IV. Sakit sa ulo?

2.8K 53 7
                                    

Dedicated to Frienemy :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Unknown's P.o.v

"Where is that girl?" tanong ko sa kasama kong babae. Si L.

"She's always late. Be used to it okay?" nandito kami ngayo sa isang kwarto dito sa RMA.

Umupo nalang ako ng padabog at naglaro sa iPad ko. Makalipas ang ilang minuto, narinig namin ang pagbukas ng pintuan.

"Annyeong! Mianhe, I'm late" sabi niya. Si Z

"Umupo ka na para makapagsimula na tayo" sabi ko at inayos ni L ang computer para makapagconnect kami sa kanila.

Umupo si Z sa tabi ko at linagay ang mga dala niya sa table. Tinago ko na ang iPad ko at inantay nalang namin ni Z si L na matapos sa ginagawa niya.

Hindi rin nagtagal at natapos na si L kaya umayos na kami ng upo at inikot ang swivel chair namin para nakatapat kami sa big screen.

May binigay akong papel sa kanilang dalawa. Lumabas sa big screen ang nga mukha ng mga hinihintay namin.

"Goodmorning" bati naming tatlo

"Goodnorning girls" bati nila

"So, what is the problem now?" tanong ko

"Girls, nagsisimula na ang pag-atake nila. Sa ngayon, hindi pa sila nakakaatake diyan sa Pilipinas." sabi ni 1, ang leader nila.

"Pero kanina lang, nalaman namin na nakahanda na ang pag-atake nila sa Pilipinas. Ang dalawang anak ng leader nila ang ipapadala nila diyan. They are specially trained kaya asahan ninyo na mahirap silang kalaban" -4

"Sino po yung mga anak ng leader nila?" tanong ni Z.

"Kasalukuyang nag-iinvestigate ang Group B para diyan. Medyo mahihirapan rin sila dahil sobrang confidential iyan kaya asahan niyo na malalaman natin kung sino ang mga iyon sa mga susunod na buwan o higit pa" -8

Nahahati kami sa 3 groups. Group A, B and C. Ang kinakausap namin ang Group A and kami ang C. Kulang pa rin ang Group C. Meron ring Group D pero hindi pa sila official, kumabaga, nagtratraining palang sila.

"So anong gagawin namin habang iniinvestigate pa ng Group B at hindi pa sila umaatake dito?" -L

"Ready yourselves in the upcoming battle." -10

"Z, kilalanin mo ang lahat. Bago nila malaman ang totoo, kailangan kilala mo na ang lahat para kahit papano, makaka-adjust sila" -3

"L, kapag nalaman na nilang lahat, ikaw magtratrain sa kanila. Meron silang Fighting skills kaya hindi ka na mahihirapan. Turuan mo nalang silang humawak ng mga armas." -6

"M, ikaw ang magiging leader ng lahat. Ireport mo sa amin kung merong importanteng nangyari. Pakiramdaman mo ang mga nangyayari. Sabihin mo kay 2 kung may nahahalata ka" -9. Tumango kaming tatlo.

"Bukas na magiging official ang Group D. Sila ang magiging partners ninyo habang hindi pa nila alam ang totoo" -1

"Diyan rin sila nakabase kaya madali niyo lang sila macontact kapag may kailangan kayo. Nakalagay diyan sa papel na iyan ang members ng Group D" -8

After sabihin ni 8 iyon, namatay na ang screen. Nagsimula namang ayusin ni L ang laptop niya na nakaconnect sa screen.

"So Z, simulan mo na ang pagkakaibigan mo sa kanila. 2 months nalang ang natitira bago nila malaman ang totoo. I assume na marami pang mangyayari sa 2 months na iyon kaya kailangan unti-untiin nating ipaintindi sa kanila ang mga nangyayari" wika ko

Secrets Of A StarWhere stories live. Discover now