Epilogue

6.3K 226 17
                                    

Dedicated to binatangermitanyo
**

THIRD PERSON's

Ngayon na ang huling araw nila, bago sila ilibing. Si Data at Tripp. Tahimik lamang na naka-upo ang magba-barkada at ang iilang staffs at studeyante ng Intrepide, habang naka-masid sa magka-tabing kabaong ng dalawang yumaong kaibigan.

Parang kailan lang noong pumasok si Data at binago sila. Tapos ngayon ay wala na siya. Wala na silang dalawa.

Pumunta ang isang pastor sa harapan, at sinimulan na ang misa. Tahimik namang umiiyak ang mga magulang ni Data at Tripp, pati na rin ang mga barkada nito, at iilang mga kakilala. Hindi nila ina-akalang mamamatay ang dalawa dahil alam nilang mala-lakas ang mga ito. Na mabubura sila agad sa mundong ibabaw sa murang edad, at madaling panahon. But as they said, hindi nila makaka-limutan si Data at Tripp, na naging bahagi na ng kanilang buhay.

"Ngayon, sa mga gustong mag-salita, para sa dalawang anghel na nasa harapan natin ngayon, tumungo lamang kayo rito sa gitna at kunin ang mikropono." Ini-lapag ng pastor ang mikropono sa harap.

Lumapit ang mommy ni Data, habang umiiyak at sumisinghot pa. Hindi rin napigilan ng ilan na maging emosyonal rin, kasali na ang iilang naging bully kay Data noong baguhan pa lamang siya.

"D-dati, bata ka pa lamang, Data. Ngayon, dalagang-dalaga ka na. Hindi mo man lang sinabing may napupusuan ka na pala." Tumawa ito ng pagak.

"Dati nga, gustong-gusto mong binibilhan ka namin ng Daddy mo nung asul na halimaw na may malaki at bulok na ngipin. Yung Stitch ba 'yon? Hindi ko pa nakaka-limutan, kada umaga, maaga kang gumigising para batiin kami ng Daddy mo ng good morning. Ang paborito mong pabango, pag-kain, damit, at iba pa. Hindi ko pa nakaka-limutan. Ang mga tawa mo, ang mga matatamis mong ngiti, ang mga kakornihan mo, ang presensya mo, alam mo ba? Nangungulila na ako sa mga 'yon." Suminghot muli si Misis Ferrer.

"At ngayon, kahit wala ka na, masaya ako. Masaya akong marami kang nailigtas mula sa Tito mong sakim. Masaya akong naging anak kita at nakasama kita, kahit sandali lamang. Masaya akong naranasan mong umibig, bago ka lumisan sa mundong ito. You will always remain in my heart, baby girl..." Ini-lapag nitong muli ang mikropono at mas lalong napa-hagulgol. Tumayo naman si Mister Ferrer at inalalayan ang asawa, at saka ito pinatahan.

Sunod namang lumapit ang ama ni Tripp. Namumula ang mga mata nito, na halatang kaka-galing lamang sa iyak. Kinuha nito ang mikropono atsaka ito ngumiti. "I'm so proud of my son, Tripp Axis. Lalaki ka na talaga." Tumawa ito, pati ang mga tao sa paligid. "Hindi ko inaakalang aatake kayo sa kalaban. Sana ipina-alam niyo man lang, but still, I'm so proud of you, and to your love of your life, Data. You two, with The Cards and your gang, save the whole world and the University, galing sa mga mad scientists na 'yon. Parang kailan lamang ay humihiyaw ka pa kapag nakaka-kita ka ng daga. Takot ka 'ron, diba?" Nag-tawanan naman silang lahat, pero hindi parin nila ma-pigilan ang pag-iyak, na sinabayan ng malakas na ulan, na para bang nakiki-sabay sa kanilang damdamin o nararamdaman.

"Sana, maging masaya kayo, kung nasaan man kayong dalawa. You may now rest in peace, son, and also Data." Ini-lapag nito ang hawak na mikropono.

Sunod namang tumayo ang buong Hell Gueriers, na talagang nag-agawan pa ng mikropono, pero si Xiela parin ang nag-wagi.

"Hello, everyone. I just want to say thank you to Tripp, especially to Data. Kung hindi dahil sa inyo, baka wala na rin kaming lahat ngayon. Sana, masaya na kayo sa lugar kung nasaan kayo ngayon. Sa inyong paraiso, kung saan, kayo lamang dalawa." Binigay nito kay Lorein ang mikropono, at katulad ng ina ni Data ay hindi rin nito napigilan ang emosyon.

Nag-punas muna ng luha at sipon si Lorein bago ngumiti. "Salamat, Data. Kung hindi dahil sayo, hindi kami mag-babago, lalo na si Tripp. Alam mo bang, simula noong dumating ka ay nag-iba na kami? I'm really thankful to be your friend, and to be part of your life. Thank you din sayo, Tripp. Kahit masungit ka, alam naming para sa ikaka-buti lamang naming gang mate's mo ang lahat ng gina-gawa mo. You never fail to impress us, kasi kahit mahirap kaming pasunurin, gora ka parin. So yeah, thank you to the both of you and rest in peace." Naka-ngiti nitong ibinigay kay Alexander ang mikropono, na naka-shades ngayon para hindi raw mahalatang umiyak ito. Lumapit si Lorein kay Xiela, at ngumiti.

"Hello, everyone. Gwapong Alexander in your area. Alam kong makulit at gwapo ako, kaya naman sorry, pareng at mareng, dahil sa kakulitan ko. Thank you rin, mareng at pareng, dahil kung hindi sa inyo, hindi ako si Alexander. Si Alexander na gwapo at matapang. I hope, masaya na kayong dalawa sa paraiso niyo. Rest in peace." Suminghot ito at tumingala para pigilan ang luha, at mabilis na ini-abot kay Eos ang mikropono.

"I have nothing to say, to be honest, kung hindi ay maraming thank you lang. Thank you dahil naging parte silang dalawa ng buhay ko. Thank you dahilnakilala at naging kaibigan ko sila. Thank you dahil kahit sa sandaling panahon, naka-ramdam ako ng pag-unawa ng isang kaibigan. I-- no. We. We will never forget the two of you. Maybe, wala na nga kayo sa mundong ibabaw, ngunit sa puso at isip namin ay mananatili kayong buhay. Mananatili ang presensya niyo. Rest in peace." Sambit ni Eos, saka ito bumalik sa kanyang upuan.

Naka-ngiti lamang ang dalawang taong naka-tanaw sa kanila ngayon, habang magka-hawak ang kanilang mga kamay. Nag-titigan silang dalawa at magka-sabay na tumango sa isa't isa. " Goodbye..." Sabay nilang sambit ng kanilang pagpapa-alam. Unti-unti silang nawala, kasabay ng pag-tigil ng ulan, at pag-daan ng malakas na hangin na yumakap sa lahat ng naroon.

Napunta sila sa isang lugar kung saan may isang malaking puno sa gitna at mga halaman sa paligid nito. Isang paraiso.

Nag-yakapan silang dilawa. Ini-lapit ni Tripp ang kanyang mukha kay Data at hinalikan ito. "Te amo, S'agapo, kimi o ai shiteru, Evyl Data Ferrer. My life, my world, my everything."

"Ik hou van jou, mahal kita... Tripp Axis Theor. My star, my moon, my sun, my galaxy. My everything."

May mga tao talagang nawawala at lumilisan sa mundo, oo, pero yun talaga, e. Hindi matatakot ang tao, kung walang kamatayan.

Oo, may nawawala nga. But they will always remain in our mind and heart.

Sa buhay, kailangang pahalagahan mo ang bagay-bagay at taong nasa paligid mo, dahil malay mo, isang araw ay bigla nalang siyang mawala, o bigla ka nalang mawala sa mundo.

At hindi lahat ng story, may happy ending, 'yan ang reyalidad. And always remember that the day of death is more precious than the day of birth. So love, as you can. Live your life, not any others life.

**

Intrepide UniversityUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum