Chapter 21: Doom

42.3K 2K 555
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

_

"Noah! 'Wag kang maingay baka makita niya tayo!"

"Hindi ako maingay. Itong si Psalm kasi ang baho ng bibig."

"Tangina mo, Noah! Mas mabaho naman ang bibig ni Peter kesa sa akin."

"Nadamay pa ako."

Mga tokmol talaga. Nagtatago pa sila eh kitang kita naman ang mga ulo nilang may iba't ibang kulay ng buhok. Para talaga silang mga sisiw. Mga sisiw na kulang sa buwan noong napisa.

"Dali na Isaiah! Ikaw ang lumapit kay Timog!"

"Bakit ako? Nahihiya ako, eh. Si Genesis nalang makapal ang mukha niyan."

"Fuck you, Isaiah."

Nasa kusina ako at abala sa pagti-timpla ng gatas at ang mga Crane na walang matinong utak ay parang tangang sumisilip sa gilid ng pader. Hindi ko alam kung anong ka-abnoyan na naman ang tumatakbo sa kakarampot nilang utak. Matapos ang 'performace' nila ay para na silang mga stalker na nakasunod lang sa akin.

Mabilis kong ininom ang tinimpla ko at nang matapos ay agad na nilagay sa sink ng lababo ang baso at hinugasan. I turned my heel after washing but I bump into something—someone rather. At ang tokmol number three na si Genesis ang nabangga ko.

Nilingon at tinignan niya ng masama ang mga kapatid na mabilis kumaripas nang takbo palayo. He muttered something under his breath before looking back at me.

I gave him a flat look.

"Bakit ka ba paharang-harang sa daanan?"

Tumalim ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Siya na nga itong paharang-harang ako pa ang masama? Ibang klase.

"I'm not. Those fuckers pushed me to you!" rason niya at pinakitaan pa ng middle finger ang mga kapatid niya na sumisilip na naman sa pader.

I shook my head, this man is a Saint. Please note the sarcasm.

"Tss, tabi nga! Matutulog na ako!" Tinulak ko siya pero nanigas ako nang mahawakan ko ang matigas niyang abs. Naka-topless lang ito kaya tila nagliwanag ang mga palad ko na nasa katawan niya.

My face heated like a hot oven and my lips ran dry. Mabilis kong binaba ang kamay na mukhang nadikit na sa katawan niya. Damn this tokmol. Ang yummy ata ng abs ni Genesis—pinilig ko ang ulo ko. Ano ba itong iniisip ko? This is virus!

"T-t-tabi ka kasi." My tongue convulsed.

Tumabi ito kaya kumaripas ako nang takbo paakyat sa kwarto ko. Pagkasaran ko ng pinto ay agad kong sinapo ang mainit na mukha. Fuck, Southern! Lumilihis iyang utak mo!

Kinalma ko muna ang sarili bago nagbihis ng pantulog at nahiga sa kama, pero ang utak ko ay naglalakbay pa rin sa abs ni Genesis. That shinning shimmering tight abs is a crime. It's illegal. Nakatulog ako na abs ni Genesis ang huling natatandaan.

Kinabukasan ay nagising ako dahil nakaramdam ako nang panga-ngawit sa braso ko. Glancing at my side, I came face to face with a sleeping Isaiah. Madalas siyang nakikitulog dito nitong mga nakaraang araw. Hinahayaan ko na lang siya, as long as he won't do something funny.

Nag-ayos ako ng sarili, nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto. Pagkarating ko sa kusina ay nadatnan ko ang taga-luto namin na nagluluto ng agahan.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nito. She swings her head around and eyes me from head to toe. She's a stout middle-aged woman in her pink apron and ponytail.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon