The DOLLICE As Racer

168 24 0
                                    

CHAPTER FIVE

THE DOLL ICE AS RACER

HER POV

            Andito na kami sa Racing Arena kung saan ang lawak ng lupaing aming pagkakarerahan mamaya. Napatingin ako sa aking relo at malapit ng mag-alas dyes ng gabi. Akala ko ba alas nuebe ang oras ng karera pero bakit isang oras na kaming naghihintay. Ang tatlong bruha ay nasa may bleachers sa gilid ng field katabi ng starting line na pasimpleng nakaupo habang nakatingin sa akin. Nasa labas ako ng kulay itim na sasakyang aking gagamitin, Lamborghini Aventador. Samantalang yung dalawang opponent ko ay nasa loob lang ng kani-kanilang sasakyan at kahina-hinala dahil hindi pa naman nagsisimula ang race at hindi ko pa nakikita ang mga kalaban ko.

Ang ibang estudyante ng school ay nasa itaas at panay ang cheer. Ang drag racing ay para lang sa mga taong nagrerebelde sa lipunan. Sugal ang pangunahing kalakal sa industriya ng karera. Hindi ito birong laro na pwedeng babastahin lang dahil buhay ang nakataya maliban sa pera. Pwedeng kapalit nito ang iyong kalayaan, ang iyong dignidad, at pwedeng pwede rin na ang hinging kapalit ay ang pakikipagtalik sa hindi kakilala. Pero wais akong racer, iniestimate ko ang lahat ng mga pangyayari. Hindi ako papatalo dahil alam ko kung saan ako magaling. Pagkakarera ay naging buhay ko na. Limang taon ko ng ginagawa ito nung niregaluhan ako ni Mom ng sasakyan. Hindi ko lubos maisip na may talento pala ako sa larangang ito. Nabalitaan kong si Dad ay racer pala noong kabataan niya. Ibig sabihin, sa kanya ko namana ang biyayang talento na ipinagkaloob sa akin. Sinusuportahan naman ako ng aking mga magulang at mas ginalingan ko pa dahil alam kong naniniwala sila sa akin. But they didn't know I was playing differently dahil illegal ang drag racing. Ayoko kasing sumali sa National Racing Tournament sa bansa dahil pang-beginners lang ang tournament na yun. Nawala ako sa aking mga pinagiisip nang mapansin kong parang may nakatingin sa akin.  Inilibot ko ang aking mga mata at napansin ko ang apat na lalaki. Sinuri ko kung sino sila, at nakita kong sa akin nakatingin ang isa sa kanila, si Kapre. How the hell he's here? Parang na-pressure naman ako nang makita ko siya rito. Nakalimutan kong racer din pala ang Kapre. Napataas ang kilay ko nang mapansin kong mas lumawak ang kanyang mga ngiti. At iniwas ko ang aking tingin nang mapansin kong mas lumawak ang mga ngiti niya. Napansin kong paakyat ang referee sa itaas na may dalang baril at yung babaeng nakabikini lang na may dalang dalawang racing flag ay pumunta sa gitna ng starting line. Naghiyawan ang mga lalaki at ang tatlong bruha ay nagsisigaw. Tiningnan ko sila pero iba yata ang tinitingnan nila. Sinundan ko ng tingin kung saan nakatutok ang kanilang mga mata, halos maging hugis puso na ang mga ito. Nakita kong sa referee pala sila nakatingin. Napapailing nalang ako nang makita kong si Alex Petifer lang pala, the hollywood actor. Alex was my racing partner in Canada. We never had the chance to have a game dahil hindi kami nagaabot sa World Racing Arena. He's been so good to me noong time na nagkita kami sa Arena. He asked me few questions about racing kaya sinagot ko ang mga tanong niya hangga't napapadalas kaming lumalabas. Hindi iyon alam nina Travis at Xyril pero ang alam lang nila ay naguusap lang kami about racing. Namiss ko din ang kakulitan ng lalaking 'yon. People don't know despite his image, malalang childish ang lalaking 'yan. He really was a lovely guy. Ang ganda nga din ng girlfriend niya. Yes, he had his girlfriend. A non-showbiz girlfriend, and an ideal one. Silang dalawa ay ideal couple that comes into reality. Minsan ikinikwento niya sa akin ang tungkol sa kanila. Inlove na inlove ang kumag na yan sa babaeng si Ashley. Napansin kong naglibot siya ng tingin at mas lalong naging wild ang mga babae around the arena. At alam na alam talaga niya kung saan titingin saka nagtama ang aming mga mata. Kumaway ako sa kanya at gayun din siya habang nakangiti sa akin. Bumaba siya at inilapag ang baril sa gilid saka tumakbo papalapit sa akin. He pulls me closer into a hug.

He Got Me (Got Me Series)Where stories live. Discover now