CHAPTER 2: Grab the Opportunity

675 50 27
                                    

Sana po magustuhan niyo! Comment po kayo after nito :)

--------------------

CHAPTER 2: Grab the Opportunity

(CAMILLE'S POV)

Nakahiga na ko sa kama. Kani-kanina pa ako nakauwi ng bahay. Hindi ko kasi kayang harapin sila kaya dumiretso ako dito. Nung chapter 1 lang ang yabang ko pa nuh, nakarma tuloy ako.

Naaawa ako sa pamilya ko, hindi sa sarili ko. Sila mama at papa sobrang pinoproblema kung saan kami kukuha ng panggastos. Si kuya Jacob pinag-aaral sa states pero uuwi na siya, ang kapatid ko namang 7 yrs. old na si Katniss mukhang malabo rin mag-aral. Ako? Nakakahiya man sabihin, hindi na ko nag-aaral. Nagstop ako dahil sa career ko dati. Pero paano na ngayon hindi ko natapos ang degree ko may tatanggap kaya sa kin?...

Nag-iisip ako.

 (~’.~)

Nag-iisip ako ng malalim.

Iniisip ko kung bakit laging may problema ang mga bida. Umpisa palang naman di ba. Bakit ganito agad? Epal naman ng author! Sino ba yan?!

(A/N: missherondale po! hehe ^__^ singit lang.)

Iniisip ko kung anong gagawin kong paraan...

Magtinda na lang kaya ako ng sampaguita sa simbahan.

Magbenta ng palamig sa kanto.

Maging construction worker.

O manghingi na lang kaya ako ng barya barya sa mga pasahero sa jeep.

 Ano sa tingin niyo??

Pero hindi ko magagamit ang puhunan ko doon.

Ang aking kagandahan... at talent!    ( ^ __^ )v

Sige tama na nga, pahumble na ko baka parusahan ulit ako.  ( _ _ )v

Bukas talaga promise makakaisip na ako ng solusyon!

Kinabukasan…. Nag-empake  na ko ng gamit namin. Lilipat kasi kami sa bahay ni tita Katsa. Pansamantala lang, habang wala kaming pambayad ng bahay. Sa isang subdivision nga pala kami sa Makati nakatira. Pero ngayon makikitira kami sa tita ko sa Sta. Mesa. Kapatid siya ni mama, mabait at mapagkakatiwalaan.

Nasa biyahe pa lang kami pero mukhang malapit-lapit na rin.

**BEEEEEEP! BEEEEEP!**

Nagbusina si papa para ipaalam kina tita na dumating na kami.

Lumabas na ako at tumulong sa pagbuhat ng mga maleta.

"Ate, why so small?" Sabi sa kin ni Katniss habang nakatingin sa bahay na nasa aming harapan. (~_~)

"Why so small ka dyan, magtiis ka na lang." -Ako  

"TITAAAA!!!" Sabi ko,

Namiss ko siya. Ang tagal naming hindi nagkita. Nung bata ako siya ang nag-aalaga sa akin tuwing walang tao sa bahay. Dati kasi may mga business trip si papa at syempre sumasama si mama.

"Cam! Ang laki laki na ng alaga ko! Dalaga na oh!" Hinug ako ni tita at pati na rin sina mama, papa, at Katniss. Cam tawag sa kin ng mga kamag-anak ko, parang camera lang. Mahilig daw kasi ako sa camera.

"At si Katniss din! Dati baby ka pa lang ang cute cute mo, syempre cute ka pa din!" Pinisil ni tita yung pisngi ng kapatid ko.

Oh noeeessss... 

Loveteam (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon