● Wakas

374 9 0
                                    

"Alam mo na pala ang lahat mahal kong anak?" Nakita ko nalang si Dens. na sinasakal ng aking ama.... ang Ekimmu

"Hinding hindi ka magtatagumpay Ekimmu!" dahil sa sinabi ni Dens. mas lalong hinigpitan ni Ekimmu ang kanyang pagkakahawak sa leeg nito . Hindi ko alam kung bakit nabato ako mula sa pwesto ko. Hindi ako makagalaw.

"Bi...bitawan mo siya... ama..." Agad naman niyang binitawan si Dens. Napahawak nalang din sa leeg si Dens.

"Ang sarap marinig ang salitang ama." Papalapipt sakin si Ekimmu. Katulad kanina , wala din akong magawa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin ngayon. Napapaisip din ako ngayon kung pano niya nalaman ang lahat ng ito.

Biglang may mabilis na hangin na dumala sakin. Pag tingin ko si ate Helen. Nagsimula na ang kinakatakutan kong gera. Sa pakitan ng tatlong anghel , nina Dens , at ng mga ate ko sa mga kampun ng ama ko...namin.

Ang mapulang paligid ay naging madilim. Nasa itaas ang maiitim na ulap na sinasabayan pa ng kidlat at kulog. Nagkaron  ng usok sa aming tinatapakan. Pero kahit madilim , kitang kita mo parin ang mga tumatagas na dugo mula sa katawan nila.

Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko. Hindi naman pwedeng panuodin ko lang sila na naglalaban at maghihintay nalang yung sinong mananalo.

"Halika!" biglang sumulpot si ate Samantha sa tabi ko. Maingat kaming naglakad sa isang malaking bato at dun nagtago.

"Siguro nasabi na sayo ni Dens ang dahilan kung bakit ayaw ka naming palapitin kay Alesana?" Tumungo tungo nalang ako. Kumirot nanaman ang puso ko. Sa tuwing maaalala ko na ganun lang ang dahilan ni Alesana naiinis ako . Pero sympre , nangingibabaw yung sakit na nararamdaman ko.

"Bam , kahit anong gawin mo , wag na wag kang magpapakagat sa isang pure blooded vampire . Si Ekimmu , at si Alesana . Tandaan mo yan!" Tatandaan ko . maikling tugon ko kay ate Samantha. Hindi pa siya umalis. Wari'y binabantayan niya ako. Biglang may pumasok na tanong sa isip ko.

"Ate Samantha? May kakayahan din ba akong makipaglaban? Katulad niyo? Di ba magkakapatid tayo?" Bigla namang nalungkot si ate Samantha sa tanong ko. Maya't maya ay nakasagot nadin siya

"Oo Bam , mas malakas at mas makapangyarihan ka kung ikokompara samin. Tatlong beses din na mas may kakayahan ka keysa sa ating ama pero..." Nagulat nalang ako ng may biglang humila sa buhok ni ate Samantha. Nakita ko nalang na hinihila na ito ni Norman.

Gustuhin ko man lumaban , Gustuhin ko mang ipagtanggol ang mga ate. Hindi ko naman alam kung sa anong paraan. Nakatitig lang ako kila Norman at ate Samantha na naglalaban. Lalapit na sana ako ng biglang may humawak sa kaliwang braso ko.

"Hindi ka na ligtas dito. " pag tingin ko . Si Lorenz , may dugo ng tumutulo mula sa leeg niya. Papikit pikit nadin siya. Siguro'y nasasaktan na talaga siya mula sa kagat na yun.

Sumilip ako sa bato . Walang tumitigil sa kanila sa pakikipaglaban. Lalong lalo na ang siyam kong ate. Kung sana , buhay pa ang mama namin maaaring manalo kami sa labanan na to. Sasama na sana ako kay Lorenz ng biglang.

"San kayo pupunta? Di pa tapos ang laro." ni Kris. Meron siyang mapupulang mata at mahahabang pangil. Napailing nalang ako. Pilit kong binabalik ang dating imahe ni Kris. Yung hindi ganyan Yung Kris na mabait at maaasahan.

Hinila ni Kris si Lorenz at walang awang pinagsusuntok at binalian ng leeg hudyat na mawawala na talaga si Lorenz. . Ayaw kong may namamatay para lang isalba ang buhay ko. Dahil alam ko naman sa sarili ko na walang silbi ang ginagawa nila dahil dadating ang oras na ako na mismo ang wawasak ang mundong kinakagalawan nila. At mas ikinalulungkot ko pa eh Madadamay ang mga taong inosente na walang kinalaman sa labanan ng mga demonyo at anghel.

The Next Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon