Chapter 48: The root of hatred

32.8K 1.6K 913
                                    

CHAPTER FORTY-EIGHT

_

PSALM CRANE

Nanginginig na magkayakap kami ni Peter, parehong hindi makatingin kay Genesis na may matalim na tingin sa amin.

"S-sorry na, Kaps. Bawi nalang tayo next time," nauutal na sabi ni Peter.

Nang i-angat ko ang tingin kay Kaps ay mas lalo lang nagdilim ang mukha niya, nagtatagis ang bagang nito at nakakuyom ang mga kamao.

"There's no more next time, fucker!" asik niya kaya mas lalo kaming napasiksik sa isa't isa ni Peter.

Galit na galit talaga siya ngayon, para siyang halimaw na kakainin kaming buhay. Waaah! Ayoko pang mamatay!

T_____T

"Junakis the third, calm down," pagpapa-amo ni Dada sakanya habang hinahaplos ang likod ni Genesis.

"How can I calm down, Dada? We lose the game! I fucking lose! Dammit! We supposed to win but what happened? These fuckers are fucking idiots!" Sinipa ni Genesis ang upuan na plastic kaya tumalsik ito sa pader at agad na nasira.

Napatalon kami ni Peter sa gulat. Parehas kaming nangangatog pero ang mga luha ko, malapit nang pumatak. Naiiyak ako sa takot, pagsisisi at lungkot. Takot dahil galit si Genesis, pagsisisi dahil naipatalo namin ang Basketball game at lungkot dahil kasalanan namin kung bakit nangyari iyon.

Paano kami babawi kay Genesis ngayon? Sana mapatawad niya kami.

"Hindi naman n-namin sinasadyang matalo, Kaps. Sana kasi Jackstone nalang ang sinalihan natin para manalo tayo," humikbi ako. Pinunasan ko rin agad ang tumulong luha sa pisngi ko.

Kung bakit ba naman kasi Basketball ang nilaro namin, pwede namang Jackstone nalang o 'di kaya Patintero, pwede ring Chinese garter o tagu-taguan. Sa dami ng sport sa basketball pa.

"I'm sorry, Kaps! Waaah! H'wag ka nang magalit!" iyak ni Peter.

"Aww, mga Junakis. Don't cry, don't cry!" nagpa-panic na niyakap kami ni Dada.

"H-hindi namin sinasadyang matalo, Da-da!"

Hindi alam ni Dada ang gagawin sa amin. Pinunasan niya ang mga luha namin ni Peter habang hinahalik-halikan ang mukha namin.

"Tahan na, gusto niyo ba ng Ice Cream? Bibilhan kayo ni Dada ng Ice Cream basta don't cry na, ha?" malambing na sabi niya kaya tumango kami, umiiyak pa rin.

Tumulo ang sipon ko kaya agad sinalo iyon ni Dada at binalik sa ilong ko.

Tumingin ako kay Genesis na madilim pa rin ang mukha at hindi makatingin sa amin. Galit pa rin siya.

Sorry, Kaps.

"Galit si Genesis, Dada. Ayoko siya magalit," niyakap ko si Dada.

"Bawal magalit sa kapatid 'di ba? Bakit galit pa rin si Genesis, Dada?" tanong naman ni Peter.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon