● Vampire 4

464 10 0
                                    

Natapos ang klase namin sa computer. Hanggang ngayon nag iisip parin ako kung ano ang ekimmu? naalala ko kasi yun. Yun kasi yung sinabi nung baabaeng sumagip sakin kaya medyo na cucurious ako .

"Bam? May sasabihin ka ba?" nagulat nalang ako ng biglang lumitaw sa gilid ko si  Alesana. Nandito kasi ako ngayon sa cafeteria wala pa  naman ang next subject teacher eh may klase na halos lahat ng kabarkada ko ako lang ang naiwan kaya nag iisa ako ngayon. Pinaupo ko muna si  Alesana sa tabi ko.

"Ahm... Sinong nagpapunta sayo dito?" tanong ko sa kanya.

"Sina Norman , sabi kasi nila kanina ka pa daw tulala kaya akala nila may dinadamdam ka o may problema tayong dalawa .. Sabi ko sa kanila wala naman tayong hindi pagkakaintindihan eh sadyang makulit silaa kaya pinuntahan na kita" tumungo tungo nalang ako

"Ahm.. ano kasi... Alesana... Sina... Ate..." napahawak ako nnng batok dahil sa sobrang hiya na nararamdaman ko lalo pat nakatitig sakin si Alesana

"anong meron sa mga ate mo?" Ng banggitin niya ang salitang ate eh nag iba ang expresyon ng mukha niya. Kung kanina ay nag aalala ngayon ay wala na akong makitang bakas ng kahit anong expresyon sa mukha niya. Napaka blangko.

"Gusto ka kasi nilang makilala... Actually , ako ang nagrequest.." Hinihintay ko ang reaksyon niya pero nakatitig lang ito sakin .

"Sa isang linggo. Pwede ka ba?" tanong ko sa kanya mabuti nalang at kahit papano eh kumibo na ang labi niiya at panandaliang nakangiti.

"May gagawin pa ako Bam. "

"Ahh.. Ganun ba?" medyo nakaka dismaya pala kahit papano? Ngayon niya lang ako tinanggihan. Napayuko nalang ako. ayaw kong makita niya ang naging reaksyon ko  sa sinabi niya,

"Pero dahil mahal kita , isasantabi ko muna yun. Anong oras ba?" napabalikwas ako ng tingin sa kanya. Ibang kasiyahan ang nadulot nito sakin. Pero kitang kita ko sa mata niya ang halo halong emosyon pero hindi ko maintindihan.

"siguro Alas sais ng hapon? Baka kasi hindi ka na payagan ng ama mo kapag inabot tayo ng masyadong gabi." napatayo naman siya.

"Matutuwa ang awa ko pag nakilala ka niya. Sunduin mo ako huh?" at binigyan niya ako ng ngiti .

"Sige. Salamat Alesana. " at ngumiti muli siya.  Pero ng tumalikod siya. Meron akong naramdaman na hindi maganda. Parang bigla nalang akong nakaramdam ng init .

**

Umuwi ako ng maaga tutal hindi na talaga sumipot yung teacher namin sa Physics . yun kasi ang last period namin sa tanghali . Eh pag ganitong sabado may pasok parin kami pero half day lang kaya free na ako mamaya.

Pero bago ako tuluyang umuwi pumunta muna ako sa klase nina ate Era at Victtoria. Nagpaalam muna ako na uuwi na ako mamaya pagalitan nanaman nila ako dahil mag iintay nanaman sila.

Pagkatapos nun ay sumakay na ako ng jeep. Excited naman akong pumasok ng gate namin. Pero dinahan hanan ko para masurprise si Ate Taeng na laging natutulog sa likod ng pinto. Sa sahig. Awan ko kay Ate kung bakit ganyan yan .

"hindi pwedeng makuha ni ama si Bam.." rinig na rinig ko sa labas ang sigawan na nanagaganap sa loob. Alam ko din na boses yun ni ate Cynthia

"alam ko..." boses yun ni ate Helen. Bakit malungkot? 

"alam mo naman pala eh! Bakit mo hinahayaang mas mapalapit ang mga alagad ni ekimmu?! Hindi mo ba alam na kamuntikan ng mamatay si Bam mabuti na lang at nasagip ni Carmillia?! " punong puno ng galit ang naririnig ko mula kay ate Cynthia. Hindi naman ako sanay dahil , sa totoong lang . Ito ang kauna unahang pgkakataon na nakinig ko silang magsigawan.

The Next Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon