Fools

66 9 1
                                    

NAPATAAS na naman ang altapresyon ko, nang kinuha sa aking mga kamay ang sketchpad na kani-kanilang ay hawak-hawak ko pa ito.

"Sivane!"

Sigaw ko sa kanya, na ikinangisi niya lang. Mas lalo akong napakunot sa noo ng binilatan niya lang ako.

Matagal ko ng ikinaiinis at ikinagalit ang lalaking ito sa buong buhay ko. Sa lahat ba namang tao, ako pa ang pagtri'tripan sa litseng lalaki 'to!

Hindi ko na mabilang kung ilang karumaldumal na ang nagawa niya sa akin sa pag-iinis sa buhay ko. Wala talagang araw na hindi siya mang-inis o mangbeast mode sa akin. Buong araw'ng tumatakbo ang araw ko sa kakainis sa kanya.

Kung hindi siya mang-iinis, nang bu'bully naman.

Gusto ko na talaga pektusan at palayasin siya sa buhay ko. Tumatanda ako sa kakastress ng lalaking ito.

Kung hindi lang pinagbabawal ang animal abuse, matagal ko na itong napasurahan.

"Ano ba! Ibigay mo yan sabi!" Padabog akong lumapit sa kanya.

Pero bago pa ako tuluyang nakalapit, pinunit niya na ang karamay ko sa buhay.

Napahinto ako, nang makita ko ang mga peraso nito na dahan-dahang nahuhulog sa sahig, na pinagpupunit niya.

Hindi agad ako nakapagsalita, at biglang-bigla ako sa buong pangyayari.

Naging isa sa mga mahalaga ko na iyon sa buhay... Lahat ng mga hinanakit ko sa buhay nakaguhit na doon. Lahat ng mga kinakagalit ko sa kanya, inilabas ko na dun. At hindi pwedeng sa isang sandali, masira ang aking pangarap at ang aking mga masterpiece maguguho na lang ng ganon kadali.

"Ang sketchpad ko..." Bulong ko sa aking sarili, na syang nagsimulang maglabasan ang aking mga luha sa pisngi.

Galit ko siyang tinignan, at hindi parin tumitigil ang aking mga luha sa pagpatak.

Galit akong lumapit sa kanya, at bigla ko siyang sinampal.

"A-anong problema mo ha?! B-bakit mo y-yun g-ginawa?!" Naiiyak na nagagalit ko siyang sinisigawan.

Habang siya'y, walang ka emo'emosyong nakatitig lang sa akin. Mas lalo akong nagalit, nang hindi man lang siya na konsensya sa ginawa niya.

"Ano bang n-nagawa ko?.. Bakit mo b-ba ako p-pinapahirapan..?" Nanghihinang tanong ko sa kanya, habang pinagsusuntok ko siya sa dibdib. Hinahawakan niya naman ang aking mga kamay, para tumigil sa pagsusuntok sa kanya.

"Dahil... nahihirapan din ako...."

Mahina niyang bulong na, katam'tamang naririnig ko.

Bigla akong napatingin sa kanya, at mas lalong napakunot ako sa noo dahil sa sinasabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?! Ikaw! Ikaw ang nagpapahirap sa buhay ko! Nagbibigay ng pasakit sa ulo ko! Nagpapasakit sa akin sa tuwing kinamumuhian mo ako! O kaya naman iniinis mo ako!" Napatigil muna ako ng sandali, dahil hindi ko kinaya ang aking nararamdaman.

"Ano ha?! Magsalita ka! Bakit mo ako ginaganito?!" Hindi siya nagsalita, tinignan niya lang ako ng seryoso. Pinahiran ko muna ang mga tumakas na luha bago nagpatuloy.

"Binobobo mo pala ako eh! Nang dahil sayo, walang nagkakagusto sa akin dahil sinisiraan mo ako sa kanila! Wala man lang nakakalapit sa akin ng dahil sayo! Kaya pwede ba! Lumayas ka na sa buong buhay ko! At wag na wag ka nang magpapakita sa akin!" Hinaing ko sa kanya.

Biglang nanglumay ang kanyang mga kamay na nakahawak sa akin.

"Only fools fall for you."

Sasampalin ko na sana siya ulit, nang nagsalita siya.

"But I'm sorry... I'm one of them."

Pagkatapos ay binitawan niya na ako, tinalikuran at nagsimula ng maglakad paalis sa buhay ko.

~end

Cuentos CortosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon