V. Migraine

2.5K 52 5
                                    

Dedicated to my Avid fan | Reader | Wattpad friend

------------------------------------------------------

Aresethe's P.o.v

Ang baho naman ng lugar na to! Ang dilim pa! Ano ba kasi ang ginagawa nila dito?! Ang lagkit-lagkit ko na! Ewww naman eh!! Its so kadiri here!

Bago nga ako makapunta dito, may mga adik na sumalubong sa akin. The face is like the dog sa mga kanto-kanto. They're so kadiri talaga! 

Nagtataka siguro kayo kung nasaan ako no? FYI, may sinundan lang ako.

Flashback~

"Tayo na? Malapit na magtime oh" -Jessica 

Kanina pa kaming nakatambay dito sa cafeteria. Hanggang ngayon, inaasar pa rin ng mga boys si King na torpe. Kaming mga girls naman, nagFB sa phones .

Tumayo na kami. King sighed in relief. Bagay naman sina King at Amethyst. They look so cool together kaya!

"Mauna na kayo. Pupunta lang ako sa Section A. May ibabalik ako" paalam ko sa kanila

"Okay" -Byul

Nagkahiwalay kami ng daan. Magkaiba kasi ang building ng mga star sections at ordinary sections. Uso kasi discrimination dito eh -_-

Bawal pumunta iyong mga ordinary sa building namin pero pwede kami sa building nila. Yung mga iba naman, nakakapunta sa building namin dahi napag-utusan.

Sa gitna ng buildings na yun ay dalawang garden. Napaghiwalay naman iyon dahil sa isang malaking fountain sa gitna.

Wait lang, ano ako? Tour guide?! Ang ganda ko naman para maging tour guide!

Dumaan ako sa may fountain banda. Ramdam ko ang mga mata na nakatitig sa akin. Bihira lang kasi pumunta ang mga star students dito. Iba rin kasi ang uniform namin kaya mahahalata mo agad kung star student ka ba o hindi. 

Anyways, hinanap ko kaagad ang 4th Year Section A. Pagnagtatanong naman ako, hindi ko halos maintindihan dahil nauutal sila. Grabe, 1st time makakita ng artista?!

So ayun nga, nakita ko na ang section A. Kumatok muna ako sa may pintuan dahil nagstastart na ang klase.

"What are you doing here Ms. Anderson? Isn't your class is starting now?" sabi ni T. Annie. 

"T. Annie, can I talk to Crizia Drew? This is an important matter" sabi ko. 

"Crizia is not here right now. She is only half day today. Why? Did something happened between you and Crizia?"

"No, its not like that. Thank you T. Annie. Sorry for the disturbance"

Naglakad na ako papalayo. Gusto kong malaman ang katotohanan sa mga bracelets. Parang importante ang significance nito.

Napadaan ako sa mga lockers ng 4th year. Nakita ko si Crizia na naglalagay ng mga libro sa locker at tila may hinahanap.

"Cri--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may dumating. Nagtago muna ako.

"Crizia! Punta na tayo sa trainig grounds? Nauna na Muzteria doon"

If I'm not mistaken, alam ko siya si Quina. Iyong pinsan ko. Anong kinalaman niya kay Crizia? At sino si Muzteria?

"Wait lang. Nawawala kasi yung bracelet ko eh. Ang alam ko suot-suot ko lang iyon eh. Biglang nawala" -Crizia.

"Ha? Paano na iyan? Mahalaga pa naman iyon. Minana pa nating ang mga bracelet sa mga mama natin. Baka nahulog habang naglalakad ka"

Secrets Of A StarWhere stories live. Discover now