Chapter 54: Sopas

31.9K 1.3K 590
                                    

CHAPTER FIFTY-FOUR

_

SOUTHERN BENEDICTO

Monday Morning.

Nakakapanibago.

Parang may kulang.

I took a sip on my coffee as I watch the Crane brothers drink their milk too. We're in the kitchen, all gathered at the dining table as we ate our breakfast. Tahimik ang lahat. Tanging kalansing lang ng mga kubyertos ang gumagawa ng ingay.

"Baka gusto niyo pa ng tuyo? May anim pa dito tig-isa kayo." Someone broke the silence.

Luzviminda (yes, ang lintek naming taga-luto noon ay nagbalik na) put the plate with Tuyo in front of us. Napalunok kaming lahat ng makita na sunod pa ito. What the hell? Papakainin ba kami nito ng sunog na pagkain?

"Wala bang Spanish Sausage?" nakangusong tanong ni Psalm.

"Wala. Kung ano ang nakahain, iyon ang kainin. 'Wag ng maghanap ng iba" sagot nito rito at tinalikuran na kami. Bumalik muli siya sa kusina.

Ngumuso ang mga Crane at napipilitang kumuha ng Tuyo at kinain ito. Bakas sa mukha nila ang pagka-disgusto sa kinain pero wala silang magawa kundi kainin ang nakahain.

"Miss ko ng kumain ng Chinese Fried Chicken," malungkot na sabi ni Noah at kinagat ang buntot ng tuyo.

"Miss ko na ang Italian noodles with chicken," Kinagat ni Peter ang ulo ng tuyo.

"Miss ko na ang French Bacon and Japanese Chicken nuggets," sinubo naman ni Psalm ng buo ang tuyo.

"Nakaka-miss ang mga luto ni Ate North," binali ni Isaiah ang tuyo at kinain ang kalahati nito.

Aaminin ko nami-miss ko rin ng konti ang mga luto ng impaktang 'yon. She's no longer here. Bumalik na siya sa Mansyon. At ang gaga ay hindi man lang nagpaalam na aalis na, nagulat nalang kami pag-gising namin kina-umagahan ay wala na ito. Binigyan na lang niya kami ng sulat na nagsasabing umalis na siya at mag-iingat kami.

Tito Jackal goes with her. Sabay silang bumalik ng Mansyon kaya wala narin dito si Tito.

"One is enough for you, Psalm. That's for Witch!" Bulyaw ni Genesis sa kapatid.

Ngumuso si Psalm at naiiyak na tumingin sa akin. Tumango ako dito.

"Go, get it." Mabilis niyang dinampot ang tuyo at binelatan pa si Genesis na masama ang tingin sakanya.

"What the hell? What would you gonna eat now?" naiiritang tanong ni Genesis. Masama rin ang tingin nito sakin dahil sa ginawa kong pagpayag na kunin ni Psalm ang pagkain ko.

"'Wag mo akong problemahin. Kumain ka nalang. I'm fine with my coffee and bread."

Wala talaga akong ganang kumain ngayon. Magmula ng makitang wala na si North at si Luzviminda na ang naghahanda ng pagkain ay bumagsak ang energy ko.

Nakakapanibago talaga na wala na ang impaktang 'yon dito sa bahay. Kahit papaano kasi ay nasanay na kami sa presensya niya. Nasanay kami sa kaingayan niya. Nasanay ako sa pagiging Impakta niya.

"South, hindi mo pa nakakain ang tinapay mo?" tanong ni Isaiah.

Napatitig ako sa pandesal na nasa plato ko. Wala kasi talaga akong gana kaya pati nag-iisang tinapay ay hindi ko maubos-ubos.

"Busog na ako," anunsyo ko bago tumayo. Akmang aalis na sana ngunit nagsalita si Genesis.

"You did not eat any. How come you're full?"

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon