The Man of Her Dreams

57 7 0
                                    

"Saklolo! Tulungan niyo ako!" Sigaw ng isang dalagita sa matinding takot, kaba at sa buong kaya niyang lakas.

Wala siyang ibang makita sa loob ng silid, kundi ang buong paligid na kay dilim at parang walang taong nakakarinig sa kanya.

"HAHAHAHAHA WALANG MAKAKARINIG SA'YO! HAHAHAHAHA!" Demonyong halakhak ng lalaking nakadagan sa kanya at pinipilit siyang hubaran ng damit.

At pagkasabi ng lalaking 'yon. May biglang bumukas na pinto na kanina ay hindi iyon umiiral sa paligid. Pumasok ang apat na lalaki sa kwarto na may mga dalang mahahaba at matatalim na mga espada at pinagtulungang patayin ang lalaking may balak na manggahasa sa kanya.

Isang madugong patayan ang naganap sa kanyang harapan, kitang'kita niya sa kanyang dalawang mata kung paano pinatay ng apat na lalaki ang isang rapist at tinadtad ng kanilang mga espada ang katawan.

Windang at takot na takot siya sa kanyang nasaksihan, at parang gusto na niyang magising kung isa man itong panaginip.

Nang makontento ang apat na naglalakihang lalaki sa pagpatay ng rapist, ay lumingon ito sa gawi niya at nakaramdam siya ng takot na baka siya na ang susunod.

Dahan-dahang lumapit sa dalagita ang isa sa mga lalaki sa kanya, na ang buong damit ay puno ng dugo sa lalaking pinatay at dugong pawis ang buong mukha nito.

Tinulungan siyang makatayo sa kanyang pagkakaupo sa malamig na sahig, at taimtim itong nakatitig sa kanya na para bang binabasa ang kanyang mga mata.

He caress her cheeks, and then she felt the hard breaths of the guy leaning so close to her that made her heart trumped so fast.

"Huwag ka ng mag'alala pa, Naiara. Nandito kami palagi para bantayan ka." Wika ng lalaki sa kanya, na kitang'kita sa mga mata nitong nakatitig sa kanyang desidido at may pinaninindigan sa sarili.

And in a blink of an eye, nawala na ito sa kanyang harap. At nagising siya sa isang bangongot o kariktan na panaginip.

Hindi niya malimutan ang malalalim nitong mga mata na nakatitig sa kanya ng mga sandaling iyon habang binabanggit ang huling sinabi nito sa kanya bago siya nagising.

Dahil sa kanyang memorya ng lalaking iyon, ay iginuhit niya sa kanyang sketch pad ang mukha nito, ngunit tanging mga mapupungay at malalalim nitong mga mata ang maalala niya at ay medyong magulo nitong buhok na nagpapamukha sa lalaking 'yon na gwapo sa kanyang paningin kahit duguan ito.

Lagi naiisip ng dalagita ang panaginip na iyon, bago siya matulog kahit ilang buwan na ang lumipas simula noong napaginipan niya iyon.

Napapatitig sa ginuhit niyang litrato ng lalaki sa kanyang sketch pad, na kung saan ito ang dahilan kung bakit tumibok ang kanyang puso para sa pagmamahal.

Lagi niyang hinahanap sa kanyang mga panaginip ang lalaking lumigtas sa kanya sa nakakatakot na pangyayari sa kanyang panaginip.

Naghahangad balang araw... na makikita niya muli ang lalaking iyon sa totoong buhay.

Habang sinusulat ng dalagita ang kwentong ito, laman sa kanyang isipan at sistema ang lalaking nakita niya sa kanyang panaginip na hindi niya kailanman makakalimutan...

at ginawang balangkas sa kwentong ito.

Cuentos CortosWhere stories live. Discover now