● Vampire 6

330 5 0
                                    

"Mabutit nagising ka na.." Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung nasan ako basta ang alam ko kasama ko si Dens. ngayon.

"Nasan tayo?" tinignan ko ang paligid. Sobrang liwanag. Sobrang puti ng paligid. Wala akong makitang di kulay dito. Tanging mga damit ko lang ang may kulay.. Si Dens. naman sa halip na sagutin ako ay inalayasan ako. Sinundan ko lang siya. Hindi ako nagsasalita. Para kaming naglalakad sa isang bahay.

Magara ang mga ito. Pero walang ginto o kahit anong bato.. Mahahalata mo lang malinis ito at eligante dahil sa mga desenyo at textura ng mga gamit dito. Ano ng gagawin natin? narinig naming boses mula sa malayo. Hinigit ko si Dens. para makapag tago pero hindi niya ako pinakinggan. Pumasok siya sa isang pinto kaya sinundan ko.

"Masyado ng makapangyarihan ang Ekimmu na yan! Kailangan na nating kumilos!" wika ng isang lalaki na may balbas na puti. Sobrang lago nito at kulay blode pa. Namangha tuloy ako.

"Nung 4,000 BC , Natakot ang mga anghel ng Diyos na baka masakop ng mga demonyo katulad ng mga bampira at lobo ang mundo. Kaya nagplano sila na kalabanin ito. Hindi lang yun." biglang nagbago ang paligid at napunta sa isang lugar na napapaligiran ng apoy. Siguro ito na ang impyerno.

"Anong ginagawa niyo dito?! Mga alagad ng Diyos! Hindi niyo ba alam na nasa teretoryo namin kayo?!"  Merong labing isang lalaking nakatayo sa harap ng tatlong angel. Di hamak na pag nag laban sila talo talaga ang mga ito dahil sobrang dami nila at muka pang malalakas.

"Hindi kami pumunta dito para sa gulo. Alam kong ganun rin kayo. Ayaw niyo na ng gulo at gera hindi ba?" biglang may lumapit sa mga Anghel. Siguro ito ang pinuno ng natitirang sampu na lalaki.

"Ako si Daniel, Hari ng kampung ito. Ano bang maitutulong namin?" wika nito.

"Siya ang ama ko Bam." napatingin naman ako sa kanya.

"Ano bang nangyayari?" nginitian niya lang ako .

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Daniel?! Mga kalaban natin sila! Misyon nila ang pahirapan ang ating mga kalahi!" sumbat naman ng isa sa sampung lalaki

"Armand! Hindi gulo ang ipinunta namin!" Okay. Parang may nakuha na ako. Bagong scenario nanaman ang aming nadatnan. Katulad kanina. Naglalakad nanaman kami ni Dens. Siya ang nasa unahan at ako namang to nasa likod na nag iintay ng eksplenasyon.

"Ang ama ko na si Daniel ang namumuno sa kampung iyon. Ngunit ng kumontra sina Armand na ama ni Dem , Nahati ang kampu. Nagkaron ng tig-iisang anak ang buong kampu . Ang anak ni Grego na si Kris , ang anak ni Rene na si Vic , ang anak ni Felix na si Norman , ang anak ni Apollo na si John ,at si Dem , anak ni Armand. Sila ang mga kumontra sa ama ko." naliwanagan naman ako sa paliwanag na iyon.

"Mahal ko, ang anak natin na lalaki ang itinakdang maging hari ng sanlibutan! Hindi niya ibabaon sa hukay ang ating lahi." Sumilip kami ni Dens. sa pinto at tinignan kung anong nangyayari sa loob. Nakita naman namin ang isang babaeng nakasuot ng kulay pula. at isang lalaki.... yung lalaking nakikita ko....

"Madami tayong anak , Siyam na babae! Bakit ba hindi mo man lang sila pansinin! At ngayon , bunso pa ang gusto mong mamuno?" sambit ng babae. Nagulat naman ako ng biglang humarap ang babae. May hawak itong sanggol. 

"Sino ang batang iyan?" sa halip na sumagot ay hindi niya ako pinansin. Naglakad papalayo ang babae sa lalaki. Wari'y mag-asawa sila. Sinundan lang namin ito ni Dens. Kabaligtaran ng langit ang pamamahay na ito.

"Helen , Cynthia , Elisa , Victoria , Marie , Kristina , Carmillia , Samantha , Era mga anak ko..." Nagulat ako ng biglang dumating ang siyam na babae. Ang mas ikinagulat ko eh kamukang kamuka ito ng mga ate ko at kapangalan pa... Nalilito na ako..

"Isama niyo si Bam sa mortal na mundo. Tumakas na kayo. Dali." agad namang kumilos ang siyam na babae . Wag mo ng ituloy ang plano mo mahal ko! Para walang masaktan! Agad na lumabas ng lugar ang babaeng iyon at katulad kanina ay sinundan namin ni Dens.

Nakita nalang namin sa labas ang isang gulo. Gera. Madaming demonyo. Iba ay mga bampira , at iba ay mga lobo. Naging madugo ang labanan. May agaw pansin naman sakin.

"Kung nagtatanong ka kung sino ang kasama ng aking ama . Ang lima niyang tapat na tauhan . Si Jose na ama ni Jack , si Heraldo na ama ni Marvin , si Lorenzo na ama ni Lorenz , si Marcelo na ama ni Rey , at si Henry na ama ni Kai." Tumungo tungo nalang ako. Medyo madami ng impormasyon ang pumapasok sa utak ko kaya medyo hindi ko nadin maintindihan pa.

"Hindi pa ba tayo aalis?" hanggang ngayon kasi ay pinapanuod lang namin ang gera.

"Hindi mo ba alam na ibinuwis ng ama ko ang buhay niiya para sayo?" sabay turo sa isang lalaking nasaksak sa gitna ng labanan.

"Hindi ko pa alam ang mga ito Dens. Kung ibinuwis man ng ama mo ang bu---" wala na akong nasabi pa ng sumingit si Dens.

"Sana maging maganda  ang kalabasan ng pagkamatay ng ama ko. Bam , mangako ka sakin." humarap na sa akin si Dens. at hinawakan ang balikat ko.

"Anong klaseng pangako.?" itinupi niya ang aking pulo. Tinignan niya ang aking braso. Nagulat nalang ako ng may nakita na akong isang buong marka . Katulad na katulad sa mga ate ko.

"Ikaw ang itinakda na maging hari ng mga bampira , ang misyon mo bilang isang hari ay wasakin ang sanlibutan , pamunuan ng kasamaan at higit sa lahat , magkalat ng kasamaan." umiling iling lang ako.

"Ang ibig mong sabihin mangako ako na wag ganun ang gawin ko?" tumungo tungo naman siya. Ngumiti nalang ako.

Nawalang muli ang paligid. Siguradong panibagong scenario nanaman ang makikita ko.

"Pinatay ni Ekimmu ang kanyang asawa at naghanap ng panibago. Kaya ka lang naman niya inilayo dahil ayaw ka niyang mamuno. Hangad niya kasi sa kanyang bunso ang normal na buhay. Kaya mas gusto ng asawa ni Ekimmu na isa sa siyam niyang mga anak na babae ang mamuno. Yun nga lang ayaw rin ng mga ito." Pinatay ang ina ko?

"Ng magkaron ito ng panibagong asawa....." napunta kami sa isang kwarto. Merong babaeng nakatalikod at naglalaro ng apoy. Nagulat nalang ako ng mapansin kung mayroong isang lalaking nakatayo sa gilid niya. Siya talaga ang lalaking lagi kong nakikita! ang Ekimmu!

"Anak , Gusto mo bang mamuno sa ating kaharian?" Gusto ko sanang lumapit at pagsabihan ang babaeng iyon na wag makinig sa Ekimmu na iyon kaso sinabi sakin ni Dens. Kahit anong gawin mo hindi nila tayo maririnig. Isa pa , manuod ka nalang. Meron pa akong surprisa sayo.

"Opo ama.." biglang lumingon ang babaeng iyon.....si Alesana... Napahawak ako sa dibdib ko. Parang nabasag sa maliliit na piraso ang puso ko. Ibig sabihin , ang pinapakita lang sakin ni Alesana ay isang pagpapanggap lang?

"Kung ganun " merong ibinigay na singsing si Ekimmu sa kanyang anak na si Alesana . Ang babaeng minahal ko ng buong puso.. 

"Ito , ibigay mo ang singsing na ito kay Bam." napatingin ako sa singsing na hawak ng Ekimmu . Katulad ito ng singsing na ibinigay sa akin nina Kris..

"Wag na wag mong isusuot ang singsing na iyon. Pag iyan ay tumagal sa kamay mo ng isang araw. Tuluyan ng mangyayari ang dapat mangyari." Inilagay ko sa aking likuran ang aking isang kamay. Sabay ngiti kay Dens.

Ano ng gagawin ko? Halos tumagal na ang singsing sa daliri ko ng mahigit isang araw. Pinilit kong tanggalin ang singsing sa daliri ko. Nagulat nalang ako ng nasa likod ko na si Dens.

Masyado na akong nadismaya sayo Bam... Bahala ka na sa magiging desisyon mo.

At biglang naglaho ang paligid. Saan na ako lulugar ?

The Next Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon