Chapter 15

6.4K 263 4
                                    


**

DATA

Sumugod sa akin yung babaeng may dala-dalang baseball bat, at hahampasin na sana ako nito nang maka-ilag ako pero biglang may humalbot sa buhok ko. Yung babaeng kulay pink ang buhok.

"Now, you're dead." Ngumisi ito sa akin at saka sumenyas sa babaeng may dalang baril, kaya naman ay nanlaki ang mga mata ko.

Nung kinalabit niya na ang trigger nito, ay mabilis kong inikot ang kamay nung babae at nabaliktad ang posisyon namin. Sumama ang tingin nito sa babaeng babaril dapat sa akin, ng tamaan siya ng bala sa bandang balikat at mabilis na tumayo at sinaksak din sa balikat ang babae gamit ang knife nito.

"Now, we're quits." Tumingin ito bigla sa akin at sa mga kasama niya at ngumisi.

Pumalibot sila bigla sa akin. Shit. Corner na ako. Pinlano nila 'to! Pinagkakaisahan nila kami ni Tripp.

Sumugod sa akin yung may baril sa akin, pero mabilis akong yumuko at gumapang sa pagitan ng mga paa niya, ng may humila sa buhok ko patayo kaya napa-daing ako.

"Aray! Masakit 'yon ha!" Tumayo ako at hinila rin ang buhok nung babae ng mas malakas kaya napa-bitaw siya sa buhok ko.

Nagulat ako ng maramdamang may papatamang kutsilyo sakin galing dun sa knife girl, kaya mabilis kong hinarang ang katawan nung babaeng hawak ko, at tinamaan siya sa tiyan.

Napa-higa ito at napa-ubo.

"B-bitch." Bulong nito't sinamaan ako ng tingin kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit? Ako ba nakatama niyan?" I rolled my eyes and smirk ng makitang unti-unti itong nag-laho, kasabay ng pag-sigaw ng isang lalaki.

I though, dahil sa akin kaya 'to natalo, dahil pala kay Tripp. Nasaksak niya sa bandang puso yung isang lalaking maskulado.

Biglang nag-blurd sila at nag-laho kasabay ng pag-tunog ng malakas na bell. Hudyat na may namatay o natalo ng representative.

Tumingin ako sa relong suot ko, alas-cuatro na ng hapon. May walong oras na lamang kami ni Tripp para tapusin ang labang 'to at manalo.

"Erin and Jasper of section E5 is now out of the game." Paga-anunsyo ng emcee.

"Now. Five minutes break, no going out of the arena, and all of you," sabay tingin nito sa amin. "Eat your foods. I hope, na-inform kayong mag-dala ng sariling pag-kain niyo." Sabay subo nito ng pizza at mgumiti. Aish

Mabilis kong kinuha sa likod ang backpack ko at lumapit kay Tripp na naka-upo sa isang tabi. Wala siyang dalang kahit na ano, maliban sa hawak niyang pistol na kulay silver at naka-ukit ang pangalan niya. Tripp.

Ini-abot ko sa kanya ang isa pang sandwich na hawak ko, pero tinitigan niya lang ito at hindi tinanggap. Hindi ko alam, pero na-lungkot ako bigla.

Babawiin ko na sana ng bigla niyang halbutin at kainin 'yon kaya nanlalaking matang tinignan ko siya at napangiti.

"I just eat your sandwich because I'm hungry. Don't think something stupid." Hindi ko nalang siya pinansin at kinain rin ang sandwich ko ng bigla nanamang tumunog ang bell at pumutok ang baril.

Intrepide UniversityWhere stories live. Discover now