XVIII. I

719 15 5
                                    

Mavi's P.o.v

Seryoso kong tinignan ang picture na binigay sa akin dati ni Richard, 'yong picture niya na kasama si 'Vee'. Kinuha ko ang album ko na kung saan nakalagay ang mga photos ko no'ng bata pa ako. Pumili ako ng isang photo at itinabi doon ang picture na binigay sa akin ni Richard. Bumuntong hininga ako at linigay muna ang mga litrato sa kama ko.

Kinuha ko ang laptop ko at hinanap kung sino nga ba talaga si Kim Xi Ara na nagpakilala bilang Vee. Aaminin ko, maganda siya. Siyempre, isa siyang actress- hindi lang simpleng artista pero isa siya sa mga magagaling sa Korea. Madami na siyang projects na sumikat talaga sa Korea simula pagkabata. Dati fan niya ako pero ngayon, hindi ko na alam.

Tinignan ko ang mga childhood photos niya. Kusa akong napasimangot no'ng napagtanto kong magkahawig talaga sila ni Vee. Paano nangyari 'yon? Bakit siya pa sa lahat ng tao? Humalumbaba ako habang tumitingin sa computer screen na may malaking childhood photo ni Xi Ara.

Sinarado ko na ang laptop ko at umalis na sa bahay. Naglakad nalang ako papunta sa isang cafe. Malapit lang naman kasi ito sa bahay namin. Nagsuot ako ng hat at shades para hindi halata na ako ito. Uso ang mga sasaeng ngayon.

Pagkarating ko sa cafe, nag-order ako ng strawberry cake at cappuccino. Umupo ako sa pwestong medyo tago at naghintay sa mga kakausapin ko. Kumain lang ako habang naghihintay.

Lumingon ako sa door ng cafe no'ng narinig kong may pumasok. I smiled at the two girls na pumasok. Nguimiti sila pabalik sa akin at umupo sa mga upuan na nasa harap ko.

"Goodmorning, Cyrelle and Gabriella. Thank you sa pagpunta dito." bati ko sa kanila. Cyrelle and Gabriella Takeuchi. Japanese twins that lived in Korea and Philippines. Sila 'yong nakilala ko dati no'ng una kong nakilala si Miaki. And guess what? Magkaibigan sila ng bruha na 'yon.

"Goodmorning rin, Mavi. Bakit mo nga pala kami pinapunta dito?" tanong ni Gabriella. Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang childhood picture ko at pinakita ko naman yung childhood picture ni Xi Ara.

"Itong dalawang picture na ito, bakit halos magkamukha? I know it's possible pero hindi lang talaga ako makapaniwala. How can that be? They are not blood related pero magkamukhang magkamukha talaga sila kapag hindi mo titignan nang mabuti. Para silang kambal." sabi ko sa kanila, not mentioning na ako ang nasa isang picture. Tinignan nila ito mabuti.

I can see curiosity in their eyes. Seryoso nilang tinignan ang dalawang litrato. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako habang tinignan ko pareho ang ekspresyon nila.

"Ah!" Cyrelle exclaimed. Muntik na akong tumayo at magsitalon sa sobrang kaba ko.

"Bakit? Anong nakita mo ha? Ha?" Nagmamadali kong tanong sa kanya. Please let it be good news. Please.

Tinuro niya ang larawan ng batang Xi Ara, "Kung titignan mo nang mabuti, makikita mong may puno sa background na parang nahati pero halata namang dapat full view ng puno 'yong makikita. Tapos tignan mo, kahit black and white siya, hindi mo mapapagkait na iba yung color tone sa picture na yan kung icocompare sa totoong black and white films sa panahong 'yan" Gabrielle explained at nanatili akong nakatunganga sa kanila. Nothing's make sense to me.

"At tignan mo ba, the ball in her eyes are not circle. It's more like an ellipse. Halatang expanded." Sabi pa ni Cyrelle

"Please explain it to a dumb person's view." Wala sa sarili kong sambit. Nagmukha tuloy akong ewan sa kanila. Ngumiti sila sa akin at sabay sinabi

"This photo is edited. It is not her real face."

They said it while pointing at Xi Ara Kim's 'childhood' photo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secrets Of A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon