bitawan niyo siya, Sasama naman kami ng Matiwasay sa inyo eh." Binitawan ng Pulis si Julie, At pumasok na kami sa sasakyan.

Pumasok kami ng Kotse,

Sa unang patrol Car, Magkasama Kami ni Julie, Simon at ako.

Sa pangalawang patrol Car, Magkakasama sina Clear Rivers, Si Bettina, Si Kate at Mike.

Sa pangatlong patrol Car, Nandun na yung Dalawang Investigator, Yung Chief Officer, Kasama yung Crew na umawat sa nag aaway na sina Julie at Bettina.

Hindi pa kami nakakalayo sa kanila, nang

                                          Biglang sumabog yung pangatlong Kotse.

Lumabas kami ng kotse para suriin kung anong nangyari, Sumabog na nga yung Barko tapos ano ito? May sumabog pang kotse?! Nakita kong nasusunog yung Kotse, Nakalabas yung Crew habang nasusunog, Pero huli na ang lahat at namatay din ito sa gitna ng Kalsada. Buti nalang Malawak yung Parking Area ng Pier.

"Naguumpisa na siya," Bumulong ako sa hangin at Napatingin sa akin si Julie.

 "Ano ng gagawin natin?!" Ngayon ko lang nakita si Simon na ganun matakot.

"Katulad ng dati, Takasan ang Kamatayan, Maghanap ng Pattern" Relax na sinabi ni Julie.

"Pano Niyo mahahanap ang Pattern?! Hindi naman tayo nasa iisang Lugar? Pano natin malalaman yung pagkakasunod sunod natin?" Nararamdaman kong natataranta si Simon at hindi mapakali.

*Clear's POV*

Kakatapos lang naming I-group Interview. Sina Mike Hitchcock at Kate Browning, Naaalala ko tuloy ang nakaraan ko dahil sa kanilang mga Apelyido. Miyembro pala sila ng Media, at kaya pala nila ako hinahabol dahil sa Private Interview na yan. Si Bettina Straine, Ang babaeng nakaaway ng Kapatid ni Wendy. Naaawa pa ako sa kanya dahil sa pagkawala ng Ina niya sa barko. May Laban siya sa Paris, Isa pala siyang Figure Skater. Ito namang tatlo, Si Wendy, Julie at Simon. Ano kayang nangyari sa kasama ng dalawa?Si Kevin.

*Flashback*

Nasa Conference Room kaming Walo.

"Ano bang ginagawa namin dito?" Tanong ni Bettina na pawang naiinip.

"Kukunin lang po namin ang Statement niyo Ma'am."

"Statement? Ano bang Statement ang Hanap niyo sa akin?! Kanina pa kayo, Puro ganyan nalang ang sinasabi niyo, Statement, Statement. Putang Inang statement yan!!"

"Kung Hindi ka titigil diyan tutusukin ko ng Ballpen tong Mata mo!" Sinagawan siya ni Kate.

"Bakit ba kayo pupuntang Paris, Anong gagawin niyo dun?" Nagumpisa ng magtanong ang Investigator, "Mr. Hitchcock?"

"Alam mo, kasi --"

"Sinusundan namin si Clear Rivers." Inunahan na siya ni Kate.

"Alam ko na iyon." Sabi ko sa kanila. Nakikita ang mga mukha nila, Nagulat.

"Pano mo nalaman?" Tanong sakin ni Mike.

"Hindi naman ako tanga, Nahahalat ko kayo. Nanonood din kaya ako ng TV." 

"Ikaw naman Ms. Rivers?" Tanong sakin ng Investigator.

"Magbabakasyon lang ako." Sagot ko sa kanila.

"Ganun din ako." Tinaas ni Wendy ang Kamay niya at Nagsalita.

"Okay, Maari na po kayong Lumabas, At tatawagin na lang po namin kayo isa isa para sa --"

"Teka? Hindi niyo ba ako tatanungin?" Sumingit si Bettina.

"Hindi naman kami Tanga, Alam naman naming May Laban ka sa Paris." Sagot sa kanya nung Imbestigador.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon