Chapter 3. (The Fountain Pen)

1K 13 0
                                    

WENDY'S POV.

3:30 am na. Nagiimpake lang ako ng gamit, Si julie naman nagbabasa nalang ng magazine sa upuan, Kagabi pa kasi siya natapos mag impake.

"Anong oras tayo aalis?" Tanong ko kay Julie.

"Asan na yung camera natin? Na charge mo na ba?" Kinindatan ako ni Julie, Hindi naging magandang biro nanaman para sa akin yun.

Napatigil ako sa Pagiimpake. "Wag ka ngang magbiro ng ganyan, Kanina ka pa ah. Alam mo bang kagabi pa ako nagaalala?" Sabi ko sakanya. Nasira tuloy yung mood ko.

"Oops, Pasensya na. Chillax ka lang., 6:00 pm  yung alis natin dito, tapos 8:10 ng gabi  yung alis ng barko natin."

"Anong oras daw pupunta si Simon?" 

"Ahm, 4:00 yata, Alam mo na, Makikikain pa yung lokong yun! Hahaha" Nginitian ko nalang siya. :) Habang nagiimpake ako, Nakita ko yung walkman na binigay sakin ni Kevin bago siya mamatay, triny ko yung walkman kung gumagana pa, Natakot na din kasi akong makinig sa radyo simula nung nangyari yun.

♫ Rollercoaster, Woo hoo. ♫

Nilipat ko yung istasyon, HIndi maganda ang pakiramdam ko sa kantang yun.

♫ Dust in the wind ♫

Dahil hindi naging maganda ang mga tugtugin sa radyo, Nilipat ko nalang sa AM station yun. Nakakabwiset kaya. Atleast makakapakinig pa ako ng magandang balita.

Ang manlalaro nating si Bettina Straine ay Lalaban sa Annual Skating Competition na gaganapin sa Paris, France. Ito ay gaganapin sa susunod na buwan pagkatapos ng Pasko, Hinihiling ni Bettina ang ating mga dasal upang siya ay maging ligtas. Nasabing mag totour muna ang Atleta bago tumungo sa Parism dahil matagal pa naman daw ang gaganaping kompetisyon mag ----

Pinatay ko na yung radyo, Hindi ako makapagconcentrate mag impake, Mas gusto ko pa yung tahimik. 

KATE'S POV.

"Handa ka na ba partner?" Tanong sakin ni Mike.

"Oo naman, dapat hindi tayo mahalata ah. Loko-loko ka pa naman"

"Teka, Nabigay na ba sayo ni boss yung ticket? Wag mong kakalimutang hindi tayo makakaalis ng walang ticket na hawak" Paalala ni Mike sakin.

"Bago daw tayong pumuntang Pier, kunin na daw muna natin yung ticket sa kanya, Siya na din daw yung bahala sa Pocket Money natin sakaling magkaroon ng Aberya, Round trip ticket ang ibibigay niya sa atin, Meron na din daw naka assign na hotel satin kung saan mag sstay tayo ng two nights"

"Two nights?!" Ngumiti siya sakin ni 'Ngiting Madami'

"Hindi naman tayo magkasama sa iisang kwarto, Kaya wag kang magsaya ng ganyan" Tiningnan nya yung Fountain Pen kong nakasabit sa collar ko.

"Ang ganda naman nyan" Nginuso nya yung Pen ko. Kinuha ko yung pen at inikot, May lumabas na Patalim.

"Ayos ah, May Ground saka kutsilyo pa talaga." Tumawa siya pero ngumiti nalang ako ng pilit.

Bettina's POV

"Ano betty? Handa ka na ba?" Tanong sakin ng Mama ko.

"Ano ka ba ma, I've been for this industry since when i was on 6 years old, Wala ka bang tiwala sakin?"

"Syempre naman anak meron, What I mean is, hindi laging safe ang Ice Skating, Sa isang maling galaw mo pa lang, Maari kang mabalian ng Buto. Im your mother, Nagaalala lang ako sayo."

"Basta mom, Im a professional Ice Skater, Wag kang matakot, 15 years ko na tong ginagawa. Im safer than safe. Dont worry."

"Siguraduhin mo lang na hindi ka madudulas at Mababalian ng Spinal Cord dyan sa ginagawa mo!" Inirapan ko nalang ang nanay ko.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

MIKE HITCHCOCK IN MULTIMEDIA.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon