CHAPTER 5: An Agreement

672 41 27
                                    

cnbluerock...eto na po. WISH GRANTED!! hehe binago ko na siya ^__^

Pabago bago name ni Fleur..Sorry.. Sabog author eh

-------------------

CHAPTER 5: An Agreement

(KYLE'S POV)

Meghan Fleur Aro is my girlfriend.

She used to be a good friend of mine. We used to be close, laging nagtatawanan at nag-uusap. Nakita ko kasi ang sarili ko sa kanya. Pareho kami ng pangarap, ang maging artista. Nakilala ko siya sa isang acting workshop at naging magkaibigan kami. Yun nga lang mas una akong sumikat. Paminsan minsan lang siya may trabaho, mostly commercials lang.

Pero nagbago na ang lahat because she's been my girlfriend for three months now.

Three months na naming niloloko ang sarili namin.

"Do you need a drink?" -Fleur

"No, it's ok. Aalis din ako pagdating ng mommy mo." Sabi ko. Nandito kami sa bahay niya.

"Parating na raw siya. Katatawag lang." -Fleur

"Good." -Ako

"Kyle.... bakit mo naman kasi tinanggap yung movie. Tinanong ko si mommy sinabi mo raw na gusto mo yung project kaya pumayag na siya! Panu naman ako? Tapos malalaman ko na lang na may bago kang ka-loveteam diyan!" -Fleur

"Why the hell should I bother to tell you? Nanay ba kita?" -Ako

"Kyle please! FOR ONCE!! Just for once! Act like a real BOYFRIEND!!"-Fleur

"ACT. Yeah thanks for reminding me. Baka nakakalimutan mo na hindi ko ginusto to. Nahihirapan ka na ba? Then let's break up. Pareho pa tayong makakahinga ng maluwag." -Ako

"Hindi mo pa rin ba nahahalata?! I don't want to break up with you because i lov- ... Listen, Please umayos ka na lang pagdating ni mommy. Utang na loob mo sa kanya to. You owe her this much"-Fleur

Tinignan ko siya ng masama.

Takte! Pinapakulo ng babaeng to ulo ko!

UTANG NA LOOB.

TO HELL WITH THAT!!

Yan ang dahilan. Dahil sa utang na loob na yan kailangan kong magpanggap na boyfriend niya, na sweet kami sa isa't isa. Pero sa harap lang ng camera at ng ibang tao nangyayari yun. Lately lagi kaming laman ng news. "The Perfect Couple" sabi nila. Nadagdagan na rin mga fans niya. So I have to pretend for a few months daw para mas lalo pa siyang sumikat.

I HATE IT.

I HATE IT because  pumayag pa ako in the first place. May utang na loob ako sa mommy niya dahil siya ang tumulong sakin at naghirap para sumikat ako. Siya ang manager ko at best friend ni mama. Kaya kong kumuha ng ibang manager pero kapag mawala ang best friend ng mama ko, yan ang ayokong mangyare. So anu pa magagawa ko?

I don't recognize this Fleur anymore. Nagbago na siya. Alam kong mayaman sila at makapangyarihan, hindi na nila ko kailangan para sumikat pa. Kaya naman gawin ng mommy niya ang ginagawa ko ngayon. Ako nga nagawa niyang pasikatin, siya pa kayang anak? 

"As you wish. I will make things easier for the both of us. I can handle this. Sabihin mo na lang sa mommy mo na nakaalis na ako. Magkita na lang kami bukas"-Ako

Tumayo na lang ako at lumabas ng bahay. Hindi maipinta yung mukha niya. Alam ko na dati pa siyang may gusto sa kin. Kaya nga kahit anong tulak ko sa kanya gusto niya pa rin ituloy tong kalokohan na to. Alam ko rin na siya ang nagpilit sa mommy niya na magpanggap kami. Alam ko lahat yon kahit di niya pa sabihin. I'm not dumb. Hindi ako tanga.

Loveteam (Ongoing Series)Where stories live. Discover now