Chapter 36: R.I.P Dora

38.8K 1.9K 1.2K
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX

_

PSALM VERSE CRANE

"Psalm may surpresa ako sa'yo!" masayang sabi ni South. Nawala rin ang mga mata niya dahil sa sobrang laki ng ngiti niya sa akin.

*____*

"Wow! Talaga? Ano 'yun?"

"Ihhh hulaan mo muna!" sabi niya.

"Hmm...tao ba 'yan?"

"Hindi."

"Bagay?"

"Hindi rin."

"Hmm...hayop? Si Peter ba 'yan?"

"Hindi."

Mali? Napahawak ako sa isip ko at saka nag-isip.

Waaah! Alam ko na!

"Pagkain?"

May pasalubong sa akin si South na pagkain!

"Oo!" sabi niya at mula sa likod niya ay may nilabas siyang isang plato ng brown na spaghetti. "Charaaaan! Brown Spaghetti!"

"Spaghetti~" Naiiyak ako sa tuwa. Sa wakas, makaka-kain na rin ako ng Spaghetti!

"Nagustuhan mo ba, Psalm?" masayang tanong niya.

Nagpunas ako ng luha at sunod-sunod na tumango. "Oo. Waaah! Thank you, South!"

"Tss, 'wag ka ngang umiyak na tokmol ka. O siya, kainin mo na 'yan!"

"Thank you talaga, South, huhuhu!"

"Welcome. I love you."

"I love you too, South ko."

Lumapit ako sakanya at pinahaba ang nguso ko. Ganun din ang ginawa niya. Papalapit kami ng papalapit sa isa't isa. Hanggang sa kunting agwat nalang ay maghahalikan na kami pero biglang—

"Ouch!"

Nahulog ako sa kama. Sobrang sakit ng pwet ko dahil tumama ito sa semento. Waaah!

"G-Genesis? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" tanong ko habang kinusot kusot ko ang mga mata. Bumangon ako mula sa pagkaka-hulog sa kama at nakanguso siyang tinignan.

"Are you just dreaming about, Witch?" seryoso nitong tanong, hindi pinansin ang tanong ko.

Dreaming? Eh, panaginip lang pala na sinurprise ako ni South. Tapos maghahalikan na sana kami eh.

Sayang 'yung kiss.

*pout*

Bwisit kasing Genesis na 'to, istorbo sa tulog!

"Tss, never mind. Anyways, do have an unused towel here? May I have it?" aniya at nilibot ang paningin sa buong kwarto ko.

"Meron akong hindi ginagamit na baby towel diyan. Pero ayokong ipagamit dahil Dora design 'yun," sabi ko.

Marami kasi akong towel diyan na tinatago. Nanghihinayang akong gamitin dahil may design iyon na Dora at Boots.

Pero ganoon nalang ang gulat ko nang bigla niya akong higitin sa kwelyo. Masama ang tingin niya sa akin at kulang na lang ay mapatay na niya ako.

"G-genesis, huhuhu b-bakit?" kinakabahan kong tanong.

"Give me the damn towel or else I'll break your face!" seryoso nitong banta kaya napalunok ako.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon