VIII. AxVette First Date

2.4K 55 6
                                    

Sorry for the late UD. HOY PURPINKLE98! MESSAGE MO NASA BABA!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chasie's P.o.v

Kasalukuyan kaming kumakain kasama ang aking mga kambal. Apat na salita na nagsisimula sa K yun! BOOM!

Pansin ko na walang ganang kumakain si Yvette. Problema nito? Sabi niya kahapon, ngayon ang pagkamatay niya.

What does she mean by that? Ibibitay na ba siya? Imamassacre ba kami o kukulamin siya?

"Chasie, may napapansin ka ba kay Yvette?" bulong ni Monique

"Oo naman. Parang pinagbagsakan nga siya ng langit at lupa. Isama mo pa ang animals at rocks"

"Hindi ba siya makukuba nun? Sobrang bigat na yun" -Monique

Nagbikit-balikat nalang ako at sumubo. Problema na ni Yvette yun. Mas-stress lang ako kapag prinoblema ko iyon.

"Ugggghhhhh!!!!"

Tinignan ko si Yvette. Ginulo niya ang buhok niya at tumayo na. Umakyat ulit siya at ewan ko nalang kung nagbigti na yun.

Kanina ko lang napansin na nakapajamas pa siya. Kadalasan kasi, kapag bumaba na siya, nakaligo na siya agad. May problema ba si Atii??

"Chasie, do you remember everything?" tanong ni Monique

Tumingin ako sa kanya. Sa una, hindi ko alam ang pinagsasabi ng babaeng ito pero bigla nalang pumasok sa isip ko ang nangyari noong isang taon. Ang madilim na pangyayari noong isang taon. Ang rason kaya nagkaganyan si Yvette

Sinundan namin ng tingin si Yvette na papalabas na ng bahay. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari. Hindi ko alam kung bakit si Yvette pa ang tinablan ng malas.

Ngumiti ako ng malungkot. Kinalimutan na ni Yvette ang mga nangyari noon. Sana huwag na maulit ngayon.

"At sigurado ako na masmalala ang mga mangyayari. We need to be on Yvette's side whatever will happen"

Yvette, huwag kang magtiwala kahit kanino. Hindi natin alam kung mapagkakatiwalaan ang mga taong nasa paligid natin.

Amethyst's P.o.v

DAMN! Walanghiyang unggoy iyon! How dare he to send me off to this hella cheap place! The place is so dirty and mosquitos are seen flying all over here! What a crap!

Sinipa ko ang sasakyan na nasa harapan ko. Nakasandal ako sa car ko and that means, I kicked a stranger's car. Well, I don't effin care.

May crowd rin na nakatingin sa akin. They look like cheap pathetic fans that want my autograph. I want to kick their asses off because I'm so pissed off! And I don't hella care about my reputation now.

Sino naman kasi ang makakakita ng mga sosyalin like me in this place? Nandito lang naman kasi ako sa side ng isang small eatery. Made by wood ang small eatery at walang kahit anong cement. Even the floor is made of kawayan at hindi sementado ang kinatatayuan ko ngayon.

Is this what they call carinderia? First time ko eh. Hindi kasi ako kumakain sa places like this. Parati akong sa mga high class restaurant. Yung may aircon at pangsosyalin talaga. Nakita ko kasi sa internet na kung sa tabi-tabi ka kumain, maaring panggalingan ito ng germs.

And ang turo ni mom is stay away from dirty things or places. Baka daw magkaroon kami ng mga diseases or virus and so on and so forth.

Aalis na sana ako pero lumabas ang may-ari ng sasakyan. Tama nga ang sinabi nila na ang cheap na bagay ay ginawa para sa cheap na tao. I bet na sa sobrang pangit ng mukha ng lalaking ito, pinili nalang niya na magsumbrero at magshades.

Secrets Of A StarWhere stories live. Discover now