Meet His Frienemy

254 31 0
                                    

CHAPTER THREE

MEET HIS FRIENEMY

Her POV

            Pababa ako ng sasakyan ni Kuya at kiniss niya ang cheek ko.

            "Bye Baby girl. Love you!" Pangungutyang sabi ni kuya saka siya pumasok sa loob ng sasakyan at umalis na.

            "Ang sweet at ang cute nilang couple. Kakainggit"

            "Siya pala yung tumatawag sa kanyang baby girl."

            "Ang gwapo nung guy."

            Mga bulung-bulungan nung mga kaklase ko. Pumasok na ako sa loob at nakasunod parin yung mga pesteng kaklase ko. Ano sila stalker ko? Di ko nalang sila pinansin. Diretso lang ang tingin ko kasi ayaw kung tumungo. Nagulat nalang ako nang matumba ako at napapikit ako habang hinihintay na tumama ang katawan ko sa sahig. Pero iba ang nararamdaman ko, may nakapulupot sakin na mga braso around my waist at dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang piercing hazel brown eyes ng isang lalaki. Para bang pati ang kaluluwa ko eh nakikita niya. It gives me creep at para bang tumindig ang balahibo ko sa tingin niya. Mga ilang minuto pa ang dumaan kasi tinatry ko pang iabsorb ang mga pangyayari nang marinig ko siyang nagchuckle dahilan para maramdaman ko ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib kasi yung kamay ko nasa chest niya. Saka ko lang napansin na ang kamay niya ay still naka-wrap parin around my waist and I find it awkward. The hell! Ang sagwa ng posisyon namin! Kill me now! Dali-dali akong tumayo at saka pinagpag ang aking uniform dahil baka nadumihan pa ang mga kamay ko. Masyado ata siyang sinuswerte. Kainis! At tinawanan pa ako ng hinayupak! T*angna naman! Ba't ba palagi nalang ako yung naiinis, diba dapat ako yung nangiinis! Tsaka ko siya tinadyakan sa may gilid ng sikmura niya and he groans from pain. Buti nga sa'yo!

            Narinig ko ang mga tao sa paligid na napa-gasp at nagbubulung-bulungan.

            "How dare she do that to him!"

            "Kebago-bago lang kala mo kung sino."

            "Feeling Jan-di ang peg niya?"

            I turn my gaze glaring at them saka sila nag-iwas ng tingin. Napataas naman ang kilay ko dun. Ano bang gusto nilang iparating? Gusto ba nilang makakita ng totoong gulo on live? I could honor them with it right here right now! Napansin kong tumayo na siya sa pagkakahiga habang nakangiting wagas! Ano ba ang ibig sabihin ng mga ngiting yan dahilan para mapataas ang kilay ko sa kanya. Nang bigla siyang maglahad ng kamay at napatingin ako sa iniabot niya for a shakehand pabalik sa kanya. Pero binungaran niya lang ako ng ngiti.

            "Steve Liam Santiago'' Pagpapakilala niya. . "Sorry kasi ang bilis ng takbo ko at bigla ka nalang sumulpot sa intersection na 'to. Di ko talag--'' Pagpapaliwanag niya, kaya lang bigla siyang natigil ng tumalikod na ako sa kanya. He's not worth of my precious time. At least nagsorry siya kundi baka inambagan ko na siya ng malutong na suntok sa mukha. At nagsimula na akong maglakad nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa braso dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Tiningnan ko siya with my cold gaze at sa isipan ko'y gulong-gulo na ako kasi naman bakit ganun ang reaksyon niya. Sa lahat ng mga taong tinitingnan ko nang mapanuring titig. Bakit di siya naaapektuhan? Parang ginusto pa niyang magtitigan kaya ako na ang umiwas ng tingin saka ko tinabing ang kamay niya sa kamay ko.

He Got Me (Got Me Series)Where stories live. Discover now