Family Day

143 24 0
                                    

CHAPTER SEVEN

FAMILY DAY

HER POV

Nakalipas ang isang buwan after our picnic ni Liam sa rooftop at palagi na siyang nakikisabay sa amin nila Charles. Sina Blake naman at Xyril ay nagenroll sa school namin para daw mabantayan kami nila Blake. Samantalang si Travis ay bumalik na sa Canada as he must be back to his real world, being the CEO of their companies from around the world. At ang cold ni Jace sa akin, he's been acting weird. 'Yun bang kahit tingnan niya ako ay hindi niya ginawa. I admit may kasalanan ako sa kanya at hindi pa ako nakakapagsorry of accusing him 'manyak'. Pero totoo naman 'yun dahil sa attempt na ginawa niya. Papahiran niya ang aking palda sa bandang gitna? What the hell? Kahit naman siguro sino, ganoon din ang iisipin. Mas naging clingy si Blake sa akin nang malaman niya ang tungkol kay Liam. And Liam has been so determined to court me officially. Hinayaan ko nalang dahil nakailang taboy na ako pero para siyang niche na dumidikit pa rin sa akin. Thankful ako sa kanya dahil kompleto na ang aking coin collections at nasabi ko kina Mom and Dad na magpapatayo ako ng Mini-museum. And they agreed with it dahil alam nilang kahit nung nasa Canada pa ako ay addiction or hobby ko na ang pagcocollect ng coins. And my parents told me that the grand opening of the museum will be next week, specifically on weekend. Nawala ako sa mga pinag-iisip ko nang may marinig akong busina galing sa labas. Kumunot ang noo ko dahil kakaalis lang nila Mom and Dad at pati na rin si Kuya Xander to office for business matters. Napatayo ako sa aking kinauupuan at pumunta sa bintana para silipin ang tao sa labas. Ako lang at ang mga maids ang tao sa bahay. Nakita ko ang blue colored Ducatti Veyron sa tapat ng aming gate. Sinuri ko ang sasakyan kung sino ang may-ari. Pero buhol na buhol ang utak ko kakaisip dahil Lamborghini lang naman ang mga sasakyan ng mga bruha kaya imposibleng isa sa kanila ang may-ari. Nawala ako sa aking mga pinag-iisip nang makarinig ako ng malakas na busina ng sasakyan. Nakita ko mula sa bintana ng bahay ang inis na lumabas ng guard house si Mang Karding at marahas na kumatok sa may bintana ng sasakyan. Pinagbuksan siya ng may-ari at napansin ko ang isang batang babae at isang lalaki kaya mas lalong kumunot ang noo ko para magisip kung sino sila. Kaya tumalikod na ako sa may bintana at naglakad papuntang front door. Lumabas ako ng bahay at tinahak ang daan papuntang gate. Nakatungo parin ako busy with my thoughts thinking who were the visitors. Nang marating ko na ang gate, tumunghay ako para tingnan kung sino sila at nanlaki ang aking mga mata sa aking mga nakita. How the hell Kapre and Ainsley here? Anong ginagawa nila rito? At paano nalaman ni Kapre ang address ng bahay namin? Mga katanungan sa aking isipan na pilit kong hinahanapan ng sagot.

"Mama." Sigaw ni Ainsley habang nakadungaw sa may bintana ng sasakyan at kumakaway sa akin habang nakangiti. Binuksan ni Ainsley ang door ng sasakyan sa may passenger's side at lumabas ng sasakyan at humarurot ng takbo sa direksyon ko. Niyakap niya ang mga binti ko. I was wearing a black colored  short shorts and comfy navy blue colored long sleeves na blouse at naka-flipflops lang ang suot kong pang-paa. She was wearing a navy blue cute dress na lalong nagpa-ganda sa bata."Mama, miss ko na kayo ni Papa." Masayang sabi ni Ainsley habang nakangiti sa akin. Lumuhod ako para magkapantay kami at sinuklian ko ng ngiti ang mga nakakahawa niyang ngiti. Pinisil ko ang kanyang ilong.

He Got Me (Got Me Series)Where stories live. Discover now